(Sa kalagitnaan ng exam, biglang napatigil sa pagsusulat si Amisa.)Amisa: < Hmm.. Pupuntahan ko pala si Vince mamaya bago ako umuwi. Ano na naman kayang sasabihin kong dahilan kay Elijah?.. >
(Lumingon siya sa kaniyang kaliwa kung saan nakaupo si Elijah na tatlong upuan ang layo sa kaniya at---
Amisa: ...!!!
(Nagulat siya ng mahuli si Elijah na nakatingin sa kaniya. Pero nang magtagpo ang kanilang mga mata, agad umiwas ng tingin si Elijah at binalik ang attention sa papel na sinasagutan.)
Amisa: <May kailangan ba siya sa akin? O baka nabasa niya ang iniisip ko? Impossible naman yata..... Either way, biglang bumilis ang tibok ng puso ko doon, ah...>
Instructor: Amisa, eyes on your paper!
Amisa: So-sorry po, Ma'am...
(Agad siyang bumalik sa pagsasagot at tahimik na minura ang bestfriend na nang silipin niya sa huling pagkakataon ay nakita niyang nagpipigil na tumawa. )
Amisa: < Kapag siya hindi nahuhuli pero ako.. Sige, tumawa ka pa diyan. Sige pa.. Lagot ka sa akin mamaya..>
(Hindi na nila napansin ang babaeng maikli ang buhok na nakaupo sa likod ni Elijah. Inis na inis nitong pinapanood ang tahimik na bangayan ng dalawa pero ang higit sa lahat ay ang mga nakaw na tingin ni Elijah.
'Dapat ako ang tinitingnan niya ng ganun...
Hindi siya..
Hindi siya!!'
<Snap!>
Sa sobrang pagmimilipit sa galit, naputol niya sa dalawa ang lapis na hawak.
----
Aaaah! Hindi ako nakapag-update for over 5 days!! Eme sereeey, my lovely readers!! 🙇🙇 Hehehe, exam kasi namin sa school kaya walang time. But I'm back so let's keep the story moving! 🙋 Don't forget to vote and follow A. Michalski. 😉

BINABASA MO ANG
97 Days
Teen FictionGaano mo kakilala ang bestfriend mo? Sigurado ka bang tama ang mga alam mo tungkol sa kaniya? Paano kung ito'y ilusyon lamang? Saksihan ang typical na buhay ng mag-bestfriend na sina Amisa at Elijah. Pero habang-buhay ba silang ganito? Anong pwede...