(Nagmamadaling pumasok ang isang lalaking nasa late-20s na ang edad sa isang pribadong clinic. Agad naman siyang sinalubong ng nurse at tinulongan siyang isuot ang white robe.)Nurse: Naku, pasensiya na kayo, Doc Vince. Mamaya pa daw po kasi darating ang kapatid niyo kaya nagpanic na ako. Kayo lang ang naisip ko kaya tinawagan ko kayo kaagad. Pasensiya na po talaga.
Dr. Vince: It's fine, Rubi. Wala naman akong trabaho ngayon. Pero hindi ko inaasahan na halos mapuno ang clinic ngayong linggo, ah.
(Sabay tingin sa chart ng mga pasyente.)
Sabi rito, apat na pasyente lang meron tayo ngayon. Bakit parang okupado lahat ng mga higaan?
(Napansin niyang lahat nakasara ang lahat ng mga kurtina sa limang higaan.)
Nurse: Ahh... Kasi po.. dumating na naman po siya at...hindi ko na po napigilan... Um.. Paaalisin ko na po ba siya?
Dr. Vince: Injuries?
Nurse: Wala naman daw po. Basta dumiretso lang siyang humiga at nagbilin na huwag daw siyang istorbohin.
Dr. Vince: Hayaan na lang natin. Baka natutulog pa. Let's see the patients first.
Nurse: Sige po, Doc.
(Makalipas ang halos isang oras.. Naabutan ng doctor sa opisina niya ang isang babae na nagtitimpla ng kape.)
Dr. Vince: Tumatambay ka na nga sa university clinic, pati ba naman dito sa clinic namin?
Amisa: Wala na kayong creamer. Itong asukal niyo paubos na rin.
(Napabuntung-hininga na lang ang doctor at umupo sa kaniyang armchair.)
Dr. Vince: Nasaan ang bestfriend mo? Hindi mo yata kasama.
Amisa: May sari-sarili kaming mga buhay kaya 'wag ka nang magtaka kung hindi kami magkasama araw-araw.... Pwee, ang pait..
Dr. Vince: Well, buti pa siya dahil kapag vacant niya, marami siyang ginagawa. 'Di tulad ng isa diyan na walang alam gawin kundi matulog sa kung saan-saan.
Amisa: ............... Speaking of matutulogan, asan na?
(Kinuha ni Dr. Vince ang isang folder mula sa isang drawer at binigay sa kausap.)
Dr. Vince: Ang akala ko sa susunod na linggo ka pa lilipat. Bakit parang napaaga 'ata?
Amisa: Ay, talaga? Mas malaki ang space pero mas mura kumpara sa tinutuloyan ko ngayon. Totoo ba 'to??
(Napailing na lang si Dr. Vince.)
Dr. Vince: <As usual, wala na namang sagot. Okay...>
Amisa: Baka naman may problema sa water system kaya mura ang renta. O kaya maraming ipis????
Dr. Vince: About nga dun sa nangyari nung isang araw, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang hinimatay ka dahil lang sa isang ipis. Sinong mag-aakalang insekto lang pala ang katapat mo?
Amisa: Oi, hindi mo alam ang pakiramdam ng may phobia sa ipis kaya huwag na huwag mong ipa-paremind sa akin ulit ang nangyari. Hanggang ngayon nga kinikilabutan pa rin ako kapag nare-remember ko 'yon.
Dr. Vince: Hahaha. 'Amisa vs. Ipis'. Knock-out ka na agad. Hahaha! Pero you know what? 'Yong bestfriend mo....... Hindi mo siya dapat tinatakot ng ganun. He's really terrified when---
Amisa: Oi, tingnan mo. May kasama pa lang balcony, oh! Ganda, ah! Kailan ako pwedeng lumipat?
Dr. Vince: ......Nabayaran ko na ang downpayment kaya it's up to you kung lilipat ka na agad.
Amisa: Talaga?? Oi, salamat. Bayaran ko na lang sa'yo next Sunday na pupunta ako dito---
Dr. Vince: No. You're not coming here anymore.
Amisa: Ha? Bakit hindi? Mas gusto ko dito kasi mas tahimik dito kumpara doon sa clinic sa school. At, may kasama pang libre na kape....malabnaw nga lang.
Dr. Vince: ....... Ganito kasi 'yon, Amisa. Maraming pwedeng gawin diyan maliban sa matulog. Tingnan mo na lang 'yong bestfriend mo, nag-eenjoy kasama ang bagong girlfriend. Tapos ikaw, halos pakasalan mo na ang mga higaan sa clinic. My goodness!
Amisa: ....... Um, so, anong point mo?
Dr. Vince: My point is, i-enjoy mo rin ang buhay mo kahit papaano. Sinasayang mo lang kasi ang mga free time mo. Bakit hindi ka mag-discover ng bagong hobby? O kaya since you have good grades, hindi naman siguro makakasama sa'yo ang pagkakaroon ng boyfriend. Parang ganun!
Amisa: Okay, oras na para ako'y lumayas. Salamat na lang sa kape.
(At pumunta na siya sa pinto dala-dala ang folder.)
Dr. Vince: Hmp! Palibhasa hindi niya alam ang mga na-mimiss niyang opportunity. Kung ako lang may free time baka naghanap na rin ako ng bagong girlfriend.
Amisa: Oo nga pala, lilipat na ako ngayong araw mismo kaya pagkatapos ng shift mo dito tulongan mo akong magdala ng mga gamit.
Dr. Vince: Ano?? Hindi ko alam ang dahilan pero parang nakalimutan mo 'ata na ako'y isang kagalang-galang na doktor at hindi basta-bastang--
Amisa: Sige, sayonara!!
(At sinara na niya ang pinto. Naiwang nakanganga ang doktor.)
Dr. Vince: Ang batang 'yon!! Parang utusan niya ako kung tratuhin. Hindi ba niya alam na mas matanda ako kaysa sa kaniya?? Pero kung umasta siya parang--
(Muling nabuksan ang pinto.)
Amisa: At magdala ka na rin ng pizza.
(At tulad kanina ay umalis rin ito agad-agad.)
Dr. Vince: Uuuugh!!!!
----
![](https://img.wattpad.com/cover/82338032-288-k283635.jpg)
BINABASA MO ANG
97 Days
Teen FictionGaano mo kakilala ang bestfriend mo? Sigurado ka bang tama ang mga alam mo tungkol sa kaniya? Paano kung ito'y ilusyon lamang? Saksihan ang typical na buhay ng mag-bestfriend na sina Amisa at Elijah. Pero habang-buhay ba silang ganito? Anong pwede...