(Nagkakagulo ngayon sa Reizen mansion. Hindi magkamayaw ang mga katulong sa paghahanda dahil sa biglaang pagdating ng anak ng Head of the Family. Madalang lang kung bumisita ito doon kaya nabigla sila ng marinig nilang sa mansion ito tutuloy ngayong araw.
Tumigil sa harap ng malaking bahay ang isang magarang na kotse. Bumaba mula doon si Elijah Reizen, na nakasuot ng suit dahil galing lang sa isang importanteng business meeting. Kasunod niya ang sekretarya ng kaniyang ama na panandaliang nag-aassist sa kaniya.
Nang mabuksan ang pintuan, sinalubong siya ng mga katulong. Tulad ng dati, sinuklian niya ito ng matamis na ngiti.
Maid: ~~Ahh, kapag andito si Sir Elijah, mas lumiliwanag dito sa mansion...
(Sunod-sunod naman napatango ang mga kasama niya bilang pagsang-ayon na kumikislap pa ang mga mata.
Tinanggihan ni Elijah ang offer na maghapunan at dumiretso sa kaniyang kuwarto. Pagkapasok niya sa loob, agad niyang niluwagan ang suot na necktie.)
Secretary: Maraming salamat po sa pagpunta sa meeting kahit na hindi kayo naabisuhan beforehand. The meeting was successful and the investors are ready to proceed with the transaction as planned. Thank you for your hardwork.
(Chineck ni Elijah ang cellphone at nang makitang walang notification, nilapag na lang niya sa ibabaw ng higaan.)
Elijah: Wala pa bang balita tungkol kay Papa?
Secretary: While you are in the middle of the meeting, we were informed about his location. As of now, he's in China, sir.
Elijah: Hmmm, is that so?
Secretary: Sir??
(Lumapit si Elijah sa harap ng bintana. Biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin. Ang mga kurtina ay parang papel na lumulutang sa paligid.)
Elijah: Alam mo, Frederick, kung gusto mong tumagal sa trabaho mo dapat galingan mo pa sa pagsisinungaling. You're too easy to read.
Secretary: Hi-hindi ko po kayo maintindihan....
Elijah: Alam kong nasa Germany si Papa at hindi sa China.
Secretary: Si-sir, pa-pasensiya na po kayo. Sabi po kasi ni Chairman huwag daw kayong--
Elijah: You may go now.
Secretary: Pero....... Masusunod po...
(Walang nagawa ang secretary kundi ang lumabas. Nang mapag-isa na si Elijah, kinuha niya ulit ang cellphone. Makalipas ang ilang minutong pagtitig rito, tinawagan niya ang isang numero.)
Amisa: Yellow. Hey, Elijah. May assignment nga pala tayo. Wala namang quiz at -----
Elijah: Nasaan ka ngayon?
Amisa: Eh? Sa bahay. Bakit?
Elijah: Where?
<Alam kong lumipat ka na ng apartment. So, tell me the truth. Don't lie to me, too. Please...>
Amisa: Siyempre sa Reyes Apartment Complex. Saan pa ba?
Elijah: ............
Amisa: Oi, you're acting strange. May nangyari ba? Okay ka lang?
Elijah: ...... Yes, I'm fine. Sige, kita na lang tayo bukas. Bye.....
< Bakit, Amisa? Normal na sa akin ang malamang nagsisinungaling sa akin ang ibang tao maging ang sarili kong ama.
Pero bakit kailangan mo rin magsinungaling sa akin?......>
----
OMG, bakit ang sad naman yata? Stupid feelings! Nahahawa tuloy ako. Hehehe. But don't worry, everything will turn back to normal. Again, thanks for reading, lovelies!
BINABASA MO ANG
97 Days
Teen FictionGaano mo kakilala ang bestfriend mo? Sigurado ka bang tama ang mga alam mo tungkol sa kaniya? Paano kung ito'y ilusyon lamang? Saksihan ang typical na buhay ng mag-bestfriend na sina Amisa at Elijah. Pero habang-buhay ba silang ganito? Anong pwede...