LUCAS' POV
Hindi kasi ako makatulog ng gabing iyon kahit lasing ako. Naglakad ako kahit pasuray-suray ako sa daan.Pagdating sa bakuran nina Maya, kumapit ako sa dating fence na inuupuan ko. Sumalumbaba ako at tuluyang tumulo na naman ang luha ko. Masyado yata akong naging iyakin ngayon sa nangyari. Para akong babae....
Napasalampak ako sa semento, naihulog ko ang sobre sa daan....
"Maya....." tumingin akong muli sa langit at sa mga bituin.... Hindi ako makakilos. Gusto kong panawan ng katinuan."Paano ito nagawa ni Tasha? Sorry kung hindi man lang ako gumawa ng paraan para makita ka. Nagmatigas ako at pinairal ko ang pride ko. Maya, sorry... Tasha, sorry..."
Kinabukasan ay hindi na ako nakapasok sa sobrang kalasingan. Kaya na ni Tasha ang mga maliliit na desisyon sa opisina. Tatawag iyon kung kailangang kailangan lang talaga. Nagpalipas ako ng tatlong araw sa bahay. nawalan ako ng motibasyon sa trabaho tulad noong bata ako na halos ayaw kong pumasok sa school dahil nga umalis si Maya.
"Lucas, hindi mo nadadaan sa pagmumukmok ang lahat kaya bumangon ka diyan. Sumisikat ang araw kahit ilang araw pang umulan. nag-uumaga pa rin kahit dumating ang gabi. Buhay ka pa at marami kang kayang gawin para kay Maya. Ikaw lang naman itong hindi kumikilos at hindi gumagawa ng paraan. Natural, mahuhulog talaga ang loob sa iyo ni Tasha. Kadalasan, ang tulay ang unang nahuhulog sa taong kanilang tinutulungan. nagtaka ka pa? Sabagay , ano ba naman ang alam mo... Ni hindi ka nga nagka-girlfriend dahil ang diyan. tapos ngayon, asa ka pa kay Maya. Tapos sisisihin mo si Tasha. Suwerte mo. Hindi kasalanan ang ma-in love pero syiempre hindi ko gusto nag ginawa niya. Imagine mo, nagawa niyang maglihim sa inyong lahat. Magaling siya ha!"
Kung talagang ayaw kong saktan si Tasha, sana... gumawa ako ng paraan na makontak man lang si Maya. Minabuti ko na ngang pumasok sa opisina. Tahimik akong pumasok sa loob noon. nadaaan ako ni Tasha tulad ng dati niyang ginagawa, nagri-report siya ng mga nangyari sa araw na iyon. Hindi ko na inusisa si Tasha tungkol sa sulat. Huli na ang lahat kahit ibigay niya pa iyon sa akin. Ibinigay niya ang personal na numero ni Maya sa ibang bansa.
"Tawagan mo daw siya bago matapos ang kanyang concert. Alam mo daw kung anong oras iyon" Anong oras naman kaya?
JAPAN AIRPORT
SUNDAY
Hindi ko na sinabi sa lahat kung saan ako pupunta ng dumating na linggo. Umalis ako patungong Japan. Ginamit ko ang ticket na pinadala niya para sa kanyang concert. Kung anuman ang datnan ko doon ay bahala na. Iniisip ko na baka doon pa mag-propose itong si Troy... Di bale na... kailangang makausap ko si Maya... kahit ito ang una at huli naming pagkikita.
Bandang 9pm na... parang dagat ng tao ang loob ng Yokohama Stadium. Dinig mo ang ugong ng ingay ng mga tao. Abala ang mga nasa stage pero handa na ang lahat. May mga konting kinukumpuni o baka nagla-last minute check sa mga kawad ng kuryenta para maiwasan ang anumang aksidente.
BINABASA MO ANG
STUCK
Teen FictionMahirap ma-stuck sa isang lugar... Paano kung dito ka sa puso ko na-stuck ng matagal na panahon, anong gagawin ko? Hindi ka pa-fall pero na fall in-love talaga ako sa iyo... Paano na ako? Paano ang puso ko? Paano na ako?