Day 9 (a)

671 19 7
                                    


Kriiing. Kriiing.

Professor: Okay, class dismissed.

(Nagsilabasan na ang mga estudyante mula sa classroom. Si Amisa ay handa nang umuwi dahil ito lang ang pasok niya sa araw na 'to.)

Girl1: Amisa, teka!

(Isa sa mga kaklase niya ang humarang sa kaniya bago pa siya makababa ng hagdan.)

Girl1: Bakit absent si Elijah? May nangyari ba sa kaniya? Or baka nagkasakit siya?? OMG! Kahapon kasi ang tamlay-tamlay niya. 'Yon ba ang dahilan?

Amisa: Hindi. May aasikasuhin daw siya kaya hindi siya makakapasok today.

Girl1: Hai, buti naman. Ngayon, makakahinga na ako ng maluwag.

Amisa: Um... Ako, absent ako kahapon..

Girl1: ........

Amisa: ........

Girl1: And??

Amisa: Ah, okay. Never mind. Sige, mauna na ako.

(Iniwan na niya ang babae at nagsimula nang maglakad.)

Amisa: Siguro kung absent ako ng isang linggo, walang makakapansin.

(Napabuntung-hininga tuloy siya.)

Amisa: Nakaka-frustrate naman. Matulog kaya muna ako sa clinic. Kaso baka palayasin na naman ako ni---

Baam!!

Guy1: Oi, miss. Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!

Guy2: Louis, okay ka lang, bro?

Guy3: Ano ba 'yan? Natapon sa damit mo 'yang softdrink..... Oi, okaw. Tingnan mo 'tong ginawa mo, oh.

Amisa: <Hindi naman ako ang nakabangga sa kaniya, ah, kung 'di 'yong lalaking nasa unahan ko. Ang layo ko kaya sa inyo. 'Yong may kagagawan niyan kanina pa nauna. Hai, malas ko talaga.>

(Kumuha siya ng tissue mula sa bag at lumapit kay Louis.)

Guy2: Oi, oi. Anong gagawin mo?

(Nagsimulang punasan ni Amisa ang damit ni Louis sa may bandang dibdib. Nagulat na lang ang mga kasama nito.)

Amisa: Oh, ayan. Tapos na. Hindi ako magso-sorry dahil hindi naman ako ang may kasalanan. Kung ayaw niyong maniwala, may CCTV diyan oh. I-check niyo kung gusto niyo.

(Sabay-sabay na napatingin ang grupo  sa taas at nakita nilang may CCTV nga.)

Guy1: Pero baka naman....... Oi, saan na nagpunta 'yon? Bigla siyang nawala.

Guy2: Umalis na yata. Tsk. Pabayaan na lang natin. Diba, Louis?

Louis: ..............

Guy3: Oi, bro! Bakit ka nagba-blush diyan??!

Louis: <walks out while blushing>

Guy2: Anyare dun??

(Naiwang nagtataka ang mga kasama ni Louis. )

----

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon