MAYA'S POV
Habang unti-unti akong nakikilala sa larangan ng pag-awit tuluyan akong nawalan ng pagkakataong makausap si Lucas sa Skype... Uso na iyon at puwede kaming magkaroon ng komunikasyon sa pamamagitan noon ngunit hindi kaya ng schedule ko lalo na ang time difference namin. Kalahati ng mundo ay tulog na habang gigising pa lang kami. Gabi sa Pilipinas habang umaga naman sa Amerika.Doon kasi kami nakabase noon. Doon kami nakipagsapalaran ni Mama at hindi naman ako nabigo.
Naging matagumpay ako. Kilalang kilala ako ng mga kabataan. Inidolo nila ako kaya iningatan ni Mama ang ipinapakita kong magandang ugali sa harap ng tao. Palagi niya akong sinasabihang panatilihing maganda ang imahe ko sa labas, lalo na sa madla. Konting mali mo lang kahit madami kang nagawang mabuti ay mababalewala ang lahat ng aking pinaghirapan.
Naging Crowd's Favorite ako at Kid's Choice of the Year sa Music Awards... Nakasayaw ko sina Justine Biever at Celina Gomez...Pati si Smiley Cyprus ay naka-jamming ko rin. Pareho kasi kami ng hilig sa pagkanta at instrumentong ginagamit..Higit sa lahat pareho kaming Papa's Girl.
Pagkatapos ng awards, yayain pa nila akong makisama sa inihanda nilang salu-salo para sa mga pinarangalan. Proud nila akong kinamayan at hinalikan sa pisngi. May mga kaedad ko na hiniling na maki-jamming ako sa kanila.
Ito ang mundo ko ngayon...
Habang abala ako dito, malamang iba ang piangkakaabalahan nila sa Pilipinas. Siguro ay nai-enjoy nila ang ganitong weekend kasama lang ang kanilang mga kaibigan sa mga simpleng kuwentuhan kahit sa bakuran lang o sleep over ng mga kaibigang babae.
What if ... wala ako dito...Ano naman kaya ang pagkakaabalahan ko? Siguro busy pa rin ako sa pag-i-ensayo dahil hindi titigil si Mama na ihanap ako ng raket sa mga hotels and restaurants na nag-aaccommodate ng mga birthdays , wedding and anniversaries.
Baka busy na rin akong mag-aral...At baka boyfriend ko na rin si Lucas in secret.. How I wish I could have experience it bago ako naging busy sa kabilang mundo. Pakiramdam ko tuloy autistic ako at may sariling mundo .
O kaya busy akong nanunood ng mga music video at sumusulat ng tula at kanta...
Lucas...
How I wish , I could stare at your cute and handsome face longer. How I wish to touch your face and kiss your thin red lips...How I wish, I could join you , Cholo, JD and Tomas as you go on biking around the village or maybe go swimming and strolling around the park.
Things will never be the same again...
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?