WHAT MAYA DO

26 0 0
                                    

A/N: Your past determines your future. Anong future bang naghihintay sa amin ni Lucas ? May future ba sa aming dalawa ? Tiwala lang...



MAYA'S POV



The past... Kung sa nakaraan , madami kaming naiwan... Ano ang kahahantungan namin sa kinabukasan? Anong posibleng mangyari?



Determines the Future...



Kung sa nakaraan nagkalayo kami, sa hinaharap... magkikita ba kami? Magkakatuluyan pa ba kami? How do we know? Who knows? Only God knows my future even if bad things happened in the past , it doesn't mean, bad things will come in the future... Will something good comes after bad events?



Ang pagkakadiskubre sa akin bilang YouTube Sensation ay pawang aksidente lang. Ito kasing si Tasha, kinuhanan ako ng video habang kumakanta ng Dance with my Father sa burol ni Papa . Natural, masyado akong emotional ng mga pagkakataong iyon dahil Papa's Girl ako kaya feel na feel ko ang kanta. Mami-miss ko si Papa at kinantahan ko siya sa kahuli-hulihang pagkakataon. Umani ng daang libong likes ang video na iyon sa Youtube at naging matunog ang pangalan ko. May naghanap sa akin sa isang istasyon upang interbyuhin ako para makilala daw ako. Humanga sila sa husay ng pagkakaawit ko.



Heto ako ngayon, nasa taas ng entablado, pinapalakpakan, tinututukan ng spotlight sa gitna, at isinisigaw ang aking pangalan. Hindi ako makapaniwala ngayon sa nakikita kong tila dagat ng tao sa dami ng dadalo sa concert ko. Sila lahat ay mga tagahangan ni Maya...Filipina... a Singer, A Diva and Queen of Soul...At nandito na kami sa Yokohama Stadium... Madaming umugong na balita... hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga balitang iyon. Kaya tutuldukan ko ang kanilang pangamba ng mas nakakabiglang rebelasyon.



May ilang oras pa bago magsimula ang concert... Pumasok si Taka sa kuwarto ko para i-welcome ako. Marunong naman siyang mag-ingles kaya hindi na niya kailangang mag-interpreter. Pero pinabilib ko siya ng tanungin niya ako.



"Are you nervous?"



"Watashi wa jissai ni, watashi wa kyō wa watashi no fan o mite kōfun shite imasu... Daijōbudesu... (I am okay... Actually , i am excited to see my fans today..."


"Oh, you are excited to see me.."


"Why? Are you my fan?"


"I love your last song. It touched the deepest part of my heart. I could even remember my crush but I don't think she liked me during that time. Whenever she sees me, when would run away ..."



Nagtawanan kami sa loob. Kinamayan niya ako at nakipagbeso saka nagmadaling umalis kasama ang kanyang mga ka-banda. May special participation kasi si Taka sa concert ko dahil Hapon sila. Inimbitahan ko rin kasi siya dahil paborito ko ang mga kanta niya.



Paglabas nila, nagawa ko pang balikan ang alaalang iyon. Napangiti na lang ako. Mag-isa lang ako sa loob ng aking kuwarto at nagpapahinga. Tumingin lang ako sa kisame. Matagal – tagal na rin 'yong huli akong nannahimik at napag-isa ng ganito. Madalas kasi, hindi sila magdaugaga sa pag-aasikaso sa akin na para akong beybi.



Angtagal na panahon din pala noon at hanggang ngayon ganito pa rin ang nararamdaman ko para sa iyo, Lucas... Same feelings when I was twelve. Nandito ka pa rin. Na-stuck ka na dito sa isip ko. Ano ba ginawa mo sa akin? Akala ko okay lang na nandito ka pero hindi pala. Nang malaman k okay Cholo na gusto ni Tasha si Lucas, saka lang ako nagdalawang isip kahit medyo palang nag-aalangan pa rin ako kasi magpinsan kami. Buo ang tiwala ko sa kanya. Pero paano kung tooto nga?



What if... matagal na palang itinatago ni Tasha ang mga sulat ko para kay Lucas? O baka mamaya all this time, nagdadalawang isip na si Lucas dahil sa agwat ng katayuan namin sa isa't isa. Baka isipin niyang sikat na ako kaya dapat sikat din ang lalaking mamahalin ko tulad ni Troy.... Ewwwww! Ayoko ng Amerikano...



Na-stuck ka na dito sa isip ko... at higit sa lahat... sa PUSO ko. Hindi na mahalaga kung ano pa ang iniisip mo ngayon basta ako alam kung mahal kita ito lang ang mahalaga. Kaya nga, I'm still silently quietly hoping you'll end up with me. Pero, mangyayari ba yun?



Ang layo na ng agwat natin...



Yep. Up until now. So what should I do? L



Hindi ko nagawang maghanap ng iba kahit ma-link ako sa ibang mga nakasama kong mang-aawit. Trabaho lang, walang kasamang ligawan. Hindi ako nagpaligaw. Kokontra kaagad si Mama. Hindi niya gustong may aali- aligid sa akin dahil makakasira lang daw sila ng career. Minsan nga kahit hindi totoo , pinagagalitan nan niya ako. Huwag daw akong maglilihim sa kanya.



Kapag nalaman ni Mama na mahal ko si Lucas, baka lalo siyang maghuramentado. All these years, ikaw lang ang lalaking nasa puso ko . Dahil hanggang ngayon ay nandito ka, hindi kita kayang palitan ng kung sino lang. Para sa akin, tayo lang ang perfect for each other.



Madaming kabaliktaran ang buhay pero hindi kasama doon ang PAG-IBIG.



May mga taong mananatili sa iyong puso pero hindi sa iyong buhay. Masakit talaga ang katotohanan. Minsan ka nang dumating sa buhay ko at napasaya mo ang bawat araw ko. A few good and happy memories were enough to keep me in-love with you. Pinaglayo tayo ng iyong desisyong harapin ang iyong buhay. Nagkalayo tayo dahil kailangan ko, alam kong hindi dahil sa gusto ko. Bata pa kasi para malaman kong ano ang gusto ko sa buhay. Ang talento na nagbigay sa iyo ng kasikatan ang naglayo sa atin pero okay lang...pero sana, nagkausap tayo bago kami umalis para naman panatag akong umalis. Nag-aalala rin ako sa iyo, tiyak kong malulungkot ka.



What if ... naging tayo? Paano kung iba ang aking talent, baka hindi pa tayo nagkahiwalay... Baka ngayon ay nasabi ko nang gusto kita... mahal kita.



Iba ka, Lucas... 

STUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon