Day 15 (c)

426 13 3
                                    

7:15 pm

Xavier Towers Condominium Complex

(Mabilis na pinark ni Frederick ang kotse sa harap ng condominium tower imbes na dumiretso sa parking lot. Pagod na pagod na kasi ang boss niyang si Elijah kaya mas mabuti kung diretso na ito sa lobby ng condominium at makasakay ng elevator kaaagad papunta sa unit nito.

Pagkagaling ng anak ng Chairman mula sa university kanina, dumiretso na sila sa company headquarter at pumasok ng walang paalam sa meeting ng mga board directors. Kasalukuyan nilang tinatalakay ang sunod-sunod na pagpatay ng mga higher officers ng HJ Corporation na pilit na inuugnay sa kanila. Dahil sa mga hindi magandang agam-agam tungkol sa koneksiyon nila sa kompaniya, bumaba ng malaki ang presyo ng stocks nila. Kaya kanina, nagpulong sila para makaisip ng paraan upang hindi lumubha at mas kumalat ang mga balita.

Pero ang biglaang entrance ni Elijah ang laking ikinagulat nila. Wala nga ang ama nitong Chairman ng kompaniya pero andito naman ang Presidente ng kompaniya upang mamuno sa meeting kaya ano naman kayang ginagawa ng anak ng Chairman rito? Pero mas nagulat sila nang magmungkahi ng solusyon ang baguhang anak ng Chairman at mas nagustuhan pa nila ito kaysa sa mga suhestiyon ng Presidente ng kompaniya.

Naging maganda ang resulta ng meeting pero nagdulot naman 'yon ng pagod sa pinakabatang empleyado ng Reizen Corporation kaya hindi makapaghintay si Elijah na makauwi at makapagpahinga.

Pagpasok nila sa lobby ng Condominium, dumiretso si Elijah sa harap ng elevator. Pagbukas nito, nagulat sila ng biglang may tumalon na maputing pusa mula roon at mabilis na tumakbo papalayo.)

Frederick: < Teka, diba 'yon 'yong pusa ni Sir Elijah? >

Elijah: Sugar??

(Sumunod na lumabas doon ang nag-aalalang ginang.)

Woman1: Hala, pasensiya ka na Elijah. Sinama ko siya dito sa lobby kasi may kukunin akong package na pinadala sa akin at ayaw ko siyang iwanan sa taas pero 'pag... 'pag bukas ng elevator bigla na lang siyang tumakbo.. Sorry, talaga, Elijah..

(Paliwanag ng ginang na nakatira sa apartment malapit kay Elijah at siyang pinag-iiwanan niya kay Sugar kapag umaalis.)

Elijah: No, it's fine. It's not your fault po. I'm sure hindi pa siya nakakalayo. Frederick!!

Frederick: Yes, sir!!

(At mabilis na tumakbo ang dalawa palabas ng comdominum para habulin ang pusa. Naiwang nagtataka ang security guard.)

Elijah: I'll go this way, you go that way.

(Naghiwalay ng landas ang dalawa dahil wala silang nadatnang pusa sa labas at hindi nila alam kung saan ito dumaan. Gabi pa naman kaya madilim sa labas kahit na may mga streetlights sa paligid.)

Frederick: <Saan naman kaya nagpunta ang pusang 'yon? Pagod na pagod na nga si Sir Elijah tapos makikipag-hide-and-seek pa. Tsk. Tsk. 'Yan ang dahilan kung bakit ayaw kong kumuha ng alagang hayop, eh. Pahirap lang sa buhay.>

(Aniya habang tinatawag ang pangalan ng pusa at sinisilip sa mga katabing damuhan. May malapit na bakanteng lote sa condominium kaya pumunta siya doon dahil baka doon ito nagtago. Pagdating niya sa lugar, may narinig siyang boses ng babae.)

Girl1: Oh, bakit ka andito? Paano ka nakalabas?.... Oi, huwag kang lalapit sa akin. Nasabi ko na sayong may allergic ako sa pusa, diba? Shoo, shooo. Wala akong dalang pagkain. Shoo..

(Hinay-hinay na lumapit sa Frederick sa lugar na 'yon. May nakita siyang babaeng nakasandal sa isa mga puno at nasa harap lang si Sugar. Madilim ang paligid kaya hindi niya masyadong makita ang mukha nito lalo na't natatakpan ang mukha nito ng hood na suot na jacket. Kung hindi 'to nagsalita siguro hindi niya mapapansin kasi nakasuot pa ito ng maitim mula ulo hangga't paa. At saka isa pa, ano kayang ginagawa nito rito?
Ang alam niya walang pumupunta rito dahil madilim sa paligid. And more importantly, bakit parang kilala ng pusa ang babaeng 'to? Sa pagkakaalam niya, ang hirap alagaan ng pusang 'yon kasi masungit sa mga strangers pero ngayon... )

Girl1: Hay naku, bumalik ka na sa inyo. Baka may naghahanap na sayo niyan..

Frederick... Um... excuse me, miss---

Elijah: Frederick! Nahanap mo na ba si Sugar?

(Napalingon si Frederick sa kaniyang likuran.)

Frederick: Um, oo, sir, kaso lang...

Elijah: .......

(Napakunot-noo si Elijah.)

Elijah: ...... Amisa?

(Sinundan ni Frederick ang tingin ni Elijah. Amisa? Sinong Amisa?.. )

Elijah: Amisa! Ikaw nga!!

(Isang malawak na ngiti ang nakita sa mukha ni Elijah at excited na lumapit sa babae. Nagtaka tuloy si Frederick. Um... magkakilala pala sila? Relative? Friends?? Pero first time niyang nakita ang boss na ganito ka-excited.

Alam mo 'yon, 'yong parang batang nakakita ng gustong laruan sa mall. Siguro close sila at ng babaeng 'to.. Hmmm..

Pagkakita ng pusa kay Elijah, mabilis itong lumapit sa amo. Binuhat naman ito ni Elijah at niyakap.)

Elijah: Andito ka lang pala, Sugar. Good thing Amisa found you.

(At mas lumapit pa siya sa kaharap na nakasandal sa puno. Inalis ni Amisa ang hood ng jacket at tiningnan ng diretso si Elijah.)

Amisa: ...... 'Yo..

Elijah: .....

Elijah: Bakit hindi ka pumasok kanina? And you look pale. Masama ba pakiramdam mo? Kaya ka ba nag-absent?

Amisa: Pshh, kailan pa ako nagkasakit? Ako ang klase ng taong hindi tinatamaan ng sakit, tandaan mo 'yan. Malakas kaya ang resistansiya ko.

(Napatawa ng mahina si Elijah pero naglaho rin agad.)

Elijah: Then, why?....

Amisa: Wala, tinamad lang pumasok kaya natulog na lang ako buong araw. Kaso pag-gising ko, nabored rin ako dahil walang magawa kaya lumabas na lang ako and here I am.

Elijah: That's good to hear. I thought kasi may nangyaring.... Anyway, it's been... I don't know, almost 24 hours---

Amisa: Mali. 23 hours pa lang since the last we saw each other.

(Nagulat si Elijah.)

Elijah: ... You've been counting, too...

Amisa: H-ha?? Hindi, ah! Nagkataon lang na alam ako. Ba't ko naman bibilangin ang oras na magkahiwalay tayo. Pshhh, that's stupid.

(Pero napangiti pa rin si Elijah. Kung hindi lang madilim sa paligid, siguro napansin ni Amisa ang pagba-blush nito.)

Elijah: I don't know but.. I missed you, Amisa.. I really missed you...

Amisa: ......

Amisa: Me, too, stupid... Me, too....

(Kitang-kita ni Frederick kung paano nabahiran ng lungkot ang mukha ng babaeng kausap ni Elijah. )

----

Wala ka talagang alam, Elijah. Tsk, tsk.

Alam niyo, minsan, sa buhay natin akala ng mga tao masaya tayo, 'yong tipong walang pinoproblema kasi parati daw nakangiti... 'Yon pala, kapag mag-isa o kaya kapag matutulog na at nakapatay na ang ilaw, iiyak na lang kasi hindi na kayang itago ang nararamdamang sakit at hirap....

♣♣Thank you for reading. 😉 Don't forget to vote and follow A. Michalski. ♣♣

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon