(Sa kaka-open lang na Zlorean Coffee Shop...)
Barista: Mukhang masama ang mood natin ngayon, Ma'am, ah.
Amisa: Um.. Hindi naman..
Barista: Ganun po ba? Kumpara kasi nung last time na pumunta kayo dito, mas nakasimangot kayo ngayon.
Amisa: Ah......
Barista: Parang maputla rin kayo.
Amisa: Ah, ganito lang talaga 'yong mukha ko.
Barista: Stressed po ba kayo?
Amisa: Hindi. Ganito talaga mukha ko. It has always been like this.
Barista: Talaga po? Pero nung---
Elijah: Maybe she's just constipated?
(Sabay na napatingin si Amisa at ang makulit na lalaking barista kay Elijah na biglang sumulpot sa tabi nila.)
Amisa: Diba sabi ko sa'yo maghintay ka doon sa table natin? Baka may umupo doon na iba.
Elijah: It's fine. Na-reserve ko naman nung isang araw pa.
Amisa: Ano?
Elijah: Ang sabi ko, ang tagal mo kasing mag-order kaya umalis ako doon. So, it's your fault.
Amisa: Sipain kita diyan. Akala mo hindi ko narinig 'yong sinabi mo na constipated ako, no? Lagot ka sa akin mamaya. Sige na bumalik ka na dun. Ako na ang o-order.
(Palipat-lipat ang tingin ng barista sa kanilang dalawa. Ang kasama nitong babae na empleyado na naglilinis sa counter ay nabitiwan ang mop na hawak nang masilayan si Elijah.)
Elijah: Okay, bilisan mo, ha?
(Umakto si Amisa na sisipain siya pero nakalayo na siya agad sabay tawa. )
Amisa: Ahem.. So, isang Peppermint Mocha Latte coffee at black coffee, no sugar. Samahan niyo na rin po ng dalawang blueberry muffins.
Barista: One Peppermint Mocha Latte coffee, black coffee with no sugar, and two blueberry muffins coming right up.
(Pagkatapos niyang umorder, bumalik siya sa kanilang table.)
Elijah: How's your last exam?
Amisa: Okay lang. Ikaw may dalawa ka pang exam diba? 'Yong exam mo kanina, kumusta?....... Ah, never mind. Hindi na dapat ako nagtanong.
(Lumabas ang mayabang na ngiti ni Elijah. Pero agad ring naglaho nang maalala ang dapat na itatanong kay Amisa kanina pa.)
Elijah: Um.. So, saan ka pumunta kahapon after class?
(Kinabahan na naman siya. Hindi niya alam pero ninenerbiyos siya sa isasagot ni Amisa kahit na confident siya na mali ang akala niya. Pero hindi siya nagpahalata at kunwari ay parang kinukumusta lang niya ito.)
Amisa: Ako? Umuwi ako. Saan pa ba? Bakit mo naman naitanong?
(Para siyang nabunutan ng tinik sa nakuhang sagot. Sabi na nga ba eh, hindi siya 'yon. Amisa will never keep secrets from him. After all, they are bestfriends.
...................
Aren't they? )
Elijah: Oh, nothing. 😃 Anyway, may gagawin ka ba this Sunday?
Amisa: Sa ngayon wala pa akong plano, but I can't be sure later on.
Elijah: May basketball game this Sunday. Our university basketball team against Xavier University. Gusto ko sanang manuod. I'm sure it will be fun kaya dapat manuod ka rin.

BINABASA MO ANG
97 Days
Teen FictionGaano mo kakilala ang bestfriend mo? Sigurado ka bang tama ang mga alam mo tungkol sa kaniya? Paano kung ito'y ilusyon lamang? Saksihan ang typical na buhay ng mag-bestfriend na sina Amisa at Elijah. Pero habang-buhay ba silang ganito? Anong pwede...