Day 13 (d)

530 22 0
                                    


(Naiinip na si Gina. Kahapon pa niya nailagay ang note sa locker ni Amisa pero hanggang ngayon hindi pa nito nababasa.

Nalaman niya kung nasaan ang locker nito dahil ang classroom niya sa Saturday night ay malapit sa mga lockers at isang gabi ay nakita niya si Amisa na binuksan ang isa sa mga locker doon at nilagay ang mga dalang  textbooks. Hahaha, ang swerte naman niya. Hindi na niya kailangang sundan pa ito para malaman kung may locker o wala. Feeling niya, parang binibigyan siya ng basbas na gawin ang lahat ng ito dahil so far, hindi pa pumapalpak ang mga plano niya. Huh, siya na talaga!

Pero ngayon, parang nade-delay ata ang kaniyang 'mission complete'. May klase siya ngayon sa nasabing classroom at umupo pa malapit sa glass na bintana para bantayan ang mga lockers na nasa labas. Hindi na nga siya nakikinig sa instructors nila para lang maging alert pero wala talaga. Hindi pa nagpapakita ang babaeng 'yon. )

Professor: Ms. Gina, anong sagot mo sa No. 14?

Gina: .......

Seatmate1: Oi, Gina. Tinatanong ka ni Sir.

Gina: Ha??

Seatmate: 'Yong No. 14 daw. Ano ka ba? Tumayo ka na nga!

Gina: Um... ah... The initial diagnosis of.... um... urinary tract infection made from the result of the... the .. first... um...

(Nakita niyang lumapit si Elijah sa mga lockers. )

Gina: Anak ng $&%-@*!! Ang akala ko wala siyang locker. Anong ginagawa niya diyan??

Professor: Ms. Gina, what are you talking about?! Answer the question!

(Kitang-kita niya kung paano buksan ni Elijah ang Locker No. 27—ang locker ni Amisa. Napanganga si Gina. Nabitawan tuloy niya ang hawak na textbook.)

Professor: Ms. Gina, anong nangyayari sayo?

Seatmate2: Sir, I think she's in shock!!!

Professor: What?! Da-dalhin niyo sa clinic! Dali!!

Seatmate1: Pero Sir, close na ang clinic!!

Professor: Ano??!!

(Nagkakagulo na ang klase at ang mga estudyante ay pinaligiran si Gina na tulala pa rin.)

Gina: < Ang note na 'yon ay para dapat kay Amisa at hindi dapat malaman ni Elijah. Pero bakit si Elijah ang nakahanap?.... Anong klaseng karma 'to?....>

(Dahil busy sa paglalagay si Elijah ng mga gamit sa locker, hindi niya napansin ang kaguluhan sa katabing classroom. Sa school term na 'to, ngayon lang niya nagamit ulit ang locker. Si Amisa kasi ang gumagamit dito kahit na sa kaniya nakapangalan. Hindi naman kasi niya ginagamit dahil hindi siya nagdadala ng libro maging notebook kaya pinagamit na lang niya sa bestfriend. Ginamit niya lang 'to ngayon dahil inutusan siya ni Amisa na ilagay ang mga folders nito.

Sasarhan na sana niya ang locker nang may mapansing papel na nakasiksik sa loob. Pagbasa niya.. )

**Alam kong may relasyon kayo ni Dr. Vince. Kung ayaw mong ipagkalat ko sa buong university, makipagkita ka sa akin.

Monday, Florence Park, 7 am

Mag-isa ka lang at huwag na huwag mong sasabihin sa iba dahil kung hindi, katapusan mo na. **

Elijah: A-ano 'to??

(Saktong nag-ring ang cellphone niya at agad na sinagot ang tawag ng makitang si Amisa pala.)

Amisa: Nakarating ka na sa school?

Elijah: Oo, I still have a lot of time before the exam. Pero hindi 'yan ang importante ngayon. Listen to me carefully, Amisa.

Amisa: Ah, okay..

(At binasa niya kay Amisa ang nilalaman ng printed na note. Pero hindi niya inexpect ang makukuhang reaksiyon mula sa bestfriend.)

Amisa: 'Yon lang? Che, ang boring naman. Mas creative pa 'yong natanggap ko last time.

Elijah: H-ha?? I don't get you.. Hindi ka man lang ba nagaalala? This is a blackmail, Amisa. A blackmail!

Amisa: Blackmail kung totoo ang sinasabi niya. Pero hindi, eh. Bakit ako magkakaroon ng relasyon sa tulad ng Dr. Vince na 'yon? Yuck. That's gross.

Elijah: .........

Amisa: Oi, 'wag mong sabihing naniwala ka naman?

Elijah: Ah... no... I mean..

Amisa: Naniwala ka talaga?! Sipain kita diyan!! Para sabihin ko sa'yo mas malaki pa ang posibilidad na magkagusto ako sa matanda at panot nating College Dean kaysa sa Doctor Vince na 'yon. Like, never! Anong pumasok sa kukuti mo para i-consider 'yon, ha? Lagot ka talaga sa akin.

Elijah: Eh, kasi.... parati kang pumupunta sa Clinic at...

Amisa: Of course, parati akong pupunta doon. Tambayan ko 'yon, eh. Mas nagtatagal pa nga ako doon kaysa dun sa parating absent na School Nurse. Don't tell me ang iniisip ng mga tao eh si Dr. Vince ang pinupuntahan ko doon at........ Oh my-- Oh my God!

(At nagpatuloy pa ang reklamo ni Amisa. Ngayong ito na ang nag-confirm na wala nga silang relasyon at ng school doctor, hindi mapigilan ni Elijah na ngumiti.

Misunderstanding lang pala ang lahat ng naiisip niya. He is really stupid... )

Elijah: Pero teka, Amisa. Ang sabi mo nakatanggap ka rin ng ganito last time.

Amisa: Oo, ilang beses na. May mas worse pa nga eh. Last month nga may note akong natanggap saying na mangkukulam daw ako. Hay, naku. Ang mga tao talaga. Walang magawa sa buhay.

Elijah: You've been receiving this kind of messages pero kahit once hindi mo nasabi sa akin. Amisa, how can you do that??

Amisa: Sanay na ako kaya it doesn't matter. Ever since highschool nakakatanggap na ako ng mga ganiyan. Para namang hindi ka aware.. Ikaw dapat ang mismong nakakaalam niyan...

(Nanlaki ang mga mata ni Elijah.)

Amisa: Pero 'wag kang mag-alala. At least kahit papaano may mga fans din ako. Akala mo ikaw lang ang sikat, ha? Itsura mo!

(Napangiti rin si Elijah pagkakuwan. Ngunit hindi talaga niya maiwasang maawa kay Amisa. She has been experiencing this kind of thing for a long time now and yet he...)

Amisa: Sige, ibababa ko na 'to. Kitakits bukas.

Elijah: Yah, See you tom, Amisa. Don't miss me too much.

Amisa: As if. Makikita rin naman kita mamaya.

Elijah: Huh?

Amisa: Ang sabi ko, gutom na ako at gusto ko nang kumain. Sige, bye na.

(At naputol na rin ang tawag. Masayang umuwi si Elijah ng gabing 'yon. )

----

Thank you for reading. :) Don't forget to vote and follow A. Michalski. :)

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon