(Halos hindi dinapuan ng antok si Elijah sa gabing 'yon. Kaya nang may mag-text sa kaniya ng madaling araw, nakita niya agad. Nagulat siya ng makitang video pala 'yon na sinend ni Amisa. Agad siyang bumangon at pinanood 'yon.)Amisa: Guess what? Lumipat ako ng apartment last Monday. And tingnan mo 'tong interior design, ganda diba? Ako may gawa niyan.
(At ipinakita ni Amisa sa video ang loob ng nasabing apartment. Tamang-tama lang ang space para sa iisang tao lamang pero cozy at stylish nga ang interior design. Nanlaki ang mga mata ni Elijah.
Kaya ba hindi binanggit agad ni Amisa ang tungkol rito dahil hinintay mo na nitong maayos ang apartment bago sa kaniya ipakita? Kung ganun....)
Amisa: Mas maganda rito dahil mas mura ang renta pero tingnan mo naman oh, may balkonahe pa. Cool, diba? Oh, sige. See you na lang mamaya sa school. Sayonara!
(At natapos rin ang video.)
Elijah: ..............
(Naiwang nakatulala si Elijah. Hindi niya mapagtanto kong reality ba 'to o panaginip lang. Nang marealize niyang gising na gising nga siya, hindi niya maiwasang mainis.)
Elijah: Ugh! Why am I so stupid?? Na-depressed ako para sa wala. Grrr....
(Pero kalaunan, may nabuong ngiti sa mga labi niya. Paano ba naman hindi eh, ever since noon na palipat-lipat si Amisa, kahit kailan hindi nito nasabi sa kaniya. Nalalaman na lang niya later on. Pero ngayon, si Amisa mismo talaga ang nagsabi sa kaniya. Mas lumawak tuloy ang ngiti niya.)
Elijah: Amisa, ang daya mo talaga. You have no idea what you are doing to me...
----

BINABASA MO ANG
97 Days
Teen FictionGaano mo kakilala ang bestfriend mo? Sigurado ka bang tama ang mga alam mo tungkol sa kaniya? Paano kung ito'y ilusyon lamang? Saksihan ang typical na buhay ng mag-bestfriend na sina Amisa at Elijah. Pero habang-buhay ba silang ganito? Anong pwede...