Day 7 (b)

711 19 5
                                    


(Dahil walang pasok tuwing Linggo, ang ibang estudyante ay gumagala para makapag-relax naman daw  at makalimutan ang stress sa pag-aaral. Tulad na lang ni Louis na  nag-mall kasama ang mga kaibigan. Palabas na ang grupo niya mula sa mall nang magpaalam ang isa sa kanila na manigarilyo muna sa smoking area.)

Louis: Bakit parang andaming babae doon sa smoking area? Anong pinagkakaguluhan nila doon?

(Nakita nila na sa likod ng kaguluhan, may isang matangkad na lalaking nakasandal habang naninigarilyo.)

Friend1: Teka, mukhang si Elijah 'yon ah.

Friend2: Oi, siya nga!

Friend3: Grabe talaga siya, oh. Wala naman siyang ginagawa pero tingnan niyo, pinagkakaguluhan na. Iba talaga kapag guwapo.

Friend1: Siya lang ang taong kayang gawing 'cool' ang paninigarilyo. Ibang level talaga siya, bro.

Friend4: Bakit parang nainis ako bigla? 😒

Friend2: Oo nga eh, nakakainggit talaga siya. Tsk.

Louis: Oii, Elijah!!!!

(Himala at narinig siya ni Elijah kahit na maingay sa paligid. Napangiti naman ito ng mapansin sila. Habang ang mga babae ay natahimik bigla. Parang nakalimutan yata nilang huminga ng makita ang ngiting 'yon.

Tinapon ni Elijah ang sigarilyo at lumapit sa grupo nila.)

Louis: Hey, bro. 'Di ko alam na naninigarilyo ka pala. Ano nga palang ginagawa mo dito?

Elijah: Hmm..'Yong ime-meet ko kasi mamaya ayaw niya ng naninigarilyo kaya I stay here muna until maalis 'yong amoy ng sigarilyo bago ko siya puntahan.

Friend2: Wow, napaka-understanding mo naman. Ako, wala akong pakialam kung ayaw ng iba diyan na naninigarilyo ako.

(Napatawa na lang si Elijah. Pagkatapos nilang magusap saglit, nagpaalam na ang grupo ni Louis.)

Friend3: Sa tingin ko babae ang ime-meet niya....

Friend2: Syota niya, sigurado ako...

Friend1: Ako din, ako din....

Louis: <Pero 'yong girlfriend niya nakita ko nang naninigarilyo before...>

Friend4: Ha? May sinabi ka ba, Louis?

Louis: Ah..um.. wala. Tara, umuwi na tayo..

(Hindi niya ma-gets ang mga huling pangyayari kaya napagpasiyahan na lang niyang kalimutan ang mga 'yon...)

----

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon