Day 18 (d)

513 24 19
                                    

(Sadyang mapaglaro nga ang tadhana. At mukhang pinagtatawanan ng kung sino mang kumukontrol nun ang sitwasyon ngayon ni Amisa.

Sinong mag-aakalang magtatagpo sila ulit ng pulis na sinigurado niyang hindi na niya muli makakasalubong ng landas?

Napansin siguro ni Inspector Gascon ang makahulugang titig niya kaya agad niyang binawi ang kaniyang braso mula sa mahigpit na pagkakahawak nito.)

Amisa: Pulis po ba kayo?

(Nagkunwari siyang hindi kilala ang kaharap para hindi ito maghinala sa kaniya.)

Gascon: Oo, kaya hindi mo na siya kailangang saktan, ako na ang bahala rito.

(Naglabas ng pusas si Gascon at nilapitan ang lalaking kanina pa niya hinahabol.)

Holdaper: A-aray! Hinay-hinay naman, oh. Hindi naman ako tatakas, eh!

Gascon: At talagang hindi ka talaga makakatakas dahil hindi ko hahayaang mangyari 'yon ulit.

(At pinusasan na niya sa kamay ang lalaki at pinadapa sa lupa.)

Gascon: Ang galing ng ginawa mo, ah. Kadugo ka ba ni Spider-man? Parang ang dali kasi sayo ang akyatin ang mga bahay, eh.

Amisa:......

Amisa: <Tsk, nakita niya pala ako? Anak ng....>

(Pero hindi niya pinahalata ang pagkagulat at pinatiling kalmado ang sarili.)

Amisa: Malay niyo.. may alaga rin ho kasi akong gagamba, eh.

(Nakatalikod sa kaniya kanina si Gascon pero napaharap sa kaniya na para bang hindi nito inasahan na sasakyan niya ang biro nito tungkol sa superhero.)

Gascon: Oh? Tapos bata ka pang tingnan. Huwag mong sabihing college student ka rin tulad ni Peter Parker?

(Pinakita ni Amisa ang school ID niya pero tinago rin agad bago pa mabasa ng pulis ang nakasulat niyang pangalan sa card.)

Gascon: Hala, konting-konti na lang at makukumbinsi na ako. Ang kulang na lang ay kung ginagamit mo ang kakayahan mo sa pagligtas ng mga tao tulad ni Spider-man o..... hindi..

(Alam niyang nagbibiruan lang sila pero nahahalata pa rin niya ang, kung hindi man pagdududa, ay kuriosidad ng pulis sa kaniyang pagkatao. Hindi man siya nito nakilala, hindi siya dapat maging kampante.)

Amisa: <Langya ka, Gascon. Matinik na matinik ka pa rin tulad ng dati.>

Amisa: Mahirap pong maging bayani pero... susubukan ko. Nasimulan ko na nga po kani-kanila lang.

(At tinapakan niya ang holdaper na nagpupumiglas kahit na nakapusas na.

Sa hindi niya inasahan, ngumiti si Gascon at ginaya siya pero mas malakas ang pagkaapak nito sa lalaki.)

Holdaper: Aray! Oo na, kayo na ang superhero! Pero pwede ba huwag niyo nang ipa-mukha sa akin na kalaban ako rito?? Grabe naman kayo!

(Hindi pinansin ni Amisa ang narinig niyang reklamo dahil nakatitig pa rin siya kay Inspector Gascon. Tama ba ang nakikita niya ngayon?

Si Gascon nakangiti...

Parang gusto tuloy niyang tumawa ng malakas. Ang ibig bang sabihin ba nito ay naka-recover na ito sa mga nangyari noon? Nahilom ba ng oras at panahon ang sakit na naramdaman nito dahil ilang taon na rin ang lumipas?

Kung tutuusin hindi magiging kilala si Gascon sa trabaho kung wala itong matibay na loob. So, kung ganun ba nakalimutan na nito ang mga nangyari?

Sigurado siya hindi. Kilala niya si Inspector Gascon at alam niyang may dahilan ito kung bakit biglang bumalik sa pagiging pulis at malakas ang kutob niya na may koneksiyon 'yon sa trahedyang nangyari sa pamilya nito.

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon