Day 18 (c)

381 18 3
                                    


(Tumigil ang isang magarbong sasakyan sa pedestrian lane nang mag-red ang traffic light at sinilip ng nagmamanehong si Frederick ang kaniyang boss na nakaupo sa likuran.)

Frederick: Sir, bakit hindi muna kayo mag-lunch since andito rin lang naman tayo sa commercial center ng Center Point?

Elijah: No, it's okay. Sa school na ako maglu-lunch.

Frederick: Kayo po ang masusunod.

(Ibinalik na lang ni Frederick ang atensiyon sa traffic lights pero napansin niya ang babaeng pinapaligiran ng maraming tao sa sidewalk malapit sa kanila.)

Frederick: May kaguluhan ba?

(Napalingon rin si Elijah sa tinitingnan ng kaniyang Secretary.)

Elijah: Kaguluhan saan?

(Napansin rin niya ang maraming tao sa tapat ng bakery kung saan may babaeng nakaupo sa sidewalk at mukhang nasaktan---)

Elijah: Gina???

(Nagulat siya nang makilala ang kaniyang pinsan.)

Frederick: Kilala niyo ho, sir?

Elijah: I-park mo 'yong kotse sa tabi, ngayon na!

Frederick: Ye-yes, sir.

(Hindi alam ni Frederick kung bakit pero pinark pa rin niya ang kotse sa gilid ng kalsada. Pagkatigil ng kotse, mabilis na lumabas si Elijah at pinuntahan si Gina.)

Elijah: Gina, what happened?! Are you alright?

(Nagulat si Gina nang biglang sumulpot sa harap niya si Elijah.)

Gina:.....

Gina: O-okay lang ako... Pero anong ginagawa mo rito, Elijah?

(Palihim siyang sumilip sa paligid upang hanapin si Amisa. Shit, lagot siya 'pag malaman ni Elijah na magkasama sila ni Amisa kani-kanina lang. Baka ma-boking nito na sinusundan niya si Amisa!

Habang si Elijah naman ay napansin ang nakatumbang motorskilo at ang cake na kumalat sa sidewalk.)

Elijah: Ano palang nangyari dito?

Gina: Ahh.. wala lang.. nadapa lang ako at--

Babae: May holdaper kasing hinahabol ng pulis at tinangkang kunin ang motor nitong kasama mo. Kaso nanlaban siya kaya heto, nasaktan habang 'yong holdaper eh ayun, nakatakas na.

(Tahimik na napamura si Gina nang biglang sumagot ang isa sa mga bystanders. Aish, ano ba 'yan? Hindi ba nila makitang nagdadahilan siya?? Susme!)

Elijah: What?? Come with me, I'll take you to the hospital.

Gina: Hindi! Hindi na kailangan! Okay lang ako. Hindi naman ako nasaktan, eh, promise!

(Lumabas ang isa sa mga tindera ng bakery na dala-dala ang isang mug at resibo. May hinanap siya sa paligid pero nang hindi niya makita ang pakay, si Gina ang kinausap niya.)

Girl1: Excuse me, miss. Kayo po ba ang kasama nung customer na babaeng bumili ng Black Forest na cake?

Gina: H-ha??

Girl1: Nanalo ho kasi siya ng mug as a prize. Maganda po 'to, limited edition pa nga po, eh. Pakibigay na lang po kay Miss....

(Tiningnan niya ang dalang resibo at binasa ang pangalan ng customer.)

Girl1: Miss... Amisa. Oo, kay Miss Amisa po. Pakibigay na lang po 'to sa kaniya kasi sayang naman kung hindi niya kukunin.

(Napalunok si Gina nang makita niyang nagbago ang expression ni Elijah.)

Elijah: Amisa? Kasama mo si Amisa kanina when this incident happened?

Gina: Um.., kasi Elijah....

Elijah: Nasaan siya?

(Tumingin sa paligid si Elijah at hinanap si Amisa.)

Gina: Si Amisa ay...um...

Elijah: Answer me! Where is Amisa?!!

----

Thank you for reading 97 Days! 😉

Sorry kung maikling chapter lang 'yong update ngayon pero next time, mahaba na, promise. 😀😁

Enjoy your holidays. 🎉💃

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon