Lalaki: Ugali mo ba ang umupo sa gilid ng tulay?
(Pagkakuwan ay sabi ng isang boses sa kaniyang likuran. Paglingon niya, tumambad sa kaniya ang matangkad, hanggang balikat ang buhok.... at nakasuot ng tailored suit na makikitang suot ng mayayamang negosyante. Kahit wala siyang alam sa mga suit, masasabi niyang mamahalin at dolyar ang halaga. Oooh, mayaman pala itong si kuya.
Pero hindi 'yon ang kumuha ng kaniyang atensiyon. Para sa isang taong gumawa ng krimen, masyado itong kalmado. Para bang kontrolado niya ang sitwasyon kaya hindi na siya nagugulat sa susunod na mangyayari. Professional killer ba ito? Huh, hindi yata. Tanga lang ang magtatapon ng bangkay habang naka-suot ng suit. Mukhang sa sitwasyon ng lalaking 'to, hindi niya inasahan na magtatapon siya ng bangkay. Pero gayunpaman, masyado itong relax at may plano pa yatang makipag-chismis sa kaniya.
Teka...
........
Nanlaki ang mga mata ni Amisa nang may ma-realize. Nang aninagin niya ulit ang mukha ng lalaki sa gitna ng kadiliman ng paligid, napailing siya.)
Amisa: Tsk. Pulis na naman..
(Dismayadong bulong niya sa sarili pero mukhang narinig siya ng lalaki dahil sa loob ng isang segundo ay nagbago ang expression nito.)
Lalaki: .......
Lalaki: Nagkita na ba tayo dati?
(Umiwas si Amisa ng tingin at napasimangot tuloy.)
Amisa: Impossible, kuya. Wala akong kilalang pulis na nagtatapon ng katawan ng tao sa ilog. Ngayon pa lang ako nakakita.
Lalaki: .......
Amisa: Ah, mali.... Hindi ka pala pulis..
(This time ay nagbago na talaga ang mukha ng lalaki. Wala na ang kalmadong aura nito at nabalutan ng mabigat na tension.)
Paano hindi 'yon mapapansin ni Amisa na hindi pala 'to pulis, eh, as if naman na makaka-afford ng ganyan kamahal na suit ang isang pulis kahit general pa ang ranko. Tsaka mukha talagang mayaman ang lalaking 'to. Alam mo 'yon, 'yong parang tagapagmana ng isang malaking kompaniya, cliché shit like that.)
Lalaki: Mukhang andami mo yatang alam tungkol sa akin habang ako ang alam ko lang sayo ay ang plano mong pagpapakamatay.
Amisa: <Ha? Pagpapakamatay? Ako, magpapakamatay?>
(Akala talaga ng lalaking 'to tatalon siya sa ilog? Pero... kung titingnan mo nga naman siya ngayon.... nakaupo sa gilid ng tulay tapos gabi pa. Lahat siguro ng makakakita sa kaniya ngayon ay pagkakamalan siyang magpapakamatay.
Mas mabuti na rin 'yon kaysa sa paghinalaan siya ng lalaking 'to dahil baka kung ano pang gawin nito sa kaniya kung sakali.)
Amisa: Alam mo kuya, hindi ko na kailangang magpakilala pa kung sigurado namang hindi na tayo magkikita pa ulit. Ako na kasi ang susunod kay kuya na tinapon niyo diyan sa ilog at wala na akong balak na bumalik pa.
Lalaki: Kung plano mo talagang magpakamatay, mas mabuti siguro kung lumipat ka ng lugar. Unless, gusto mong hindi nag-iisa at may kasamang naaagnas na bangkay.
Amisa: Ah, patay na pala siya? Akala ko buhay pa siya at tinapon niyo lang diyan para malunod.
Lalaki: Bakit? Ililigtas mo ba kung sakaling buhay pa siya?
Amisa: Huh, salamat na lang pero as you can see, abala ako rito.
(Binalik ni Amisa ang tingin sa baba at pinanood ang ilog. Matagal bago nagsalita ulit ang lalaki sa kaniyang likuran na hindi niya alam kung anong ginagawa.)

BINABASA MO ANG
97 Days
Teen FictionGaano mo kakilala ang bestfriend mo? Sigurado ka bang tama ang mga alam mo tungkol sa kaniya? Paano kung ito'y ilusyon lamang? Saksihan ang typical na buhay ng mag-bestfriend na sina Amisa at Elijah. Pero habang-buhay ba silang ganito? Anong pwede...