Amisa: Nababaliw na siguro ako....
(Sabi ni Amisa sa sarili habang pinapanatili ang distansiya ng motorsiklo at ng sinusundang maitim na van.
Kanina, nakumbinsi na niya ang sariling hindi makikialam sa iba pero heto siya, magpapakabayani nga.
Sa bandang huli, hindi nakayanan ng konsensiya niya na iwan ang batang babae. Lalo na't nasaksihan niya mismo ang pagmamaltrato nila rito. Kaya heto siya at nakabuntot sa sasakyan nila.
Kanina, kung tinuloy lang sana niya ang pag-trespass sa isang gate ng paaralan, siguro kanina pa siya nakapasok. Pero wala, ayaw niyang pagsisihan sa bandang huli ang hindi pagsagip sa bata kaya kinapalan pa niya ang mukha at naghiram ng motorsiklo sa isang hindi kakilala.
Nag-focus siya ulit sa kalsada. Hihintayin muna niyang makaalis sila ng town bago niya ililigtas ang bata para makaiwas sa maraming tao kung sakaling may mangyaring kaguluhan.
Base rin sa tinatahak nilang daan, masasabi niyang maiiwan sa dalawang posibleng location ang destinasyon ng mga kidnappers. Kung didiretso lang sila, may abandonadong warehouse na pwede nilang gamitin. kung kakaliwa sila sa may turning point, mayroon namang lumang factory na mahahanap. Kabisado kasi niya ang lugar na 'to kaya confident siya. Lalo na't alam niya kung paano mag-isip ang mga kidnappers.
Afterall, naranasan na rin niyang maging isang kidnapper noon......
Nang dumiretso ang van pa-hilaga, nasigurado na niyang sa warehouse dadalhin ng mga kidnappers ang bata.)
Amisa: <Ah, ganun ah.....>
( Unti-unti na rin niyang binabawasan ang distansiya ngayong lumalabas na sila ng town. Another 30 minutes na lang at doon na niya sisimulan ang pag-atake. Hinanda na ni Amisa ang sarili sa mga susunod na mangyayari.
Habang sa loob ng maitim na van....
Hinihimas-himas ng leader ng mga kidnapper na si Kap ang kanang kamay nito na pulang-pula at may bakas na ngipin. )
Kap: Pesteng bata! Ang lakas na loob na kagatin ako!
(Tumawa ang dalawang lalaking nakaupo sa likod na siyang nagbabantay sa batang babae.)
Lalaki1: Hahaha! Nakahanap ka na rin ng katapat mo.
Driver: Pero hindi mo na sana sinaktan 'yong bata.
(Naaawang sinilip ng lalaking nagmamaneho sa side mirror ang bata sa likod na may takip na tape ang bibig at namamaga ang kanang pisngi dahil sa natanggap na sampal kanina.)
Kap: Anong hindi? Wala akong pakialam ano man ang mangyari sa kaniya basta ang importante, makuha ko ang bayad sa atin para sa hinayupak na trabahong 'to. At ang isa pa wala namang sinabi sa atin na hindi natin pwedeng saktan ang bata, ah. Diba?
Driver: Oo, at wala ring sinabi na pwede natin siyang saktan. Paano kung magalit sa atin si boss?
Kap: Eh, 'di sabihin natin nanlaban. Tingnan mo nga 'tong kamay ko, oh. Pero sige lang at subukan niya ulit at makakatikim siya sa akin. Pwee!
Lalaki2: Hoy, bata narinig mo 'yon? Hahaha! Kaya kung ako sa'yo manahimik ka na lang.
(Sabi nito sa batang katabi na sunud-sunod ang pagtulo ng mga luha. Nanahimik na lang ang driver at tinuloy ang pagmamaneho.)
Kap: Napakadali naman ng trabahong 'to. Dadalhin lang natin ang bata sa warehouse at magbabantay sandali pagkatapos eh, uwian na. Ni wala man lang ransom money.
Lalaki1: 'Wag kang mag-alala, Kap. May dala akong mga beer dito para mamaya tagay-tagay lang habang nagbabantay.
Kap: Oi, ayos 'yan, ah!
BINABASA MO ANG
97 Days
Teen FictionGaano mo kakilala ang bestfriend mo? Sigurado ka bang tama ang mga alam mo tungkol sa kaniya? Paano kung ito'y ilusyon lamang? Saksihan ang typical na buhay ng mag-bestfriend na sina Amisa at Elijah. Pero habang-buhay ba silang ganito? Anong pwede...