MAYA'S THOUGHTS

24 0 0
                                    

MAYA'S POV



Alam mo ba kung ano ang mas nakakapanghinayang ? Hindi niya alam na mahal ko siya. I'M HOPELESSLY ADDICTED TO YOU" , puro alaala na hindi mabura sa aking isipan, mga pangarap na hindi ko mabigyang katuparan, napakasakit! Iyon ang katotohanang dapat kong tanggapin na minsan sa buhay ng isang tinaguriang sikat ay isang malaking kabaliktaran ang kumanta ng love song ng hindi pa pala ni minsan nakaranas umibig. Pero nakaramdam ng pag-ibig... iyo naman..Itinago ko na lang kasi masasaktan ko din si Tasha.



Madalas kasi niyang sabihin sa akin na mahal na niya si Lucas. Eh alam naman niyang crush ko din si Lucas. Sa tingin pa lang naming magpinsan, nagkakaintindihan na kami. Civil din kaming mag-inggitan at magkompetensiya sa atensyon ni Lucas. Bruha din itong si Tasha... Madalas manadya... Nadurog ang puso ko ng ilang trilyong maliliit na piraso dahil doon na itinuring kong first heartache ko na iyon. Hindi nga lang daw siya pinapansin ni Lucas dahil mukhang may mahal na siyang iba. Now, Sorry na lang Tasha dahil alam ko... malakas ang kutob ko, ako na 'yon.



"Paano ba ako papansinin ni Lucas?" Sabi niya. Nagpaparinig lang ang mahadera.


"Bakit? Eh araw- araw na nga kayong magkasama... Kapit-tuko ka pa nga sa kaya eh..." Sarkastik kong sabi sa kanya.


"Maya, akala mo lang... pero hindi..."


"Huh!"


"Mukhang may iba siyang gusto?"


"May ibang gusto?" At doon ako nagulat. Sino naman kaya ang babaeng possible niyang mahal at hindi niya magawang mahalin si Tasha. Poor cousin... mahirap kompetensiyahin ang isang taong nasa puso na ng tao at hindi mo kilala.



Yes, dahil kinabukasan lang ....doon sa akin binigay ni Lucas ang kanyang loveletter. E di alam ko na kung sino ang babaeng love niya. Ako din pala, hay! Mabuti naman...pero iniwan ko siya... iiwan ko siya. Hindi ko siya puwedeng unahin. Hindi lovelife ang priority ko ngayon. Bata pa ako. At bumuhos sa akin ang suwerte mula sa langit pero ang malaking sakripisyo ay mapapalayo kaming dalawa sa isa't isa...



Well, all these years, siguro naman ay nagbago na ang damdamin ni Lucas. Sana naibaling na niya kay Tasha ang damdamin niya. (Kunwari lang na di ako umasa. Madaling sabihin pero mahirap gawin...iyon ang katotohanan. ) Matagal-tagal na panahon na rin iyon . (Kahit hanggang ngayon ay hindi ko pa din nagawang lumimot. ) Sana nakalimutan na rin niya iyon. (As if naman nakalimutan ko na siya...) Dahil... ako... ni minsan, hindi ko nagawang lumimot sa nararamdaman ko para sa kanya. ( Exactly, that's what I am saying right now...) Ilang beses kong inulit-ulit basahin ang sulat na ginawa niya sa akin. Bata pa ako noon at hindi ko maunawaan kung gaano kalalim ang ibig niyang sabihin... Ni hindi na kami nabigyan ng pagkakataong pag-usapan ang laman ng sulat niya.



Akala ko sa pagbabalik ko ay ikinasal na sila ni Tasha or may mga anak na sana pero it was all in my mind. Hindi pala. Binata pa si Lucas. (At may pag-asa pa ako...)



SKYPE CONVERSATION


ME: Insan, kumusta na? (Puro kami tilian ng oras na iyon...Kauuwi ko lang galing Universal Studios. May dubbing kami ng isang Disney Film...Isa ako sa mga may malaking role sa Mulan...)


TASHA: Insan, lalo kang gumanda...


ME:Kumusta si .... (Hindi ko binabanggit ang kanyang pangalan dahil nasa tabi ko si Mama)


TASHA: Naku, hayun...busy sa pag-aaral. Don't worry lahat ng emails mo para sa kanya, nai-print ko na. Don't forget my package ha!


ME: That's great... ( OO at iyon ang kapalit ng lahat ng mga pakisuyo ko sa kanya. Puro utos ng autograph signs ng mga artista dito sa HollyWood at original CDs ng Catzandogz...)



KOntento na ako sa ganoon. Tulay namin si Tasha. At akala ko kilala ko na si Tasha pagdating kay Lucas...After all sa kanya ko pa rin puwedeng iwan at ipagkatiwala si Lucas...



What if hindi pala? What if my cousin did all the measures to seduce my Lucas? Etchos! At kailan pa... Basta kami na lang ni Lucas ang nagkakaintindihan . Lucas is mine.

STUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon