Unknown: Ano pong kailangan nila?
(Binitiwan ni Inspector Arthur ang doorknob at mabilis na lumingon sa kaniyang likuran upang makita kung sino ang nagsalita.
Isang lalaking kasing-tangkad niya at nakasuot ng makapal na eyeglasses ang nakatingin sa kaniya ngayon.
Base sa pananamit nito, mukhang doktor sa hospital na ito dahil nakasuot ng maputing hospital robe.)
Arthur: Hinahanap ko kasi 'yong kasama ko na dumaan rito at sa tingin ko ay pumasok sa silid na 'to kaya hahanapin ko sana sa loob kung pwede.
(Sagot niya at tinuro ang kalapit na silid.)
Doctor: Hmm, sigurado kayo? Iniwan ko kasing naka-lock 'tong pinto bago ako umalis kanina kaya impossible siyang makapasok diyan.
(Sabi nito at umabante sabay lapit sa pintuan ng silid. Siya naman ang humawak sa doorknob at ipinakita sa kaniya na hindi niya mabuksan dahil naka-lock. Nilabas pa nito mula sa bulsa ng suot na hospital robe ang maraming susi at ipinakita sa kaniya.)
Doctor: Especially kung ako lang ang nakahawak ng original maging ang mga duplicate na susi. Sure talaga kayo na dito siya pumasok?
(Lumingon ito sa hallway at tiningnan ang iba pang dalawang silid.)
Doctor: Baka diyan sa dalawa siya pumasok o kaya naman ay dumaan doon sa emergency exit.
Arthur: May emergency exit dito? I thought dead-end na 'to.
Doctor: Not really. Kung papasok ka doon sa pinakahuling silid, may pintuan doon na pwedeng daanan paakyat at pababa. We usually use it lalo na kung masyadong crowded doon sa main hallway, na sa gayun ay hindi kami maantala lalo na kung may emergency.
(Sinilip ni Arthur ang nabanggit na silid at napagtanto niyang totoo ngang may emergency exit doon. Totoo nga talagang doktor ng hospital na 'to itong kasama niya dahil alam nito ang pasikot-sikot rito kaya wala naman sigurong dahilan para paghinalaan pa niya ito.)
Doctor: Pasyente ba ang kasama niyo?
Arthur: Oh, hindi po. Kasamahan ko lang sa trabaho.
Doctor: That's relief. It would be a problem kasi if may nawawalang pasyente. Gusto niyo tulungan ko kayong ireport sa nurse station ang tungkol sa kasama niyo para mai-announce nila at mahanap niyo siya kaagad. Mukha kasi kayong nagmamadali, eh.
Arthur: Ah, hindi, salamat na lang. I'm sure andiyan lang siya sa tabi-tabi. Thanks for your help, doc.
Doctor: It's my pleasure to help.
(At tinalikuran na niya ito upang pumunta doon sa huling silid at para bumaba sa emergency exit sa pagbabakasaling maabutan pa niya ang babaeng hinahabol. Pero bago siya pumasok roon, sinilip niya ulit ang doktor.
Nilabas nito ulit ang mga susi at ginamit sa doorknob. Nakita niyang nabuksan ang pinto at sandali niyang nakita ang loob although hindi masyado dahil nakapatay ang ilaw.
Hindi na siya nag-usyoso pa at tumuloy na rin sa emergency exit.)
☘☘
(Kahit na nakatalikod, alam ni Dr. Vince na nakatingin sa kaniya ang pulis habang binubuksan niya ang pinto kaya nilabas niya ang umano'y susi. Kunwari ay pinasok niya sa doorknob kahit na hindi naman kailangan dahil hindi naman talaga nakalock ang pinto.
Pumasok siya sa loob at nang masigurong nakaalis na ang pulis, saka lang niya sinara ang pinto at nilock. Sa likod ng pintuan, nakita niya si Amisa.)
Amisa: Paano mo nalamang andito ako? And how did you even know na may emergency exit doon?
Dr. Vince: Diba dapat magpasalamat ka muna sa akin because I just saved your ass bago mo ako bombahan ng maraming tanong? Tsk, parehong-pareho talaga kayo ng ugali ni Inspector Gascon.
BINABASA MO ANG
97 Days
Novela JuvenilGaano mo kakilala ang bestfriend mo? Sigurado ka bang tama ang mga alam mo tungkol sa kaniya? Paano kung ito'y ilusyon lamang? Saksihan ang typical na buhay ng mag-bestfriend na sina Amisa at Elijah. Pero habang-buhay ba silang ganito? Anong pwede...
