Day 14 (e)

475 16 5
                                    


DEFENSE! DEFENSE!

Wala ng ibang marinig sa loob ng gym maliban sa mga chant ng mga manunuood habang dumidipensa ang hanay ng university basketball team. Mas lumakas pa ang sigawan ng maagaw ni Louis mula sa kalaban ang bola at tumakbo ng mabilis sabay dribble papunta sa kanilang ring.

KING LOUIS! KING LOUIS! KING LOUIS!

Nagpwesto ang mga kalaban sa ilalim ng ring para i-block si Louis pero sa bilis at lakas niya hindi umobra ang kanilang depensa at nakapag-dunk siya ng walang kahirap-hirap.

Dumagundong ang malakas na sigaw sa buong gym. Labing-dalawa na ang lamang ng team nila sa kalaban. Kakasimula pa lang ng third quarter pero nasisigurado na ng mga university student na mananalo sila.

Nag-apiran ang grupo ni Elijah. So far, maganda ang kinatatakbuhan ng laro. Pero paminsan-minsan ay makikita ang bahid na kalungkutan sa mukha niya. Si Amisa na siyang dapat na kasama niya ngayong nagche-cheer ay hindi pa dumarating. )

Elijah: Nakalimutan ba niya na may laro ngayon o natutulog pa siya hanggang ngayon? Kung ganun, mas mabuti siguro kung hindi ko na lang siya istorbohin para makapagpahinga siya. It's a rest day after all. >

(Pero hindi pa rin niya maiwasan ang malungkot. Kanina pa niya tinatawagan ang bestfriend pero hindi pa ito nakakasagot maging sa mga text niya. Pasilip-silip pa siya sa entrance ng gym kapag may pumapasok sa pagbabasakaling ang bestfriend na ang makita. Pero wala....

Naputol ang kaniyang pagmumuni-muni ng biglang matahimik ang gym. Biglang bumagsak si Louis at naiwan ng mga tumatakbong kasama. Hawak nito ang kaliwang tuhod habang namimilipit sa sakit.

Nag-whistle ang referee at pinatigil muna ang laro. Mabilis na nilapitan ng coach at mga team member si Louis para tingnan ang kaniyang kalagayan. Pagkalipas ng ilang minuto, inilabas na ito at dinala sa clinic.

Sobrang nabigla ang mga manunuod. Hindi nila inasahan na magkaka-injury siya lalo na't ang ganda ng performance niya kani-kanina lang. Nawalan tuloy sila ng pag-asang manalo ngayong araw dahil wala ang ace ng kanilang basketball team.

-------------

Napaupo si Amisa sa kaniyang motorsiklo at sinubukang patigilin ang pag-agos ng dugo. Pero hindi lang ang dugo ang dapat niyang patigilin dahil maging ang mga luha ni Llyana kasi nagsimula na naman itong umiyak. )

Llyana: I'm sorry. I'm so sorry po. Nasugatan kayo nang dahil sa akin... Kung hindi ko sana sinubukang agawin 'yong... baril... waaaaah!

Amisa: Okay, okay. Tama na 'yan. It's not your fault. Tingnan mo oh, hindi naman masyadong malala.

Llyana: No, it's my fault. And the blood is not stopping..

Amisa: Hindi, tingnan mo. Tatapalan ko lang 'to at wala na.

(Buti na lang at may first-aid kit na nakahalo sa mga gamit ng mga kidnapper doon sa van pero hindi pa rin sapat 'yon dahil kailangang alisin ang bala sa balikat niya at ipa-suture. Pero ang importante sa ngayon ay matapalan ang sugat. Hinubad muna niya ang suot na t-shirt at nilabas ang mga bandages at gauze mula sa first-aid kit.)

Llyana: Le-let me help....

Amisa: Ha? Hindi, huwag! Sobra-sobra na nga ang naranasan mo kanina tapos gusto mo pang makakita ng gunshot wound? No. Baka ma-trauma ka pa.

Llyana: Ako ang may kasalanan kung bakit ka nasaktan kaya..... gusto kong tumulong..

Amisa: Alam mo... seryosong bagay 'to.. hindi ito laro-laro lang—

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon