MAYA' S POV
Lumabas na lang ako sa gate namin ng oras na iyon. Bukas na ang flight namin . Uuwi ako ng Pilipinas. Pinayagan na rin ako sa wakas ni Mama. "Kaysa naman takasan mo ako..." Sabi niya. Napaupo ako sa semento, sa gutter ng kalyeng iyon sa tapat ng aming gate na gawa din sa kahoy. Gusto kong sumigaw doon at palabasin si Lucas sa bahay nila para makapag-usap kami at magkaliwanagan kung totoo ba ang mga makita ko sa video. (Imagination lang po....) Tiyak na magiging heavy drama ang magiging confrontation namin dahil para akong director sa isang shooting , umaasa na magkakapilitan kami, mag-iiyakan sa bisig ng isa't isa habang ngumungungoy at mahigpit na magkayakap sa mga oras na iyon. Mag-so-sorry sa isa't isa dahil hindi na namin nagawang ipaglaban ang nararamdaman namin kahit sa kahuli-hulihang pagkakataon. Baka iyon na rin ang huli naming pagkikita kong magdesisyon akong sumama kay Troy tutal wala naman talaga kaming patutunguhan ni Lucas.
"Magtanan na lang tayo, Maya. Sumama ka sa akin at magpapakalayu-layo tayong dalawa. Pupunta tayo sa lugar na walang nakakakilala sa ating dalawa at mamumuhay tayong tahimik at payapa."
"Sasama ako sa iyo , Lucas kahit saan mo gusto..."
Imagination pa rin po.
Ang sarap mabuhay sa imahinasyon... Pero ang buhay natin ay hindi isang imahinasyon. Kailangan nating mabuhay sa katotohanan ng buhay. Magandang tapusin ang kuwento namin ni Lucas sa mga ganitong eksena na against all odds lang ang peg naming dalawa. Magandang ending.
Tapos, kapag nagtanan kami, mababalita kami sa media.
Tapos, sa susunod, ikakasal na ako.
Tapos, magbubuntis na ako, manganganak...
Tapos...
Tapos na ang ilusyon...
Pero gawa-gawa ko lang ang ending na ito. Nakarating ako hanggang sa parke. OO, may parke rin sa subdivision na tinitirhan namin ni Mama. Matagal akong naupo doon, hanggang sa humiga ako sa nagyeyelong damuhan at tumingala sa langit. Angdaming bituin ng mga oras na iyon. December na kasi...
"May nakikinig ba sa akin ngayon? Hoy mga bituin, naririnig ba ninyo ako? Lucas, naririnig mo ba ang tibok ng puso ko...Baka puwede ninyo akong bigyan ng isang kahilingan. Wala bang mahuhulog na bituin ngayon para man lang pagbigyan ang kahilingan ko. "
Pagtingin ko sa aking relo....1:43 na pala. Parang kahihiga ko pa lang. 1:43 kaagad ? Tumayo ako at nanatiling nakatingala sa langit ng mga oras na iyon. Iisa lang ang iniisip ko ngayon... si Lucas at ang umagang nagtama ang aming paningin sa kotse habang nasa school service ako.
"Pagbalik ko, sasabihin ko na kay Lucas ang nararamdaman ko para sa kanya" Sabi ko sa sarili ko. "Tama, iyon ang sasabihin ko. Kalilimutan ko ang lahat. Magsisimula kaming muli ni Lucas. This time, totohanan na ito."
Pumasok ako sa bakuran namin. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay. May heater to loob ng bahay kaya mas komportable na ang aking pakiramdam kaysa sa labas. Lalo lang akong magkakasakit at baka hindi pa matuloy ang aking concert sa Japan.
Iyon na ang huli kong concert sa taong ito. Madaming magbabago sa susunod na taon kapag itinuloy ko ang mga plano ko.
At sana...maging malinaw na sa amin ang lahat ni Lucas kung ano ba kaming dalawa.
ENDING SUSPENDED....
Sundan ang ending sa kuwentong TIME MACHINE....
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?