(Nakasakay na ng jeep sina Amisa at Elijah. Hindi pa nakakarecover sa sobrang pagkapahiya kanina, napili na lang ni Amisa na ipikit ang mga mata hangga't sa makarating na sila sa kanilang destination. Habang si Elijah ay excited na palingon-lingon sa paligid.)Elijah: Amisa, Amisa, kilala mo ba 'yong girl na kaklase natin sa Math 19 na super ikli ang buhok?
Amisa: ............................
Elijah: Alam mo ba? May gusto pala siya sa akin. Akalain mo 'yon!
Amisa: ............................
Elijah: At first, hindi ko binibigyan ng meaning 'yong pagiging super bait niya sa akin. Pero nang kalaunan at mapansin kong parang sinusundan niya ako kahit saan ako magpunta, medyo nakahalata na ako.
Amisa: .................
Elijah: Nalaman nga niya pati 'yong secret tambayan natin! Nung one time na pumunta ako doon at naabutan ko siyang nakatalikod, akala ko ikaw 'yon at gulat na gulat ako kasi I thought nagpagupit ka ng buhok. Hahaha!!
Amisa: God.... Please lend me your strength..........
Elijah: Hindi naman sa ayaw ko sa kaniya. She's just not my type. Hindi ko kasi gusto 'yong mga clingy na babae. Ang gusto ko ako 'yong lumalapit at nagpapagod na iparamdam kung gaano ko kamahal ang isang girl. Ganun!
Amisa: Please grant me enough patience......
Elijah: Tapos alam mo kahapon paguwi ko, naabutan ko siya sa labas ng gate ng bahay namin! Doon na siya nagconfess ng feelings! Bago ko siya mabigyan ng response, lumabas ng bahay ang mama ko at nakita kami tapos biglang, "Gina? Gina, ikaw ba 'yan? Oh my, dalaga ka na pala. Parang kahapon lang ang liit-liit mo! Wow, how many years has it been since nung sinasama ka ng nanay mo sa bahay namin para maglaro. Grabe talaga ang ate ko! Ang gaganda ng mga anak!"
At doon namin nalaman na magpinsan pala kami...
Amisa: Okay, okay. Elijah, tama na 'yan.. Manahimik na lang tayo, hmm?
Elijah: Tsk. Tsk. Umuwi talaga siyang luhaan...
Amisa: Elijah!!!!
Elijah: Ano? Bakit?
(At doon lang narealize ni Elijah na ang lakas-lakas pala ng boses niya at nakikinig ang lahat ng pasahero ng jeep.)
Elijah: .......................
Girl1: Kuya, which side mo siyang pinsan? Sa mother side o father side?
Girl2: Anong susunod na nangyari???
Elijah: um....ahh...
Amisa: (facepalm)
----
BINABASA MO ANG
97 Days
Teen FictionGaano mo kakilala ang bestfriend mo? Sigurado ka bang tama ang mga alam mo tungkol sa kaniya? Paano kung ito'y ilusyon lamang? Saksihan ang typical na buhay ng mag-bestfriend na sina Amisa at Elijah. Pero habang-buhay ba silang ganito? Anong pwede...