MAYA'S POV
Maaga akong naulila sa ama habang si Mama naman ang patuloy na gumagabay sa akin sa paghubog ng aking talent upang balang araw ay maiahon ko ang aking pamilya sa kahirapan. Bagamat dalawa lang kami ni Mama pinasan ko ang responsibilibad na buhayin ang aming pamilya sa pamamagitan ng talentong ipinagkaloob sa akin.
"Samantalahin mo , Maya habang bata ka pa. Tanggapin mo ang lahat ng magagandang oportunidad na dumarating sa iyon ngayon. Samantalahin mo habang tinatangkilik ka ng maraming tao dahil sa ganda ng boses mo , sa galing mong sumayaw at sa paghawak mo ng instrumento . Makakaahon din tayo sa kahirapan. Giginhawa din ang ating buhay. Pagkatapos noon, magagawa mo na ang lahat ng gusto mong gawin. "
Paano ko iyon maiintindihan?
Bilang isang bata... isang labindalawang taong gulang na bata na hindi pa husto ang isip... habang natututunan ko pa lang kung ano ang tama at mali... tama ba na dahil sa paghabol ko sa kasikatan at lahat ng oportunidad na lumago ay kinuha din nito sa akin ang pagkakataong maging normal na bata, normal na lumaki at magdalaga?
Madami ang nawala sa akin dahil sa pag-abot ko ng mga pangarap na sana ay taliwas sa gusto kong mangyari sa buhay ko.
Kailan ko pa mararanasan ang buhay ng dalaga kung abala ako sa ibang mundo. Mundo na gising sa gabi... mahaba ang gabi sa umaga (dahil baliktad ang tulog ko sa normal na takbo ng mundo... Ang oras kung saan dapat natutulog ang tao ay oras kung saan nagpi-perform ako sa isang concert... At ang umaga sa akin ay hindi lakwatsa o laro kundi ensayo, pagpapaganda ng sarili, paghahanda at pgkokondisyon ng aking boses. )
Ni hindi ako makaharap sa computer ng matagal para makipag-chat kay Tasha. Ni hindi ko masagot ang lahat ng mga emails niya.
Mayroon akong sekretarya para tanggapin ang lahat ng mga sulat ko. May mga assistants ako na sasagot sa lahat ng mga sulat na iyon. Bahala na silang magpadala nito sa iba't ibang panig ng mundo. Pero ang mga personal na email ko ay hindi nila puwedeng galawin o pakialaman... ako lang ang nakakaalam ng aking password.
At ano na nga kaya ang balita? Kumusta na nga kaya siya? Kumusta na si Lucas?
Noong mga panahong iyon, kare-release lang ng bagong album ko. Sana maalala ako ni Lucas kapag narinig niya ang kantang iyon.
Muli kong binuksan ang aking wallet at kinuha ang nakatuping papel. Muli kong binasa ang mga salita doon. Paulit-ulit kong binabasa hanggang isang araw, may kung anong himig akong narinig kasabay ng mga salitang iyon. Pumikit ako, nag-hum ako... si Lucas ang iniisip ko ng mga oras na iyon.
Dali-dali akong kumuha ng lyric sheet. inilapat ko ang tono habang humuhuni pa sa aking tenga. Maya-maya lang, kinakanta ko na. pagdating ng aking musical director, ipinakita ko ito sa kanya, tinugtog sa piano at tuwang tuwa siya.
"Maya, this is perfect...You are really genius Honey. How did you get this song?"
"It just started ringing into my ears and I immediately took my pen and scribe it so I won't forget the tune. I sang it.. I played my piano...So how was it?"
"I like your song... Surely people will love this...By the way, who inspired you doing this? Aha, tell it to me..."
Umiling ako. Napangiti ako ng abut-tenga. Ayokong malaman nila ang tungkol kay Lucas at ang loveletter na matagal kong pinakaiingatan.
"Just love me...Hahahaha!"
"SILENTLY, QUIETLY HOPING YOU'LL END UP WITH ME" I really wish that to happen... To end up with him is my greatest and ultimate dream.
Lucas, nasaan ka na?
May sasabihin ako sa iyo....
Mahal kita...
Mahal na mahal na kita...
At hindi kita kayang kalimutan.
Hindi noon...
Hindi rin ngayon...
What if , bumaba ako noon sa kotse at hinabol ko siya at bumaba siya....? Ano kayang ang una kong itatanong? Ano ba ang inaasahan kong sasabihin niya sa akin? May magbabago ba sa kalagayan namin ngayon?
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?