LUCAS' ADDICTION

31 0 1
                                    

LUCAS' POV



Wala akong nagawa kundi tanggapin ang katotohanang malayo na ang mundo namin ni Maya. Kung may pakialam siya sa akin, sana... Never mind. Mahirap na, assuming na nga ako... addict pa kay Maya. Baka mamaya ipatumba na rin ako ni Digong sa pagiging adik ko.



Sinubaybayan ako sa career ni Maya. Updated ako sa mga whereabouts niya. Lahat ng mga tv guestings niya sa America ay napanuod ko sa cable. Pati ang dating interview ni Maya kay Helen Degeneris .



"Maria Aya is our special guest from the Philippines. How have you been this time, Maya?"



"I feel weird. I can't imagine, I 'll come to see you face to face."


"Better believe me" Nagpakurot pa sa kanya si Helen. Kinurot din siya ni Helen.


"Ouch!"


"See and Believe, you are famous now, Maya.'



Lahat ng audience ay nagkatawanan pa.Pinaunlakan niya ng kanta ang mga manunood. Para siyang si Kate Pierre sa kanyang ayos, nakacocktail dress na black and white boots. Dala niya ang isang guitar atsaka siya kumanta sa karap ng mga tao.



Sino ang hindi matutulala sa kanya? That's why I am fond of looking at her new posts and pictures on instagram and Tumbler. Kitang kita ko ang total transformation ng kanyang kabuuan. Dalagang dalaga na siya. Puno ang kuwarto ko ng kanyang memorabilia. I had become a total fanboy of Maya. Syiempre, ako ang unang unang fan niya.



Minsan ay nagkasagutan kami ni Tasha.



"Ano bang nasa loob ng kuwarto mo? Papasukin mo naman ako?" Kaya nga ingat na ingat ako. Palagi itong naka-lock. Si Tasha lang ang hindi ko pinapasok doon dahil baka niya ako pagtawanan. Hindi niya lubusang alam na ang kalahati ng aking pagkatao ay kay Maya umiikot. Maya had become my world. Siya na ang center ng solar system na nagbibgay init sa aking nangungulilang puso. (Hanep sa hugot! Mapapagalitan ako ng science teacher ko kapag nalaman niyang may bago na palang center ang solar system...hahaha!)



All concert tickets were VIPs dahil bigay ni Tasha sa tuwing pupunta siya dito sa Pilipinas para mag-concert. Akala ko libre ni Tasha, hindi pala. Nagpapadala pala si Maya ng mga Complimentary and VIP Tickets para sa aming dalawa. Kaya nagsasama din kami ng mga kaibigan namin. But I never had the chance to get close to her. Lahat ng iyon ay nakagalay sa isang maliit na wooden decorative box. Doon ko iniipon at inilalagay ang lahat ng mga tickets na naipon ko.



May isa pa akong box na puno ng maliliit na memorabilia niya. May iba doon na naka-plastic pa at nakalagay sa package. Amoy-tate pa kasi on-line ko binili. May ilan doon ay mga limited edition ng mugs and tumblers... mga key chains, button pins at blingblings...



Napatunayan kong sikat na sikat na si Maya. Dinudumog siya ng madaming tao kaya madami siyang Rogelio – Rogelio look a like na naka-dark glasses at nakaharang sa mga fans na magtatangkang lumapit sa kanya. Mahigpit ang security kapag nandiyan na siya. First concert tour iyon ni Maya dito sa Pilipinas after 7 years. Nakadalawang kantang lang yata siya tapos parang kauupo lang niya ay aalis kaagad siya at pupunta naman sa ibang location ng mundo para kumanta ulit sa hikayatin silang bumili ng album niya. Grabeh! Ganoong siya kasikat.



Hindi ako nagpakita sa kanya bilang protesta dahil iniwan niya ako ng walang sabi-sabi. May pride din ako ano... Sa LED Screen pa lang, kitang kita ko ang malaking pagbabago sa kanya. Para sa akin, napakaganda ni Maya. Lalo na ngayon... Sixteen years old na siya ng muli kaming magkita.




This time, na-LSS na ako sa kanyang STUCK...

STUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon