(Pumasok ang isang lalaki sa silid na napipinturahan ng puti na ni wala man lang mga furniture o gamit sa paligid.
Nakasuot si Zia Melor ng Italian suit at pares na maitim na leather dress shoes. Ang hanggang balikat na buhok nito ay kasing itim ng gabi at ang maputing kutis ay maikukumpara sa nakapaligid sa kaniyang maputing pintura.
Sinalubong siya ng isang lalaking nasa mid-30 ang edad at lukot-lukot ang damit. Ang mga kamay nito ay nadudumihan ng dugo habang hawak ang isang butcher knife.)
Lalaki: Andito na pala kayo Sir Zia. Akala ko mamaya pa kayo darating.
(Nilapitan ng bagong dating ang natitirang kasama nila na nakahandusay sa sahig habang nakatali ang katawan gamit ang lubid. Wala ng malay ito at duguan lalo na ang mga kamay at paa. Nagkalat sa maputing tiles na sahig ang mga naputol na daliri nito sa kamay at paa.)
Zia: Patay na ba siya?
(Umiling ang lalaking kasama at nilagay sa maitim na supot ang duguang kutsilyo at iba pang ginamit sa torture.)
Lalaki: May 3 hanggang 5 oras pa siya, sir, para sunduin ni Santanas.
(Tumango si Zia Melor at tumingin sa paligid. Mukhang kailangan na nilang lumipat ng lugar. Umaabot sa labas ang amoy ng dugo na siyang unang napansin kanina bago pumasok. Baka naghihinala na ang mga kapitbahay at ano mang oras ay magreklamo.)
Lalaki: Napagod lang tayo sa kaniya. Hindi naman pala siya miyembro ng Triangulo. Dapat isunod natin 'yong isa niyong impormante. Mali-mali naman 'yong mga impormasyong pinapasa niya sa atin.
Zia: Pinag-iisapan ko nga.
(Umatras siya nang makitang may natapakan palang dugo. Nilabas niya ang $275 na panyo mula sa suot na suit at pinampunas sa sapatos.)
Lalaki: Eh, 'yong bangkay po ni Bang Lufos? Nakita na ba ng mga pulis? Impossible namang walang nakapansin doon sa katawan niya eh kagabi ko pa tinapon.
Zia: Kaka-report lang sa mga pulis kaninang madaling-araw. Ano mang oras ay mai-identify din nila ang pagkakakilanlan niya.
(Tiningnan niya ulit ang katabing duguan at sinuri.)
Zia: Mukhang nag-enjoy ka sa pagkakataong 'to, ah.
(At itinuro ang mukha ng nakahandusay na sunog ang dalawang mga mata.)
Lalaki: Ah..... kasalanan naman kasi niya, eh. Napagod ako sa kakasunod sa kaniya para kidnapin siya at dalhin rito tapos malalaman ko na lang na peke pala at nagpapanggap lang na miyembro ng Triangulo kasi tagahanga ng mga kumag na 'yon. Bweset.
Zia: Alam mo, manong, binabayaran kita ng malaking halaga at bilang kapalit ay inaasahan ko na gagawin mo ng maayos ang trabaho mo. Wala akong pakialam sa nararamdaman mo kaya sana sa susunod walang personalan.
Lalaki: Ahem.... masusunod po...
Zia: Hintayin mong tuluyang dumilim bago mo itapon ang bangkay. Maraming pulis ang umaaligid ngayon kaya huwag kang padalus-dalos.
Lalaki: Sir, ganito kasi ..... ah ...... kailangan kong umalis ng maaga...
Zia: Ipinapahiwatig mo ba sa akin na ako ang magtatapon sa kaniya?
(Tanong niya sabay turo sa katawang nasa sahig.)
Lalaki: Ah, eh.... parang ganun na nga po.....
Zia: Gusto mo ikaw ang isunod ko at isabay na rin sa pagtapon sa kaniya?
Lalaki: Si-sir! Pasensiya na po kayo!! Nga-ngayon lang mangyayari 'to, pangako! Birthday kasi ng syota ko sa probinsya eh kaya...
(Nang makitang kanina pa sa kaniya nakatingin ang boss, tumahimik na lang siya dahil baka tuluyan na nga siyang iligpit nito.)

BINABASA MO ANG
97 Days
Teen FictionGaano mo kakilala ang bestfriend mo? Sigurado ka bang tama ang mga alam mo tungkol sa kaniya? Paano kung ito'y ilusyon lamang? Saksihan ang typical na buhay ng mag-bestfriend na sina Amisa at Elijah. Pero habang-buhay ba silang ganito? Anong pwede...