LUCAS WISHED HE KNEW

45 7 0
                                    

A/N: Lahat naman tayo eh wish na sana ay alam natin.. Wish natin, alam natin ang mangyayari sa hinaharap para napaghahandaan natin... pero hindi eh. Kahit paghandaan mo ang isang bagay kung iba ang dapat mangyari sa hinaharap, wala pa ring nakakaalam kung saan magtatapos ang lahat. Nag-uumpisa pa lang ,Lucas kaya huwag muna ang ending...



LUCAS' POV



Hindi na rin ako nakatiis kay Mama. Nagtanong na talaga ako sa kanya kahit mahalata niya na interesado ako kay Maya. Iyon naman kasi ang totoo. Interesado talaga ako kay Maya kaya inaalam ko ang lahat ng bagay tungkol sa kanya. For sure kahit sino, ganito rin ang gagawin . At lahat ng bagay, nagsimula sa wala, tulad ng PAG-IBIG hehehe.



"Mama, bakit hindi po nag-aaral si Maya?"


"What do you mean, hindi nag-aaral?"


"Hindi po siya pumapasok sa school..."


"Nag-aaral si Maya pero sa bahay lang , Iho."


"Bakit ganoon? Hindi ba siya puwedeng pumasok sa school" Paulit-ulit lang ang tanong ko. "Palagi na lang siya sa bakuran nila. Doon siya tinuturuan ng tutor niya."


"Hay naku, Lucas. Palagi ka kasing nasa labas. Laro ka ng laro... Kapag nandito ka sa loob, palagi kang naglalaro ng mga computer games kaya wala kang alam sa paligid mo" Nagtaka ako sa sinabi ni Mama. Ano kayang ibig niyang sabihin?


"Ano nga po?" Sabay kamot sa ulo. Sinu-suspense pa talaga ako!


"Hindi mo ba alam na magaling kumanta si Maya?"


"Alam ko po..."


"Pero hanggang doon lang...Kasi naririnig mo siyang kumakanta, okay na sa iyo...Maya is beyond what you can imagine.."


"How beyond?"


"Hay naku, bakit ba puro kay Maya ang itinatanong mo? Crush mo siya , ano?"


"Mama naman eh!"


"Sus, ikakaila mo pa. " Hindi naman ako magkakaila. Halatang halata naman sa pagtatanong ko na crush ko talaga si Maya. I-search ko daw si Maya sa Youtube para mas makilala ko siya pagdating sa pagkanta.



I did. At iba nga ang talent niya. Total performer siya pagdating sa stage. Hindi ko akalaing ganoon ang level niya. Pero syiempre, may ibang mang-aawit ang marunong ding sumayaw na kakompetensiya niya. Sa iba, kulilat si Maya pero para sa akin... panalong panalo si Maya lalo na dito sa puso ko.



Napanuod ko din ang iba pa niyang mga interview mula sa KMJS at sa isang International Talk show ni Ellen Degeneris...Grabeh! anggaling niya. Hanga talaga ako... So , kung ganito ang estado niya ngayon, hindi malayong isang araw ay makahanap siya ng career sa ibang bansa. Mas maganda ang opportunity doon.



Hindi ko man lang naisip na isang araw... magkakalayo kami.

STUCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon