MAYA'S POV
Napuno ako ng galit kay Tasha kahit kinakausap ko siya at nagpapaliwanag ako tungkol sa interview na iyon as if naman may mababago doon. Nakita ng buong mundo ang ginawa ni Troy. Ano pang paliwanag ang dapat kong gawin? Malamang madaming humusga na lahat ng kanilang nakita ay totoo at baka isipin pa nilang sa kasal din matutuloy ang lahat.
Hindi ko masabing panalo na ako o nakaganti man lang sa kanya. Baka nga nagdiwang pa ang kalooban ni Tasha sa kanyang nakita. Baka inaakala niyang kami na talaga ni Troy at magiging malaya na si Lucas. Mapapasakanya na si Lucas ng ganoon kadali dahil napalitan ko na siya sa puso ko.
Lord, huwag naman si Lucas...Matagal akong umasa at naghihintay sa kanya. Nadadala naman daw kasi ang lahat sa dasal at hindi sa santong paspasan. Marunong naman akong maghintay... sa WALA ( Iyon ang klase ng paghihintay na ginawa ko ) Pero nawalang bigla ang pag-asang iyon dahil interview ng umagang iyon. Sa kabila noon, nandito sa puso ko ang pag-asa.Hangga't hindi kami nagkakaharap ni Lucas...
NAIA, MANILA
PHILIPPINES
Walang sinuman ang nakakaalam ng paglapag ng eroplanong sinasakyan ko. Naka-blackhood ako, kasama si Gambit at Celeste. Hindi kami nagpahalata. Wala dapat makahalata. Tunay kong pangalan ang nakalagay sa plane ticket kaya hindi nila ako masyadong pagkakaguluhan sa arrival area. Sa loob lang ng eroplano nila ako namukhaan. Mga Pilipino lang naman ang masyadong obvious pero kahit na sinong foreigner eh normal lang ang trato sa akin. Tao sa tao ... hindi artista na kailangan ng special treatment.
Pumasok ang kotse sa subdibisyong iyon. Tahimik kaming pumasok sa bakuran. Isang pamilyar na lugar sa loob ng matagal na panahon. May konting nagbago, kitang kita ko dahil sa liwanag ng lamp post. Nadaaanan pa rin namin ang parkeng iyon. ang puno ng eucalyptus na nagdudulot ng lamig dahil sa hanging dala nito. Mukhng maganda ngayon ang bakuran. Madaming flowering plants sa paso.
♪How are you supposed to see things ♪See things as if we are into relationship ♥...
"Welcome, Maya..." Sabi ni TIta Josephine. Ang ginawa naming katiwala doon. Matandang dalaga siya at walang ginawa kundi mag-alaga ng halaman sa bakuran tulad ng ginagawa niya sa lumang bahay nina Lolo Oca at Lola Celing.
Kahit may jetlag ako, saglit lang akong umupo sa sopa at saka sumalumbaba...Hinintay ko lang na mag-alas otso ng gabi at lumabas ako sa bahay.
"Saan ang punta mo?" Tanong nila sa akin.
"TIta, magpapahangin lang po..."
"Maya, are you sure you can go alone? "
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?