A/N: Lahat tayo ay napapangiti ng alaala. Kailangan mong balik-balikan kung talagang wala kang magawa. Paulit-ulit lang kahit sa bandang huli, wala kang mapapala.
LUCAS' POV
Napapangiti ako sa alaala ni Maya... I can't help but look back. Look back and look back and a lot of flashbacks... Para na akong may sakit ng schizophrenia ( tama ba spelling ko...) Hanggang alaala na lang ako. Pag feel kong balikan ang lahat, buhay na buhay si Maya sa aking imahinasyon at naririnig ko ang halakhak niya. Pati ang kanyang boses, naririnig ko.
Wala akong mapapala dito pero ito kasi ang kasiyahan ko. Ito lang ang kaligayahan ko. Dito ako napapangiti ni Maya. Tuwing lalabas ako at may makikitang mga batang babae at lalaki na magkasama , halos kasing edad lang namin noon ni Maya... Napapabuntunghininga kaagad ako. Isang kabaliwan ang manatili sa kanyang alaala. OO naman, hindi ba talagang kabaliwan iyon. Katangahan na rin kung gusto mo . Napangiti ako ng magkulitan sila sa harapan ko. Pang-asar ang batang lalaki. Hinabol siya ng kurot ng dalagita at ng tuluyang nasukol, tinakot na hahalikan niya ito. Ni hindi man lang kami umabot sa level na iyon. Hanggang kain ng icecream , ligo sa ulan na may kasamang sermon at ng bigyan ko siya ng loveletter sa unang pagkakataon.
Pumasok ako sa aking opisina. Tiningnan ko kung sino ang posibleng kliyente ng araw na iyon. Nakita kong papadating si Tasha. Nakangiti siya. Feeling sekretarya ang lola mo. Kasunod niya ang Musical Director na bubuo ng First Album launching ni Fabio ng Harper Music. Kasabay niya si Ms. Lucille.
"Good morning , Mr. Lucas Brown." Kinamayan ako ni Ms. Lucille.
"Mr. Brown, maliit pala ang studio mo." Sabi naman ni Lucille. " But we want to try it."
Maganda ang equipment ng Harper Music. Mayroon silang advance equipment for musical scoring pero pinili ni Lucille na gawin ni Fabio ang kanyang album sa ibang music studio para lang maiwasan ang intriga. Ayaw niyang magkaroon ng komplikadong sitwasyon o personalan sa kompanya lalo na kung masisilip na tila masyado siyang pinapaboran ni Pres. Felipe.
"Kahit ganito kaliit ang aking studio, I can make the best music for you."
"We'll see ..." Mukhang sinusubukan ako ni Ms. Lucille. Tahimik si Fabio at sinusukat ang aking studio. Paikot-ikot siya kahit maliit lang ang espasyong iikutan.
"What do you think?" Inakbayan niya ang babae at naupo naman sa isang upuan si Gary Borlaza, ang musical director na nangangalaga sa mga musika ni Fabio. May music inclination na si Fabio. Marunong siyang humawak ng instrument. Ballader si Mr. Fabio. Sumikat ang kanyang "Yakap" ng siya ay nasa bilangguan pa lamang.
"Let's try." Sabi ni Fabio. Pumasok na siya sa loob ng isang Music Room. Nandoon ang isang headset at isang klase ng micropono na pang recording talaga.
"Music testing lang muna ha!" Sabi ni Gary. Inadjust niya ang equalizer para sa tono. Naka-headset din siya para magkarinigan silang dalawa ni Fabio sa loob habang nasa labas kaming tatlo. May speaker sa labas. Maririnig namin ang kanta niya.
Sumenyas siya ng bilang and "Start"
♪"I was too dumb to notice. That there's something about you, What am I supposed to do. I sure wish I knew ♪
♪All the butterflies I felt inside, Never really mattered, Wishful thoughts and sudden smiles, End up being shattered "♪
Okay, fine. Uso siya ngayon at pati si Fabio 'yon din ang sinubukang kantahin. Whew! Grabe ang mga taong ito. May hugot din ba sa nakaraan? Pati rin ba siya na-stuck?
"Bakit 'yan ang kinanta niya?" Tanong ko kay Miss Lucille.
"Madaming hugot din sa buhay si Fabio. Lahat naman tayo eh, na-stuck kung saan ang ating alaala. Sabi niya kasi, he felt that before. "
"Talaga! Mukhang interesting ang lovelife ni Mr. Fabio ha!"
"Mahirap ma-stuck sa nakaraan...Have you ever experience that? " Yung totoo, ako ba ang pinariringgan ni Miss Lucille o si Fabio pa rin ang ikinukuwento niya.
Maganda ang pagkakakanta niya. Ibang boses naman ang narinig ko. Iba talaga kapag kinanta ito ng mga taong alam mong may hugot sa buhay. Syiempre, feel na feel nilang kantahin. No need of exaggeration. Mula sa puso ang hugot kasi tagos din sa puso ang kanilang nararamdaman. Nandoon ang panghihinayang.
Lumabas si Fabio at niyakap si Miss Lucille. Hinagilap ang labi ng dalaga. Ako pa ang feeling awkward sa sitwasyon. Hmmm, now I know mukhang may past silang dalawa. Nakangiti si Miss Lucille. Hindi nahiya kahit nandoon ako.
"By the way, Mr. Brown, husband ko si Mr. Fabio. " Sabay tingin sa akin ng babae. " Bakit ba iyon ang kinanta mo?" Tanong niya habang nakahawak sa beywang ni Fabio.
"Because I remember being stuck on you...And I was given a chance to tell you how much I love you. "
Okay, kayo na ang nabigyan ng pagkakataon. Sarap ninyong pagbuhulin at dito sa sila sa harapan ko nagtukaan. Kung sa Harper Music iyon, hindi nila iyon magagawa dahil Executive Producer si Miss Lucille doon. Singer nila si Fabio.
Pagpasok ko sa opisina, naupo ako sa swivel chair at muling napangiti.
"Maya, my Maya..." Oh Gosh, Maya... Visible or invisible, nandito ka pa rin sa puso ko.
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?