Old Days (Part 1)

564 16 14
                                    

5 years ago....

Pinagkakaguluhan ng mga estudyante ng Xavier Laboratory High School ang Academic Bulletin Board kung saan kaka-post lang ng Top 10 performer sa kakatapos lang na Prelim Exam.)

Student1: Ano ba 'yan? Nag-effort talaga ako sa pagwiwish na sana makapasok ako sa Top 10 pero wala pa rin. Nagsimba na nga ako sa Mosque, sa simbahan ng mga INC, Mormons at maging sa Buddhist Temple pero wapak. Ang saklap naman!

Student2: Hoy, 'wag mong sisihin ang ibang relihiyon. Kasalanan 'yan ng utak mong walang ina-absorb ni katiting na info.

Student3: Hahaha! Oo nga! Pero teka, ano bang position sa Top 10 ang hiniling mo?

Student1: Siyempre, Top 1.

(Napatawa maging ang mga ibang estudyante na nakapaligid sa kanila.)

Student1: Hey, hindi ako nagpapatawa. Seryoso kaya ako.

Student4: Paano ba naman kami hindi matatawa eh ang hiniling mo 'yong pinakaimpossible pa. Tol, kahit anong gagawin mo hindi mo mapapaalis si Elijah Reizen sa puwesto niya. Tingnan mo nga 'yan..

(Tinuro niya ang naka-post na listahan ng top students.)

Student4: Simula ng pumasok si Elijah sa paaralang 'to, hindi na naalis ang pangalan niya diyan sa trono ng Top 1.

Student2: Sumuko ka na kasi. Ang taas mo pang mangarap.

(Saktong dumaan ang may-ari ng kababanggit lang na pangalan. Ang daming tao sa hallway pero nang makita nila si Elijah na paparating, dumistansiya sila para makadaan ito. Wala silang lakas na loob na hawakan o kausapin ang Top 1 pero gusto pa rin nilang masilayan ang pinakasikat na estudyante ngayon sa buong paaralan.)

Student5: Congrats, Elijah! You did it again!

Student6: Genius ka talaga, idol!!

(Nginitian ni Elijah ang grupo ng mga estudyante. Namula ang pisngi ng mga babae at ang mga lalaki naman eh punong-puno ng inggit.)

Student Officer: Elijah, pinapatawag ka sa Faculty Office.

Elijah: On my way, thanks.

(At pumunta na ito sa direksiyon ng office. Napabuntung-hininga ang isa sa mga estudyante.)

Student1: Totoo nga. Impossible ngang maabot ko ang Top 1. Nasa kaniya rin ang lahat. Wala na siyang tinira para sa atin.

Student4: Hay, oo nga.... Nakakainggit talaga..

(Habang sa loob ng Faculty Office, kasalukuyang sinesermonan ng isa sa mga teacher ang babaeng estudyante.)

Teacher: Ganyan din ang sinabi mo kahapon. Na late ka dahil late ka nang nagising. Paulit-ulit lang ba tayo, Ms. Ansel? Bakit ang ibang estudyante nakakapasok naman ng maaga pero ikaw hindi mo magawa? Tapatin mo nga ako, 'yan ba talaga ang totoong rason?

Amisa: Yes, Ma'am.

Teacher: Pero tatlong beses ka nang late sa linggong 'to. That's too much tardiness!

Amisa: .........

Teacher2: Ang mga estudyante talaga ngayon, pinipilit pa para lang makapasok. Sinasayang lang ang pera ng mga magulang. Hindi mo dapat sini-spoil ang mga pasaway na estudyante mo, Ma'am Selena. Turuan mo rin dapat sila ng leksiyon.

Teacher: Oo nga po, eh. You hear that, Ms. Ansel? 'Pag maulit ito, ipapatawag ko na ang guardian mo or worse, diretso na sa grade mo. Are we clear?

Amisa: Yes, Ma'am.

(Nabuksan ang pintuan ng Faculty Office. Bumungad doon ang nakangiting si Elijah.)

Head Teacher: Oh, andito na pala ang Golden Boy. Come here, Elijah. Let us congratulate you for winning the National Mathematical Olympiad.

(Nagpalakpakan ang lahat ng nasa opisina maliban sa babaeng estudyante na nakatayo pa rin at nakayuko ang ulo.)

Elijah: I wouldn't be able to win it without the support of this school kaya nagpapasalamat rin po ako sa inyo.

Teacher3: Aww, don't be so humble. For the first time na nanalo ang school na 'to sa Olympiad at 'yon ay dahil sa'yo. Let us congratulate you.

(At nagpatuloy pa ang matatamis na salita. Sa gilid ng kaniyang mga mata, napansin ni Elijah ang nag-iisang estudyante sa opisina maliban sa kaniya. Tumigas ang expression ng kaniyang mukha.)

Amisa: Ma'am, pwede na ho ba akong umalis. May klase pa po kasi ako.

(Aniya dahil nakalimutan rin naman nila ang presensiya niya.)

Teacher1: Ah, yes, you can go now.

(Nadaanan niya ang nakatayong si Elijah. Nginitian siya nito pero diretso lang siya sa pintuan at lumabas. Tinawanan siya ng mga babaeng nakasalubong niya sa kadahilanang hindi niya alam. Pero hindi na lang niya pinansin at patuloy na naglakad dala ang walang expression na mukha .

Pinili niyang dumaan sa hagdanan ng emergency exit imbes na sa main stairs dahil gusto niyang mapag-isa. Nakaka-dalawang hakbang pa lang siya ng makarinig ng boses sa kaniyang likuran.)

Elijah: Parang nagiging tambayan mo na ang Faculty Office, ah. What is it this time? Skipping classes?

(Parang walang narinig si Amisa at nagpatuloy na lang ito sa pagbaba ng hagdan at---

BAM!!

Isang suntok sa pader sa kaniyang harapan ang nagpatigil sa kaniya.)

Elijah: I already told you to face me when I'm talking to you, right?

(Wala na ang mala-anghel na ngiti sa mukha nito na kinatitilian ng mga babae. Galit na expression na ang meron ito na kahit kailan ay hindi pa nasisilayan ng ibang tao. This time ay natingnan na siya sa mata ni Amisa.)

Amisa: Wala ka na bang ibang magawa sa buhay? Anong susunod? Nanakawin mo ang pera ko para hindi na rin ako makasakay ng jeep papunta sa school matapos mong sirain ang bike ko?

Elijah: ......

Amisa: You're... pathetic.

(Pinandilatan ni Elijah ang kaharap. Hindi siya ang tipong violente pero ngayon parang gusto niyang manakit ng tao. Nilapit niya ang mukha sa kinaiinisang tao sa buong mundo at bumulong. )

Elijah: I.. hate you.. so.. much.....

Amisa: Talagang magkaiba kayo ng ama mo. Hindi kasi 'yan ang sinasabi niya sa akin.

(Nanlaki ang mga mata ni Elijah sa galit. Malakas na tinulak niya sa pader si Amisa at -----)

Classmate1: Oh, Elijah, andito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap. Nagstart na kaya ang quiz natin.

(Tinapunan niya ng masamang tingin si Amisa bago niya ito binitawan.)

Elijah: Oo, susunod na ako.

(Inayos ni Elijah ang uniporme at pinakalma ang sarili. )

Elijah: Don't dare show your face to me again.

(Nauna na itong bumaba ng hagdan at naiwan si Amisa sa madilim na emergency exit.)

----

😭😭 I know. I know. Huhuhu. 😭😭

Btw, feel free to share this but please credit back to the original author.

Kudos for stopping by. 😉

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon