WHAT ARE WE SUPPOSED TO BE

16 0 0
                                    

MAYA'S POV



Naiwan ko sina Tasha at Lucas. Paano na kami ni Lucas? Assuming na parang naging kami. Halos wala akong panahong magmukmok. Kahit may jetlag ako, pinagpahinga naman muna ako. paglapat ng ulo ko sa unan, kinuha ko ang isa pang unan at niyakap ko iyon at tumuloy ang aking luha. Anglayo natin Lucas. Sobra-sobrang layo... Hindi ako makakatakbo pabalik sa subdibisyon natin. Hindi kita mataatwagan unless, mag-collect call ako sa inyo. medyo mahal iyon at hindi ko din memorized ang number mo. Kailangan kong maging matatag. Kailangan kong paglabanan ang lungkot. Hindi iyon makakabubuti sa akin lalo na sa mga pangarap ko. Nandito na ako eh, hindi na ako makakaatras. As if my choice ako...



Sa madali't sabi , kasama ng dasal ni Mama gabi-gabi... nagbunga ang lahat ng aming pagsisikap. Naghintay kami ng dalawang buwan pa. Habang naghihintay, pagkanta ang inatupag ko. Kabilaan ang pagrequest sa akin ng mga tv network na i-guest ako at pakantahin. May kinikita din ako doon... hindi lang basta pera... hindi rin peso pero tumataginting na dolyar. Sa edad ko, hindi ko nakikita kung ano ang halaga nito? Ang puso ko ay naiwan kung nasaan si Lucas ngayon.



Pumasok ako ng banyo... Doon ko pinigilan ang hagulgol ko. Ayokong marinig ako ni Mama. Hindi ko maipaliwanag ang klase ng kalungkutang dumapo sa akin. Ang kabiguan ko, ang kalungkutan ko, ang kasawian at pangungulila ko kay Papa ang pinaghuhugutan ko ngayon ng lakas ngayon.



Nakuha ko ang spot ng pagiging Mulan sa bagong WaltDisney Animated Movie. Ako ang magbibigay buhay sa character ni Mulan. Totoo na ito? Isa pelikula ang aking gagawin. Hangang hanga sila sa pag-iyak ko. Ramdam na ramdam at talagang buhos na buhos ang iyak ko kasi kapag ang eksena ay paghihiwalay, si Lucas ang naaalala ko. Kapag magulang ang eksena, si Papa ang aking naaalala. May pagka-musical kasi ito...kaya tamang tama lang sa pagkakataong ibinigay sa akin.



I will do my best.



What if... hindi kami umalis? Wala ako dito ngayon... Hindi ako hahangaan ng kapwa ko Pilipino dito sa US. Dito kasi kapag kilala kang artista lalo na kung sikat, puwede ka pa ring maglakad –lakad at mamasyal ng hindi pagkakaguluhan. May disiplina sila. Marunong silang magbigay ng privacy sa tao.



Lucas, I shall see you soon.



Wait for me...


STUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon