(Sa loob ng university clinic,
Pagpasok ni Amisa, diretso siyang umupo sa paborito niyang higaan at pinagmasdan ang bawat kilos ni Vincent. May kinuhang maitim na malaking envelope sa drawer ang batang doktor bago sa kaniya lumapit.)
Dr. Vince: Sigurado ako, narinig mo na ang balitang unti-unti nang inuubos ang matataas na opisyal ng HJ Corporation.
Amisa: ......
Dr. Vince: Pero I'm sure hindi mo pa narinig na may koneksiyon sila sa Reizen Corporation.
Amisa: Anong ibig mong sabihin?
Dr. Vince: Ang tatlong pinatay kasama na ang kasalukuyang nawawala ay mga bagong investors ng Reizen. Siguro iisipin mo na hindi naging maganda ang paguusap nila kaya hindi nasiyahan ang malaking kompaniya tulad ng Reizen at ipinaligpit na lang ang mga executives ng bagong kompaniyang HJ Corporation dahil wala rin naging silbi ang mga ito sa kanila.
Pero ang katotohanan ay, successful lahat ng transactions nila. Kaya kung iisipin mo, ang mga pangyayaring 'to ay makakasama rin sa Reizen kaya bakit nila gagawin 'yon? Bakit nila ititigil ang bagay na pinaghirapan nila?
Ang suspetsa ko ay miyembro lang ng Grande Family ang may pakana nito. Sila lang naman ang maglalakas loob na gawin ito sa Reizen Family.
Kung interesado ka, andiyan ang personal information ng mga biktima kasama na ang mga nawawala.
(Binuksan ni Amisa ang envelope at binasa ang mga naunang files.)
Dr. Vince: Pero hindi 'yan ang dahilan kung bakit kita pinapunta rito....
Hindi HJ Corporation lang ang biktima ng sunod-sunod na mga pagpatay. Inambush last week ang convoy ni Asami habang siya'y nasa Germany..........
Sugatan siya ngayon.
(Gulat na napatingin si Amisa kay Dr. Vince.)
Dr. Vince: Ang narinig ko, hindi naman kritikal ang condition niya. Pero sinisekreto nila ang nangyari sa publiko at maging sa grupo. Kung kilala nila ang may gawa nun, siguro hanggang ngayon gumaganti pa rin sila.
Amisa: They must be good kung nagawa nilang makalapit kay Asami.
Dr. Vince: That's right. So, from this information, masasabi nating may nagtatangkang siraan sa publiko ang Reizen Corporation at may lakas na loob na magsimula ng digmaan laban sa miyembro ng Reizen Family at---
Amisa: Eh, ano ngayon?
(Si Vincent naman ngayon ang nagulat.)
Amisa: Ipinatawag mo ako rito para lang sabihin 'yan? Anong klaseng biro 'to?
Dr. Vince: Ang akala ko..... You'll be interested on--
Amisa: Anong inexpect mo? Na gagawa rin ako ng aksiyon at tutulong sa kanila? Sinong niloloko mo, ha?
Dr. Vince: ......
Amisa: Sinong paulit-ulit na nagsabi sa akin na umalis ng grupo? Sinong nagbigay ng payo na magbagong buhay ako at mamuhay ng normal?....
SABIHIN MO SA AKIN KUNG SINO!!
Dr. Vince: I'm... I'm sorry, Amisa....
(Tumayo si Amisa at itinapon sa direksiyon ni Vincent ang maitim na envelope.)
Amisa: Ito na ang huling pagkakataong pag-uusapan natin 'to... Please, don't make me regret things....
(Aalis na sana siya pero napatingin siya sa nakabukas na envelope at sa mga papel na nahulog sa sahig. Nanlaki ang mga mata niya nang makakita ng isang stolen photo ni Elijah.)
BINABASA MO ANG
97 Days
Teen FictionGaano mo kakilala ang bestfriend mo? Sigurado ka bang tama ang mga alam mo tungkol sa kaniya? Paano kung ito'y ilusyon lamang? Saksihan ang typical na buhay ng mag-bestfriend na sina Amisa at Elijah. Pero habang-buhay ba silang ganito? Anong pwede...