(Hindi ka na sana nabuhay! Mamatay ka na!
Malakas na boses ng babae ang sumigaw sa kanang tainga ni Amisa kaya naimulat niya agad ang kaniyang mga mata. Pagtingin niya sa kaniyang kanan, wala siyang nakitang babae o kahit sino man. Naglaho na rin ang pamilyar na boses at tanging mabilis na paghinga na lang niya ang tanging naririnig sa paligid.
Guni-guni lang pala.....
Napalunok siya dahil pakiramdam niya parang hindi siya nakainom maghapon sa sobrang tuyo ng kaniyang lalamunan. Ngayon lang din niya narealize na pinagpapawisan pala ang noo niya. Maging ang mga palad ng kaniyang kamay ay nanlalamig at basa sa pawis. Typical na nangyayari sa kaniya paggising niya mula sa isang nakakatakot na bangungot.)
Dr. Vince: Amisa, okay ka lang?
(Mabilis siyang napalingon sa doktor na nasa harap pala niya at hindi man lang niya napansin. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sahig at pinunas ang basang palad sa kaniyang pants.
Bakas sa mukha ng batang doktor ang pag-aalala kaya agad siyang umiwas ng tingin bago pa nito mabasa ang takot sa kaniyang mga mata.
Takot? Si Amisa marunong din matakot? Huh, tatawa ng malakas ang dating mga kasamahan niya sa Triangulo 'pag marinig nila 'yon dahil sa pagkakaalam nila, walang kinatatakutan si Amisa Ansel. Wala. Pero ang hindi nila alam......
Tumingin na lang si Amisa sa paligid at hinanap ang natitira nilang kasama na si Charlie. Andito sila ngayon sa dating headquarter ng sub-unit na pinamumunuan niya sa ilalim ng grupong Triangulo. Dati 'yon pero hindi na ngayon. Dahil nabuwag ang sub-unit nang umalis siya sa grupo, inabandona na ang kutang bagama't maliit ay maituturing na tahanan.... kahit nang sa mga oras na 'yon ay temporaryo lamang.
Andito pa rin ang mga furniture at fixtures na bagama't naliligo sa alikabok ay buhay na buhay pa rin. Ang maputing sofa na nakalaan para sa leader ay andun pa rin at hanggang ngayon ay walang naglalakas-loob na umupo roon sa takot na baka mahuli sila ng masungit na pinuno. Pero ang nakapagtataka ay wala ka man lang makikitang alikabok o dumi sa mga katabi nitong sofa. Na para bang may gumamit nun kani-kanina lang.
Sumandal si Amisa sa dingding at huminga ng malalim. Napahawak siya bigla sa kaniyang kanang tainga dahil biglang humapdi mula sa natanggap na malakas na sigaw kanina... kahit na alam niyang pinaglalaruan lang siya ng kaniyang isip. Mukhang may problema na rin yata sa pandinig niya dahil parang ang lakas-lakas ng bawat tunog na dumadaan sa kaniyang mga tainga. Tulad ngayon, malayo sa kaniya ang nakakabit na wallclock pero parang tunog ng kampanilya ng simbahan ang bawat paggalaw ng daliri ng orasan. Napapikit tuloy siya.
Hindi na niya kailangang tingnan ang orasan na 'yon para malaman kung anong oras na dahil alam niyang ilang minuto mula ngayon ay sisikat na ang araw. Aware rin siya na maghahalos-isang oras na sila rito at eksaktong isang oras at kalahati mula nang tambangan nila ang convoy ng ambulansiya at bawiin ang bangkay.
Ang bangkay.......
Nagsibalikan tuloy kay Amisa ang memorya ng mga pangyayari kahapon. Ang inakala niyang karaniwan lang na araw ay nauwi sa isang trahedya. Naglaho ng tuluyan ang isa sa sa mga taong pinagkakatiwalaan niya. Wala na at hindi na niya kailanman masisilayan.
Sa kabila ng dingding kung saan siya nakasandal, matatagpuan ang silid kung saan nakalaylay ang bangkay ni Casper. Mula ng ibaba mula sa sasakyan hangga't sa mapuwesto sa loob ng headquarter ang katawan nito, hindi niya hinawakan o tinapunan man lang ng tingin.
Wala kasi siyang karapatan na dumihan pa ang bangkay nito. Tama na.. sapat na ang mga nagawa niya. Hindi na kailangan pang madagdagan ang mga pagkukulang niya kay Casper.)

BINABASA MO ANG
97 Days
Fiksi RemajaGaano mo kakilala ang bestfriend mo? Sigurado ka bang tama ang mga alam mo tungkol sa kaniya? Paano kung ito'y ilusyon lamang? Saksihan ang typical na buhay ng mag-bestfriend na sina Amisa at Elijah. Pero habang-buhay ba silang ganito? Anong pwede...