(Kumagat si Gascon sa hawak niyang Chicken Burger at mas binilisan pa ang paglalakad papunta sa Belmonte Road kung saan matatagpuan ang Han Leo University (HLU). Oo, tama. Pupunta siya doon para bisitahin ang mga pulis na nagsu-surveillance kay Elijah Reizen.
At..... para makita na rin mismo ang tagapagmana ng Reizen Corporation.
Hindi na niya sinabihan ang mga kasamang pulis tungkol sa gagawin. Hindi na siya dumaan sa opisina at wala ring sinabihang iba basta dumiretso na siya rito.
Mas binilisan niya ang paglalakad nang makarating na siya sa saktong nag-green na pedestrian lane. Kasabay niya ang maraming taong nagmamadali dahil sa mga sari-sariling lakad. Mga tinderong magbubukas pa lang ng negosyo, mga estudyanteng late na sa school, mga empleyadong piniling maglakad papasok sa trabaho at iba pang---
Teka....
Isang lalaki ang patawid ng pedestrian at kasalubong niya ang biglang kumuha ng kaniyang atensiyon. Matangkad ito, maayos ang itsura, binata, at... hindi kabilang sa mga grupo ng mga taong nabanggit niya kanina. He can tell dahil may kakaiba siyang nararamdaman.
Simpleng maitim ma T-shirt ang suot nito at corduroy na pants. Ngunit hindi ang damit o itsura nito ang kumuha ng pansin niya kundi ang mga mabagsik nitong mga mata. 'Yong parang mata ng agila na matinik na nakamasid sa kagubatan habang lumilipad at naghahanap ng makakain.
Baka naman normal bypasser ito at nagkamali lang siya? Pwede. Pero may kakaiba talaga sa awra nito na tila sinisigaw sa kaniya na 'Naiiba ako!'. At kung ano man 'yon ay hindi niya maipaliwanag.
Ayan na. Magkakasalubong na sila. Siguro ay napansin nito na nakatingin siya dahil bagama't walang nabago sa expression ng mukha nito ay obvious na nakahalata.
At ayun na..
Hindi niya ito pinigilan, kinausap o ano. Sinuri lang niya ito mula ulo hanggang paa sa loob ng dalawang segundong nagkatapat sila.
Hmmm, wala naman siyang dapat na ikabahala. Normal lang ang disposition nito maliban sa maliit na tattoo sa kanang kamay---- isang maliit at hugis triangulo.
Hindi siya ang klase ng taong nagdi-discriminate sa mga taong may suot na tattoo at ina-assume kaagad na kapag may tattoo eh miyembro na agad ng gang, may criminal record, punk, wild, etc. etc... Kaya sa bandang huli, hinayaan na lang niya ito at itinuloy na lang ang paglalakad. Tinapon niya sa nadaanang basurahan ang supot ng burger saka hinanap ang sasakyan ng mga surveillance team sa tapat ng unibersibad.)
☘☘
(Nang makalayo na ang lalaking nakasuot ng maitim ma shirt mula sa pedestrian lane, naghanap siya ng mapagtataguang lugar. Pinili niya ang isang antique shop na natatakpan ng mga food carts at pumasok roon. Nang makitang wala ngang katao-tao maliban sa matandang cashier na nasa counter, nagkunwari siyang tumitingin-tingin sa mga naka-display at tumalikod.
Nilabas rin niya ang cellphone mula sa bulsa at nagtext.
To: Boss A
Sasali si Gascon sa surveillance kay E. Reizen as of 8:13.
Walang dalang armas.
Reason still unknown.
At sinend niya saka binalik ang phone sa bulsa.)
Shop Owner: Anong sayo, iho? May hinahanap ka bang-
(Hindi na niya pinatapos sa pagsasalita ang matanda at lumabas na ng tindahan, ni ha ni ho ay wala. Hindi na niya itinuloy ang pupuntahan at naghanap na lang ng ibang routa pabalik sa university para maiwasang makita o makasalubong uli ni Gascon.)
BINABASA MO ANG
97 Days
Novela JuvenilGaano mo kakilala ang bestfriend mo? Sigurado ka bang tama ang mga alam mo tungkol sa kaniya? Paano kung ito'y ilusyon lamang? Saksihan ang typical na buhay ng mag-bestfriend na sina Amisa at Elijah. Pero habang-buhay ba silang ganito? Anong pwede...
