MAYA'S ADDICTION

21 0 0
                                    

MAYA'S POV



Hindi nagtagal at madali akong naka-adapt sa lugar, sa buhay dito sa ibang bansa... Naging mabait sa akin ang mga katrabaho kong Amerikano. Dahil kilala nila akong magaling sa pagkanta, hindi nila minamaliit ang aking kakayahan kahit isa akong Pilipina. Marami na rin daw kasi silang kilalang Pilipina na hindi matatawaran ang kanilang talento. Nagtatrabaho sila ng mabuti. Matapat at palaging nakangiti.



"And I guess, that's what you need to do...Smile a bit, Maya..." Sabi ni Gustav na isang Russian.


"Smile...." Sabi rin ni Dale.


"Let's tickle her..."At niloko ako ni Brianne para kilitiin.



Sila ngayon ang mga close friend ko sa studio sa tuwing naka-break kami. Nagda-dub na lang kami ng aming mga linya sa pelikula. Malapit na rin itong ipalabas. Pagkatapos nito, pinagpaplanuhang isali ako sa intermission sa Awards Night.



Wala akong nagawa kundi tanggapin ang katotohanang malayo na ang mundo namin ni Lucas.



Matapos ang apat na taon, muli kung pinaunlakan ang imbitasyon ni Helen Denegeris na interview sa kanyang HD Show.



"Hi , Maya..."


"Hello there, Helen."


"How have you been?"


"Nice to be back..."


"So, you're back ... famous and so gorgeous..." Mahaba na ang buhok ko. Alunan at itim na itim pa. Hindi ko See and Believe, you are famous now, Maya.'



Nakacocktail dress na black and three inch high heeled boots. Dala ko ang isang guitar atsaka siya kumanta sa harap ng mga tao.



This what I had become for the past seven years. A total transformation happened but I am still Maria Aya Cornejo.



"Tell us about your concert...."


"Wait for me Philippines...I shall come and see you there."


"And you are going back this time..."


"Yes...I hope I am still welcome..."



Ngayon , alam na nilang babalik ako sa Pilipinas para sorpresahin ang lahat.


Pinadalhan ko na si Tasha ng concert tickets. Lahat ay pawang mga VIP Ticket.



"Tasha, isama mo si Lucas ha! Gusto ko siyang makita. " Matapos ng kanta ko, pumasok na ako sa aking kuwarto at hinihintay ko sina Tasha pero wala si Lucas. Kompleto sina Cholo, Tomas at JD pero wala si Lucas. Ang higpit ng yakap ko kay Tasha.



"Tasha..." Napalingon ako sa pinto dahil baka isu-surprise ako ni Lucas.


"Maya, pasensiya na..." Hindi ko maintindihan kumbakit. Akala ko kasi okay na kami. Bakit ? Anong nangyari?


"Tasha, bakit ganito? Anong nangyayari kay Lucas? LUCASSSSSS!" Hindi ko nakita si Lucas. Something happened...Something is wrong... Alam ko, something isn't right... Nilapitan na ako ng mga Rogelio – Rogelio look a like na naka-dark glasses at humarang sila sa mga fans na magtatangkang lumapit sa akin. Mahigpit ang security ko. First concert tour ko iyon dito sa Pilipinas after 7 years. Naka-sampung kanta ako sa loob ng limang oras. May kasamang sayaw iyon. Habang naglalakad, tumutulo din ang luha ko sa likod ng itim na salamin na iyon.



Paano ako nagawang tiisin ni Lucas na hindi man lang nagawang magpakita sa akin? Huminto ako saglit at nilingon ang buong lugar. Inalis ko ang aking sunglasses at inikot ko ang paningin sa karamihan ng taong aking dadaanan, baka makita ko si Lucas..." Lucasss, Lucassss" Makikilala ko pa rin siya kapag nakita ko siya. Hindi ako magkakamali sa hitsura niya pero tuluyan akong napaiyak.



"Maya, ano bang ginagawa mo? Madi-delay ang flight mo." Hinawakan na ako ni Mama sa braso at halos kaladkarin niya ako papasok ng kotse.


"Mama, gusto kong makita si Lucas."


"Maya, get back to your senses, hindi ito ang tamang panahon para sa inyo ni Lucas. Hindi ako makapapayag kaya huwag matigas ang ulo."


"Mama..."


"Makinig ka sa akin. Huwag mong aksayahin ang pagkakataong ito."



I was so disappointed with Tasha. Magtutuos kaming dalawa. Hindi ko palalampasin ang nangyaring ito. Hindi ko siya tatantanan sa Skype. Kailangan kong malaman ang totoo. Masyado na akong napraning sa nangyari. Excited pa naman ako.



Natulog lang ako sa biyahe. 

STUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon