Day 18 (a)

512 16 3
                                    


( Sa loob ng tahimik na main library ng Han Leo University (HLU), nakatambay si Gina kasama ang kaniyang mga kaibigan. Kung ang akala mo ay andito sila para mag-aral, mali ka. Dalawa nga sa kanila, nagbabasa ng gossip magazine habang ang isa ay busy sa paglalaro sa kaniyang cellphone. Naiiba naman si Gina dahil hindi matukoy kung sa mga bookshelves siya nakatingin o sa matandang librarian na wala nang halos ngipin. Basta nakatunganga lang siya at malalim ang iniisip.)

Girl1: Hey, saan tayo maglu-lunch mamaya? Sa canteen o sa labas?

Girl2: Parang nasa mood ako ngayon para kumain ng Lasagna.

Girl1: Pupunta pa tayo sa malayo kung ganun? Sa canteen na lang para mas malapit.

Girl3: Pero sawang-sawa na ako sa mga ulam ng canteen.. 😞

Girl2: Ikaw, Gina? Saan mo gusto?

Gina: ......

Girl1: Oi, Gina!

Gina: Hindi ko talaga magets. Lumipas na ang tatlong araw pero hindi pa rin ako pinupuntahan at kinakausap ni Amisa. Wala ba siyang balak na ibalik 'yong motorsiklo ko? Hinahanap na kaya 'yon sa akin ng pinsan ko. Bakit parang ako pa ang lumalabas na nag-aanticipate na kausapin niya ako? Hindi ko talaga maintindihan. At saka until now, hindi ko pa alam kong bakit siya absent nung Monday...

(Natigil sa ginagawa ang mga kasama niya at napatingin sa kaniya.)

Girl1: For sure, supposed to be sa sarili mo lang 'yan dapat sinasabi at not meant to be na marinig ng ibang tao.

Girl2: Geez, Gina.. Anong pinagsasabi mo diyan? At saka anong motorsiklo ang tinutukoy mo?

Girl3: You're really acting weird, gurl. Si Amisa na lang ang nilalaman ng isip mo.

Gina: Hmp, hindi naman kayo nakakatulong, eh. Diyan na nga kayo.

Girl2: Wait, Bes, saan ka pupunta?

Gina: Balik ako mamaya. Kayo na lang maglunch.

(At iniwan na niya ang mga kaibigan sa library.)

Girl1: Parang alam ko na kung saan siya pupunta. Hay, naku...

Girl2: Ha? Saan? Kay Elijah??

Girl1: (Umiling siya at tiningnan ng seryoso ang mga kasama.)

Walang iba kundi sa apartment ni Amisa. Pustahan tayo.

Girl3: Oh my, talaga?? She's really obsessed with her.

Girl1: Sinabi mo pa..

(Pero tama nga sila. Ang apartment nga ni Amisa ang destinasyon ngayon ni Gina. Mamayang hapon pa kasi ang klase ni Amisa kaya hindi pa ito mahahanap sa Universidad. Kaya walang choice si Gina kundi ang pumunta mismo sa bahay nito.

Pero as usual, pagdating niya roon ay nasa labas lang siya ng apartment complex at hindi makapasok. Hindi naman sa hindi siya makapasok. Ayaw lang kasi niyang pumasok dahil nahihiya siyang i-approach si Amisa. Kaya nga siya naiinis dahil paano naman niya maitatanong rito ang tungkol sa hiniram nitong motorsiklo kung hindi niya ito kakausapin? Pero diba si Amisa dapat ang unang lalapit sa kaniya dahil ito ang nanghiram? Diba? Diba?

Kaya bakit siya rito ngayon nasa gilid ng bakery at parang stalker na nagmamasid sa 4th floor ng apartment building? Mali talagang pakinggan eh when supposed to be ay—

Gina: Teka, ngayon ko lang nakita ang Bakery na 'to ah. Last time na pumunta ako rito, bakante ang stall na 'to.

(Aniya at sinilip ang loob ng nasabing Bakery. Oohh, not bad. Hindi masyado malaki ang space pero base sa dami ng customer nila ngayon, mukhang patok naman.

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon