Day 14 (a)

567 19 7
                                    

Suzy: Haaai, ang boring...

(Padabog na humiga si Suzy sa kanilang sofa. Since walang pasok dahil linggo, nasa bahay lang siya. Kanina pa siya walang ginagawa maliban sa panonood ng walang kwentang palabas sa TV. Siya lang ang tao ngayon sa bahay dahil hindi pa nakakauwi ang nanay niya mula sa probinsiya. Ang tatay naman niya ay nasa bakuran at nagga-gardening. Ayaw niyang makialam dahil baka utosan  pa siyang tumulong eh ayaw niyang madumihan. At saka isa pa, pang matanda lang ang gardening, no. Duh!

Hindi siya mapakali. Mas gusto niya ang sofa sa apartment ni Amisa. Tama! Doon na lang muna siya mananatili. At least doon, hindi siya mabo-bored. Natutuwa kasi siya kapag nakikitang naiinis si Amisa. Lalo na kapag humihinga ito ng malalim at nagbibilang hanggang sampu kapag nakakabasag ng gamit sina Tristan at Boy.

Hmmm, mabisita nga.

Ni-lock niya ang bahay bago bumaba sa second floor ng Aquino Apartment Complex. Nadatnan niya sa labas ng apartment unit ni Amisa ang dalawang bubwit na halatang hinihintay siyang buksan ang pinto.)

Boy: Dali, Ate Suzy. Excited kaming ipakita kay Ate Amisa ang bagong natutunan naming combo move sa volleyball.

Suzy: Diba sabi niya bawal na daw kayong maglaro ng volleyball sa unit niya? Ang tigas din ng mga ulo niyo, ano?

Tristan: Pero nung magsorry din kami sa nabasag naming vase, sabi niya as long as mag-iingat kami next time okay lang daw na maglaro kami sa apartment niya. Diba?

(Tumango ng ilang beses si Boy.)

Boy: Binigyan pa nga niya kami ng candy bilang reward sa pag-amin namin ng kasalanan. Kaya sige na, papasukin mo na kami. Mag-iingat na talaga kami, promise.

Suzy: <Sinabi talaga niya 'yon? Very unexpected. >

(Well, 'yan rin ang gusto niya sa newcomer ng apartment complex. Alam nilang hindi ito mahilig sa bata pero ginagawa pa rin niya ang lahat para asikasuhin sila. Ipinapakita rin niya ang totoong ugali hindi tulad ng ibang adult na nagbabait-baitan sa mga bata para lang makuha ang gusto. Hmm, mga plastik!

Dahil nami-miss na niya ang paboritong sofa, binuksan na din niya ang pintuan gamit ang duplicate na susi na hawak niya.)

Boy: Yeheey! Nakapasok na kami! Ate Amisa! Ate Amisa, panuorin mo kami, oh!

(Pero walang nakasimangot na sumalubong sa kanila. Nakalimutan ni Suzy na kapag wala itong pumasok sa umaga, tanghali na ito kung gumigising.)

Suzy: Sige, maglaro na kayo diyan sa tabi. Tulog pa yata siya. 'Wag kayong masyadong maingay kung ayaw niyong mapalayas ng wala sa oras.

Tristan: Ayy, akala ko gising na siya.

Boy: Mamaya na lang, Tristan. Mag-practice na lang muna tayo para mamaya ready na ready na tayo.

Tristan: Tama! Sige ikaw muna mauna mag-serve!

(Lumapit si Suzy sa kuwarto ni Amisa. As usual, naka-lock ang pinto. Familiar na sa kaniya ang bawat sulok ng maliit na apartment na 'to pero kahit kailan hindi pa siya nakakaapak sa kuwarto ni Amisa. Ganun ba siya ka-insecure sa mga personal na gamit? Siya nga parang Smokey Mountain ang kuwarto at kahit na parati siyang inuutosan na linisin 'yon, babalik na babalik pa rin sa dati ang estado ng pugad niya. Eh, ano ngayon? Creative lang talaga siya. Alam mo 'yon, parang Abstract Painting lang. Magulo pero artistic. Ganern!

Pero nagtataka pa rin siya kung bakit kahit malaya silang gawin kahit ano sa unit ni Amisa eh, napakastrikto naman nito pagdating sa pagte-trespass sa kuwarto nito. May tinatago ba itong ginto? Ewan.

Maliban doon ay ang pagiging obsessed nito sa pagtulog. Bakit? May mini-maintain ba itong sleeping beauty hours? Hindi ba siya nakakatulog sa gabi kaya bumabawi sa umaga? Kung ganun, anung ginagawa niya sa gabi? Nagtatrabaho? Hmmm...

Suzy: Subukan ko nga siyang surprisahin sa hating-gabi.

(Binigyan ni Suzy ang sarili ng two thumbs-up sa naisip na plano. Oo nga, bakit hindi niya naisip 'yon eh may susi naman siya sa unit nito.)

Suzy: Ma-try nga mamayang gabi...

----

I'm actually having a problem with a certain chapter. A friend of mine told me na putol daw 'yong Day 13 (b). Pero kapag chine-check ko naman sa account ko, okay naman ang pagkaka-edit. Pinakita pa nga niya sa akin gamit ang phone niya at talagang incomplete nga. I feel bad kasi importante pa naman 'yong scene na nawala. The readers may not be able to understand the latter part of the plot kung hindi nila mabasa 'yon. 😥😢

I'm thinking of publishing it again or hatiin na lang sa dalawang chapters para sigurado.

I'm really sorry for the mishaps. Hope this incident won't happen again.
----


Thank you for reading, lovelies! :) Don't forget to vote and follow A. Michalski. ;)

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon