Day 2 (b)

1.1K 24 28
                                    


(Natapos nang mailagay ni Elijah ang mga gamit niya sa loob ng kaniyang bag at handa na siyang umalis. Napatingin siya sa bakanteng upuan na kani-kanina lang ay okupado ni Amisa.)

Girl: Eli!... Elijah. Earth to Elijah!

(Nagulat siya. Hindi man lang niya napansin na napapaligiran pala siya ng mga kaklase niyang babae at kanina pa kinukuha ang attention niya.)

Elijah: Oh, um,..... Yeah.. Yeah..

Girl2: Talaga? Sasama ka sa amin sa party? Yehey!

Elijah: Um, pardon? Anong party?

Girl3: Diba nabanggit na namin sa'yo last week? 'Yong about sa birthday party ni Chloe.

Elijah: Oh, I remember. Tonight na ba 'yon?

Girl4: Oo, at magtatampo si Chloe 'pag di ka pumunta. Sige ka.

(Napatingin ulit si Elijah sa bakanteng upuan. Ni hindi man lang siya hinintay ni Amisa kahit na sinabi na niyang sasabay siya. Hindi tuloy niya maiwasang...)

Girl1: Sige na, Eli. Please!

Elijah: ........... Sure, I'll go.

(At ngumiti siya ng pagkatamis-tamis na karaniwan niyang ginagamit sa mga babae pero naglaho din 'yon agad-agad.)

Girl2: Yes! It's party time!!

( Kinuha na ni Elijah ang bag niya at nagsimula nang maglakad patungo sa labasan ng classroom. Palabas na sana siya ng pinto nang magvibrate ang kaniyang phone.)

From Amisa:

Oi, naligaw ka ba o ano? Kanina pa ako naghihintay rito! Ang dami pang lamok oh. Pag ako magka-dengue, ikaw magbabayad ng hospital bills ko. At doble pa!! So, get your ass here already, you dumbass!!

(Nanlaki ang mga mata ni Elijah sa nabasang text.)

Elijah: <Amisa is....... Amisa is waiting for me......>

Girl2: Elijah, are you okay?

Elijah: Um.. Sorry, girls. Something important came up so, next time na lang.

(At mabilis siyang lumabas.)

Girl3: What??? Elijah, teka!!!!

Elijah: Send my birthday greetings to Chloe!

(At tumakbo siya ng mabilis patungo sa hagdanan.)

Amisa is waiting for me!

Kahit siya hindi niya alam kung bakit siya tumatakbo. Mas lalong hindi rin niya alam kung bakit ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya.

Basta ang alam niya, hinihintay siya ni Amisa.... Ni Amisa....

Ng walang iba kundi si Amisa.....

And this time, napangiti na naman siya. Isang ngiti na naka-reserve para lang sa bestfriend niya.)

Instructor: Mr. Elijah, no running in the hallway!!

Elijah: I know!! Bye, sir!!

( Pero nakangiti pa rin siyang tumatakbo at mas bumilis pa.)

From 5th foor..

Down to 4th floor..

3rd floor..

2nd floor..

And finally, 1st floor.

Tumingin siya sa paligid at nagbabasakaling makita si Amisa while catching his breathe. Pinagtitinginan na siya ng mga tao. May tumatawag din sa pangalan niya pero hindi niya narinig. Mas lumawak lang ang ngiti niya ng makita sa wakas ang nakatalikod na anyo ni Amisa sa main gate.

Pero this time, hindi siya tumakbo. Sa bawat hakbang niya papunta sa gate, ang dami-daming gumugulo sa isipan niya. Ano 'to? Ano 'to?

Pero nalaman din niya ang sagot sa tanong niya ng biglang lumangon si Amisa.

Ahhhh, this is bad.

Really, really bad...)

Amisa: Oi, bakit ngayon ka lang? Sa sobrang tagal mo napatay ko na lahat ng mga lamok dito, oh!

(Napapikit si Elijah.)

Amisa: Hey, okay ka lang? 'Wag mong sabihing... Magkaka-dengue ka...

(Minulat din niya ang kaniyang mga mata at ibinalik ang matamis na ngiti saka lumapit hangga't sa isang metro na lang ang layo nila sa isa't-isa.)

Elijah: Thank you for waiting for me, Amisa.

Amisa: .................... Idiot, marunong din akong maghintay, no. Tara na, manlilibre ako.

(At tumalikod na ito at nagsimulang maglakad.....

.....na hindi man lang narinig ang huling sinabi ni Elijah.)

----


97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon