Day 15 (b)

512 18 2
                                    

Masayang sumisipol si Manong Greg habang inihahain ang almusal sa kanilang dining table. Nang matapos siya, tumingin siya sa orasan. 6:09 am na pala. Oras na para gisingin si Suzy since lunes ngayon at may pasok pa ito sa school.

Nilisan niya ang kusina at tumungo sa kuwarto ng anak. Hahawakan na sana niya ang doorknob nang biglang mabuksan ang pinto at lumabas mula sa silid si Suzy. )

Manong Greg: !!!

Suzy: ...Good morning

(Matamlay na bati niya sa ama.)

Manong Greg: Grabe ka naman, anak. Ginugulat mo ako, eh!

Suzy: Ha?

(Paano ba naman hindi magugulat si Manong Greg eh usually tuwing umaga kailangan pa niyang hilain palabas ng kuwarto si Suzy dahil sobrang hirap nitong gisingin. Tapos ayaw pa nitong pumasok sa school kaya ang daming-daming sinasabing excuse tulad ng masama ang pakiramdam o kaya'y na-expelled na daw sa paaralan kaya kung walang gigising dito, hindi na'to babangon hangga't tanghali. )

Manong Greg: Gising ka na ba talaga? O nag-sesleep walking ka lang??

(Sinimangutan siya ni Suzy.)

Manong Greg: Oo, alam ko na. Gising ka na talaga. Good morning rin sayo, anak.

(Nilagpasan na lang siya ni Suzy at dumiretso sa banyo. Habang siya ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.

Makalipas ang ilang minuto, umupo na sila sa harap ng hapag-kainan at nagsimulang kumain ng almusal. Suot na ni Suzy ang kaniyang school uniform at kumakain ng parang walang nangyari pero si Manong Greg ay kanina pa inoobserbahan ang anak.)

Suzy: Kailan darating si Nanay?

Manong Greg: Ha?.. Ah... mamayang hapon pa. Ahem, maiba ako, anak, nakatulog ka ba ng maayos kagabi?

(Tumango si Suzy at sumubo ng kanin.)

Manong Greg: Hmmm.. Ganun ba?

(Nakapagtataka. Akala niya kaya 'to maagang nagising kasi hindi masyadong nakatulog. So, kung ganun talaga ngang--)

Suzy: 'Tay, alam ko na po kung anong gusto kong maging sa paglaki ko.

(Napatingin sa kaniya ang ama.)

Manong Greg: Oh, talaga? Ano 'yon anak?

(Hindi na bago 'to para kay Manong Greg. Ganito kasi ang anak niya. Sinasabi na lang bigla kapag may gustong gawin at kasama na doon ang mga plano daw nito sa buhay. Tulad na lang nong nakaraang buwan. Ang sabi ni Suzy, paglaki daw niya gusto niyang maging make-up artist. Pero makalipas ang isang linggo, sabi naman nito, mas mabuti kung maging modelo na lang dahil boring kung kung taga-apply ka lang ng make-up. Mas maganda daw kung ikaw 'yong rumarampa. Pero nung isang araw nagbago na naman ang isip nito at nagpromise sa sarili na magiging fashion designer na lang daw dahil natanggap na niya na hindi talaga siya maganda.

Ewan niya, basta hinahayaan na lang niya ang anak dahil nasa high-school pa naman ito. Saka na lang nila po-pobroblemahin ang future nito kapag papasok na sa kolehiyo. Normal lang kasi sa mga adolescent ang pabago-bago ang isip lalo na kung---)

Suzy: Gusto ko pong maging doktor paglaki ko.

(Sunod-sunod na napaubo si Manong Greg. Sa ilong 'ata niya dumaan ang iniinom na kape nang marinig ang sinabi ng anak. Doktor?? Tama ba ang pagkakarinig niya?? As in, doktor talaga?? Sabi na nga ba, eh, may kakaiba rito!)

Manong Greg: A-anak, si-sigurado ka?

(Mabilis na tumango si Suzy.)

Suzy: For the first time ngayon lang po ako naging sigurado sa desisyon ko. Gusto ko po talagang maging doktor, 'Tay.

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon