LUCAS' SELF-PUNISHMENT

29 0 0
                                    

LUCAS' POV



Matagal din akong hindi nakibalita sa career ni Maya. Pinagod ko ang aking sarili sa pagtatrabaho. Sinikap kong buhayin ang mga pangarap ko sa kabila ng lahat nanantiling inspirasyon ko si Maya. Hanggang isang araw ay mabalitaan kong magkakaroon muli ng concert si Maya. Ipinapalagay na ng mga tao na huling concert na niya ito dahil malapit na siyang ikasal sa kanyang boyfriend. Iyon ang rumors na kumakalat. Nakikita daw kasi silang magkasama at nagdi-date kuno.



Lalong hindi na naka-moved on ang puso kong durug na durog , mas durog pa sa paminta. Hindi ko kinaya at muli akong naglakad-lakad sa aming subdibisyon kung saan huli kong nakita si Maya. Nilingon ko ang kalyeng iyon at na-imagine na tumingin sa akin si Maya habang papalayo ang kanilang kotse.



Ngayon, kailangan ko nang kumaway ng paalam sa kanya... sa mga alaalang nagpasaya sa akin, nagpangiti at nananatiling buhay maging ang aking pangarap na narating ay dahil na rin sa kagustuhan kong makasama si Maya sa kanyang hilig sa musika.



Nagulat na lang ako ng may kumatok sa pinto. bago ko pa siya pagbuksan ay bumukas na ito. Dala- dala ni Tasha ang isang kahon sabay abot sa akin.



"Lucas, sorry... Naglihim ako sa iyo..." Ibinigay niya sa akin ang isang puting sobre. Plane ticket iyon at VIP ticket sa concert ni Maya. May kasama iyong maliit na note... "Please come and see me.."



Umiiyak si Tasha. Hindi ko maintindihan...



"Lucas, sorry. Naging sakim ako at hindi ko inisip na isang araw ganito ang kahihinatnan ng ginawa ko." Iniabot sa akin ni Tasha ang isang pink na papel. Lumang-lumang papel... Iniwan na ako doon ni Tasha. Wala akong ibang narinig sa kanya kundi sorry. "Lucas, mahal kasi kita. Alam mo ba, noong mga bata tayo... gustong gusto kitang kasama. Nakalakhan ko na na ikaw ang kasama ko. madami tayong pinagsamahan pero naging malayo pa rin ang loob mo sa akin. Hindi mo na talaga ako binigyan ng pagkakataon."


"Tasha, ano ito?"


"Sana , mapatawad ninyo ako ni Maya! Sorry, Lucas..."


"Tapatin mo ako...Ano ito?"


"Lucas..." Mahigpit ko siyang hinawakan sa braso. Binuksan ko iyon habang nandoon pa lang si Tasha.


"Mga sulat? kaninong sulat? Para kanino?" Sunud-sunod ang tanong k okay Tasha. Binuksan ko iyong muli at inisa-isa ang mga putting papel. galing kay Maya. nangilid ang luha ko. Sulat ni Maya sa akin pero ... angdami...Hindi ko alam kung mababasa ko ba iyon ng isang buong magdamag. Imagine mo na lang ang 15 years...eh shoebox ng Nike ng rubbershoes ito.



Hinayaan ko ng umalis si Tasha kaysa masaktan ko siya.

STUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon