TOMAS' POV
Dinalaw ko si Tasha sa opisina niya sa LAMB Music Studio. Nakita kong sarado pa ng opisina ni Lucas. Sigurado kong hindi siya makakapasok sa sobrang kalasingan niya. Nakakaawa ang kanyang kalagayan ngayon. Sobrang pagpaparusa na ang magkalayo sila pero ang malaman mo na may taong katulad ni Tasha na lihim na pinaglayo sila, para gusto mong magwala.
Iyak ng iyak si Lucas kagabi. Alam kong hindi dahil sa kalasingan. Kasama na doon ako sobrang pagkahabag sa sarili at sama ng loob dahil sa ginawa ni Tasha tapos ibibigay niya ang isang kahon ng sulat kay Lucas. Anong gagawin niya doon? Hindi biro ang 15 years. Oh come on... 15 years is 15 years... eh kung nag-asawa nga kaagad si Lucs, baka may 10 years old na siyang anak ngayon.
"Lucas, hanapin mo sa facebook si Maya."
"Tomas, malabo iyon. Hindi nagbubukas ng ganyang mga account si Maya. Lalong maghihigpit sila na igawa siya ng Twitter account. Mahirap na...Baka mamaya, makatagpo siya ng mga bashers..."
"Ay oo nga pala."
"Siguro eh may Official Fan Page siya pero not a personal account like that."
"Binasa mo na ba?"
"Mababasa ko ba lahat iyon?"
"Mukhang isang libro na iyon ha! Full documentation ng unrequited love ninyong dalawa."
"Naging kayo ba ni Maya?" Parehong tanong ni Cholo noon.
"Hindi nga..." Malamang magmukhang confession letters ang mga iyon kapag nabasa ni Lucas. Tiyak 'yon.
Nakakaawa pero ano pang magagawa namin. Nangyari na eh. Napakagaling ni Tasha para itago ang ganoong lihim. Kung ang paglilihim ay isang krmien... masasabi kong napakagaling ni Tasha para magplano ng isang krimen sa loob ng 15 years ng hindi man lang siya nakaramdam ng konting konsensiya sa kalagayan ng dalawa.
"Tomas..."
"bakit mo iyon nagawa kina Lucas at Maya?"
"Ano bang sinasabi mo?"
"Hindi mo ba sila itinuring na kaiibigan? Pinsan ka ni Maya di ba? Paano mo ito nagawa sa kanya? May kasalanan ba sila sa iyo?"
"OO..." Sinigawan ako ni Tasha. "Akala mo ba? Madali ang pinagdaaanan ko para lang itago iyon."
"At nagawa mo nga... Sa loob ng labinlimang taon. Hindi iyon biro, Tasha..."
"Pare-pareho lang tayong hindi naka-move on. Pare-pareho tayong na-stuck sa sitwasyon. "
"OO, pare-pareho tayong na-stuck sa sitwasyon at pare-pareho tayong umaasam ng pag-asa pero hindi ako nanloko , ng pinsan at kaibigan. Matalik na kaibigan ang turing sa iyo ni Lucas. Magkakaibigan ang turingan natin. Iisang kalye ang kinalakhan natin. Halos kilala na natin ang isa't isa pero hindi ka man lang nakonsensiya. Grabeh! hindi talaga ako makapaniwala na ganyan ang kaya mong gawin, Tasha."
"Tomas..."
"I am totally and absolutely so disappointed with you. Mabuti at nakakatulog ka pa sa ginawa mo. Sino ka ba? Hukom ba? "
"Tomas, nagawa ko iyon dahil..."
"Dahil mahal mo si Lucas...Hindi maituturing na pagmamahal iyon, Tasha. masyado kang sakim. So, masaya ka na kasi ipinaubaya na ni Lucas kay Troy?"
"Tomas..."
Tinalikuran ko si Tasha. Naapektuhan ako sa ginawa niya. Maging ang pagtingin ko sa kanya ay nabawasan. Hindi ko mapaniwalang magagawa niya iyon lalo na sa kanilang dalawa.
Hanggang sa makaalis ako ay hindi ko nakita si Lucas. Baka hindi na siya pumasok sa sobrang kalasingan...
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?