♣A/N: Please take note that this is a continuation of Old Days which narrates what happened between our main characters (Amisa & Elijah) five years ago and when they were still in their second year of high school. Enjoy reading. 😉♣
🍃🍃(Kaka-ring pa lang ng bell na naghuhudyat ng lunch break kaya ang mga estudyante ay nagsiuwian o nagsipuntahan sa canteen para mananghalian. Ang grupo naman ni Elijah ay nanatili muna sa classroom habang hinihintay ang isa pa nilang kasama.)
Student1: Nasaan na ba si Troy? Naligaw ba 'yon nang pabalik rito o ano? Gutom na gutom na ako, eh.
(Saktong patakbo naman sa classroom ang tinutukoy nilang si Troy.)
Elijah: Oh, ayan na pala siya.
(Humihingal na lumapit sa kanila ang kararating lang na kasama.)
Student1: Ang tagal mo naman. Ano bang ginawa mo sa Faculty Office, ha?
Troy: Si Sir Angeles kasi, inutusan pa akong ibigay 'yong projector kay Ma'am Fe na nasa Laboratory Room 3, eh hindi ko pa naman alam kong nasaan 'yong pangatlong laboratory room na 'yon. Muntik na nga akong mawala, eh. Ang laki naman kasi ng Green building.
Student2: Hahaha, ang lame mo naman. Eh, paano mo nahanap 'yong laboratory?
Troy: Buti na lang at tinulungan ako nung transferee student. Akala ko mali 'yong binigay niyang direksiyon sa akin pero tama rin pala.
Student1: Transferee? May bagong student? Sino? Sino?
Student2: Oi, babae ba? Maganda ba?
Troy: Ha? Diba, iisa lang naman ang bagong transferee rito? 'Yong mahaba ang buhok na loner at tahimik?
(Na-disappoint ang dalawang kasama nilang nag-akalang may bagong transferee habang napatawa naman ang malapit na kaibigan ni Elijah na si Mark. Pero si Elijah ay natahimik at dumungaw na lang sa bintana.)
Mark: Hahaha! Asa pa kayo. Walang bagong transferee ngayon, no.
Student2: 'Kala ko naman kung sino, ano ba 'yan?
Student1: Pero teka, marunong palang magsalita 'yong girl na transferee? Sigurado ka bang siya 'yon?
Troy: Siya nga. Akala ko nga rin iisnabin niya ako pero hindi.
Student1: Talaga? Hindi ko pa kasi siyang nakitang nagsalita, eh. Hmm, baka naman dahil parati siyang nag-iisa at walang kasama.
Student2: Introvert ang tawag doon. Ganun di 'yong pinsan ko. Mas gusto niyang mapag-isa kaysa sa may kasama. One time nga, nakatabi ko 'yong transferee sa library tapos nag-'Hi' ako at sumagot naman siya. Kaso... hindi palangiti, eh.
Student1: 'Yan! 'Yan ang sinasabi ko. Sabi nga ng mga girls kaya daw nila ayaw kaibiganin kasi halos hindi raw siya ngumingiti tapos masungit pa. At narinig ko pa na nagawa niyang pandilatan ng mata si Xander eh diba siga 'yon dito? Hindi ko alam kung matapang siya o sadyang tanga lang.
Student2: Ganun din 'yong pinsan ko. 'Yong tipong walang pakialam sa iba. Tandang-tanda ko pa nga nung mga bata kami. Pumunta kami noon sa park tapos nung pauwi na kami, nadapa ako. Aba, eh, hindi man lang ako tinulungan. Sabi lang niya, 'Kasalanan mo kung bakit ka nasaktan kaya nasa sayo kung tatayo ka o umiyak na lang at maiwan rito.' Ayon, iniwan nga niya ako sa park. Waah, hinding-hindi ko talaga makakalimutan 'yon.
Mark: Awww, ang cute naman...
(Sabay-sabay silang gulat na napatingin sa nakangiting si Mark.)
Student1: Seriously? Tingin mo sa kaniya, cute??
Mark: Why not? Adorable kaya 'yong mga ganung independent na girls. Hindi ko kasi type 'yong mga maingay, clingy, at iyakin. 'Yong walang magawa kung mag-isa lang. I think they are bothersome.
Troy: Huh, sino ngayon ang weird, ha?
(Pero ngumiti lang si Mark. Napansin naman niya ang nakakunot-noo na expression ni Elijah kahit na nakatingin ito sa malayo.)
Student1: Punta na nga tayo sa canteen. Nagugutom na ako. Malapit na rin ang time, oh.
Elijah: Mauna na kayo. Hindi pa ako gutom kaya I'll stay here for a while.
Mark: Ako din.
Student2: Sige, kayo bahala.
(At umalis na ang tatlo habang naiwan naman si Mark at si Elijah na nakatayo at nakatingin pa rin sa bintana.)
Mark: Nakakagulat naman..
Elijah: Ang alin?
Mark: Ikaw.
(Lumingon sa kaniya si Elijah na hindi inasahan ang kaniyang binigay na sagot.)
Mark: Usually kasi, kapag may pinag-uusapan tayong ibang tao, you'll stop us and say na hindi namin dapat pinagsasalitaan ng masama ang iba. Pero kaninang pinag-uusapan namin 'yong girl na transferee, tahimik ka lang.
Elijah: ......
Mark: Bakit? Ayaw mo rin sa kaniya tulad ng ibang estudyante rito?
Elijah: Maybe.
Mark: Dahil ba sa mga sinabi nila? Her being an introvert, masungit, and—
Elijah: Because she's very distracting...
(Tatawa sana si Mark kasi nag-eenjoy siya sa pinaguusapan nila ngayon kaso nang sumagot si Elijah nakalimutan yata niyang magsalita.)
Mark: <Distracting? Anong parte ng katawan ng transferee na' yon ang distracting? It's the opposite, actually. Kaya nga walang kahalubilo ang girl na 'yon kasi para siyang invisible. Walang pumapansin sa kaniya na para bang hindi siya nakikita ng mga tao rito. Nababanggit lang ang pangalan niya kapag pinagtatawanan o kinakantiyawan tulad ng ginagawa nila kanina. Thats' all. Kaya paano siya naging distracting?.. >
Elijah: And I don't like the way she smiles..
Mark: ....
Mark: ... Akala ko ba hindi siya palangiti?...
(Nagkatinginan sila ni Elijah pero umiwas rin ito ng tingin at ibinalik sa bintana ang atensiyon.)
Elijah: I feel hungry. Pupunta muna ako sa canteen.
(At lumabas na ito ng silid. Si Mark naman ngayon ang tumayo at dumungaw sa bintana. Napangiti siya nang makita ang babaeng transferee na sentro ng usapan nila kanina na kakadaan lang at mukhang papunta sa kabilang building kung saan matatagpuan ang canteen.)
Mark: Kaya pala biglang nagutom, ah.... I see...
(At masaya siyang lumabas ng silid at sumunod rin sa canteen.)
----
Thank you for reading 97 days. 😉
BINABASA MO ANG
97 Days
Teen FictionGaano mo kakilala ang bestfriend mo? Sigurado ka bang tama ang mga alam mo tungkol sa kaniya? Paano kung ito'y ilusyon lamang? Saksihan ang typical na buhay ng mag-bestfriend na sina Amisa at Elijah. Pero habang-buhay ba silang ganito? Anong pwede...