Day 16 (c)

442 14 0
                                    

From +63917xxxxxxx

Huwag mong kakalimutan. Iwasan mo munang maglaro ng basketball but do light exercises. Kaya mo 'yan! Fighting! ~~ -Dr. Vince

(Hindi makapaniwala si Louis sa nabasa. Teka, paano nito nakuha ang no. niya? Ang kulit talaga ng doktor na 'yon. At saka ano 'tong 'Fighting' ?? Hay, grabe.

Pinasok na lang niya ang cellphone sa bag pagkabasa sa natanggap na SMS habang naglalakad pauwi mula sa university. Nahipo tuloy niya ang puson nang maalala ang mga nangyari kaninang umaga. Hindi na masakit pero ang pride naman niya ang nagdurugo ngayon. Hindi siya makapaniwalang nabugbog siya in a broad daylight, and worse, kagagawan pa ng isang babae.

Oo, inaamin niyang lumagpas sa linya ang kinilos niya kanina pero kasalanan naman kasi ng babaeng 'yon. At saka ang isa pa, malay ba niyang ala-Manny Pacquiao pala kung sumuntok ang bestfriend ni Elijah?? Hanggang ngayon nga hindi pa rin siya makapaniwala kasi sa unang tingin, hindi mo masasabing may pagka-siga pala ito. Minsan, may pagka-boyish nga 'to kung manamit dahil parating nakaitim mula Military hat hangga't sa rubber shoes pero sa appearance at kilos, babae naman. Kaya hindi talaga niya ma-imagine na marunong pala itong manuntok at ganun pa talaga kalakas. Heck, naranasan na niyang makatanggap ng suntok sa sikmura nung highschool siya pero hindi 'yon maikukumpara sa natanggap niyang deathblow kanina. Like, wow. Wow, talaga.

Napa-aray tuloy siya dahil parang bumalik yata 'yong sakit ng puson niya. Tsk, ano ba naman 'yan?

But all in all, maganda ang kinalabasan ng pagka-admit niya sa university clinic kanina. Na-meet kasi niya ang batang doktor na sa hindi niya inasahan ay, okey naman, kumpara sa iba.

Ang mga orthopedist kasi na nakilala niya, naka-focus lang sa physical injuries ng pasyente. Wala silang pakialam sa mental damage na tinamo ng athlete at tinuturing silang parang robot.

Pero nauunawaan ng Dr. Vince na 'yon ang pinagdadaanan niya ngayon. Binigyan pa nga siya nito ng mga advice at tips para hindi mawala ang motivation niya sa paglalaro. Kaya kahit sinabihan siya nito na dumaan sa clinic twice a week, okay lang. Wala naman sigurong mawawala sa kaniya, hindi ba?

Bzzzz. Bzzzzz.

Kaso 'yan. 'Yan ang ayaw niya sa doktor na 'yon. Kasi kung umakto ito para bang close na close sila. Aishh, 'yon pa naman ang pinaka-ayaw niya.

Pero nang silipin niya ang cellphone sa bag, ang tumatawag sa kaniya ay ang contact na may pangalang 'Landlady' at hindi ang unregistered number ni Dr. Vince kaya agad niya itong sinagot. )

Aling Martha: Louis, asan ka ngayon? Nasa university ka pa ba o pauwi na?

Louis: Pauwi na po. Nasa Center Point na ako at papunta sa paradahan ng jeep. Bakit po?

Aling Martha: Mabuti naman. Birthday kasi ngayon ni Mareng Julie at imbitado lahat ng tenants. Alam kong puro mga pagkaing lunod sa preservatives ang binibili mo nitong mga nakalipas na araw kaya pumunta ka para makakain ka ng maayos. Sabihan mo rin ang kuya mo.

Louis: Wala po siya. Nasa business trip siya at sa makalawa pa ang balik. Um... kasama po ba si Ate Jasmine sa mga nagluto?

Aling Martha: Hindi. Hindi nga siya makakadalo, eh. Busy 'yon sa trabaho ngayon kaya huwag kang mag-alala, hindi mauulit ang insidente noon kaya magmadali ka nang umuwi. Ay, teka, pabili nga pala ako ng bouquet ng bulaklak. Pang-birthday, kamo, 'yon ang sabihin mo.

Louis: Ah, sige po. Ako pong bahala.

Aling Martha: Diretso ka uwi, ha? Bilisan mo.

(Nang matapos ang tawag, tumingin si Louis sa kaniyang unahan. Nakahinga siya ng maluwag nang makita ang sign ng isang flower shop ilang metro ang layo. Buti na lang at hindi pa niya nalagpasan kanina.

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon