THIRD STOP: ROAD TO MATURITY

27 0 0
                                    

I wanna go back to the way we used to be
I wanna feel your skin, your lips so close to me
I wanna go back when I called you mine all the time
Every smile and every moment
If only I have (If only I have) a time machine.



LUCAS' POV



Tila malalim na ang gabi ng mga oras na iyon. Halos wala na akong nakikitang tao sa kalye bukod sa akin. Nakita ko ang aking sarili sa tapat mismo ng gate nina Maya. Doon ako palaging magsisimula ang lahat. This time, may dala akong backpack. Hindi ko napansin ang pagbukas ng pinto ng bahay nila. Madilim kasi ang buong kabahayan at walang ilaw ang bakuran. Nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin si Maya at niyakap ko siya ng mahigpit. Kahit puno ako ng pagtataka ng mga oras na iyon, nagpatangay ako sa daloy ng mga pangyayari.



"Pssst! halika na..."


"Saan tayo pupunta?" Tanong ko pa.


"Ano ka ba? Di ba usapan natin, magtatanan tayo ngayong gabi?"


"Ha! " Ah, ano bang laman ng bag ko? Dali-dali kong binuksan ang bag ko. Puro damit iyon... Totoo ngang magtatanan kami . Mahigpit akong hinawakan ni Maya. "Teka!" Bigla pa akong napahinto.


"Bakit? Nagbago ba ang isip mo?" Tinitigan niya ako. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi ako sigurado kung totoo ang lahat ng iyon. Masyado ba kaming curious sa aming nakaraan para muli namin itong balik-balikan? Binabalikan pa ba namin ang nakaraan o bahagi na ito ng kasalukuyan? Hindi ko na alam kung ano ang totoo sa nakaraan ngayon at kung ano ang dadatnan naming kakaiba sa kasalukuyan...


"Halika nga dito saglit." Hinila ko siya at bago pa magdikit ang aming mga labi ay naalala ko ang ginawa ni Tomas kay Tasha kaya iyon din ang naisip kong gawin.


"Lucas..."


"I love you, Maya..."


"Alam ko na 'yon..." Kailan pa niya nalaman eh ngayon ko lang sinabi sa kanya sa unang pagkakataon. Ahhh, hindi pala. Matapos kaming magniig ay nasabi ko na rin iyon sa kanya. Biglang may kotseng papadating at hindi namin alam kung saan kami tatago pero nagulat kami ng tawagin ang aking pangalan.


"Lucas, Maya...Sakay na..." Nakita ko si Cholo... Isinakay niya kami sa kotse. "Huwag na kayong maghalikan sa daan. Mamaya na 'yan." Nagmadali kaming sumakay. Nasa backseat si Maya at umupo ako sa frontseat.


Humarurot ang kotse ni Cholo. "Saan ang balak ninyo? Ihahatid ko kayo..." Sabi ni Cholo.


"Thanks, Cholo." Sabi ni Maya. Napatingin ako.


"What? Natural , kailangan natin ng tutulong sa atin para makatakas ngayon. Di ba, Cholo? " Kailan pa sila naging close ni Cholo? Napailing ako. Bumaba kami sa isang gasoline station.


"Sigurado ba kayong hindi na kayo magpapahatid kung saan kayo..." Tinapik ko si Cholo. Malaking tulong ang ginawa niya sa amin ni Maya ng gabing iyon.

STUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon