Day 22 (a)

274 11 9
                                    

(Pumasok ang isang pulis sa opisina ng Cyber Crime Division at nilapitan ang kanilang chief na si Inspector Arthur.)

Police1: Sir, ito na po 'yong pinapakuha niyong profile ng mga nag-internship sa FontCarlo General Hospital.

Arthur: Salamat. Sige, makakaalis ka na.

Police1: ........

Arthur: May kailangan ka ba? Bakit andito ka pa?

Police1: Ah, pasensiya na kayo, sir. Medyo nagtataka lang ako. Mukha kasi kayong abalang-abala kahit na hindi naman malaki ang kasong hawak natin ngayon. Tapos, maaga na rin kayong pumapasok. Tulad na lang ngayon, alas-kuwatro pa lang andito na kayo. Nakakapanibago lang, ahahaha....

Arthur: Wala naman sigurong masama kung simulan ko ang trabaho ko ng mas maaga lalo na kung wala rin naman akong magawa sa bahay, hindi ba?

Police1: Ta-tama po kayo... Um, sige, sir, maiwan ko na kayo...

(Binalewala na lang ni Arthur ang komento ng kaniyang subordinate at chineck ang natanggap na kompletong listahan ng mga kasalukuyan at dating nag-internship sa FontCarlo General Hospital.

Na-realize niya kasi, kabisado ng isa sa dalawang pinagsu-suspetsahan niyang miyembro ng Triangulo ang hospital. Hindi ang babaeng una niyang hinabol na nakasalubong niyang nanggaling sa morgue ang tinutukoy niya dahil nasukol nga niya ito sa isa sa mga silid. Hindi nito alam na may emergency exit stairs malapit roon. Hindi tulad ng kasabwat nitong lalaking nagpanggap na doktor ng hospital na siyang nakapagsabi sa kaniya na may daanan pa pala roon.

Kaya nga chineck dati ni Arthur ang listahan ng mga empleyado ng hospital dahil para talaga itong totoong doktor ngunit nabigo siya at wala siyang nahanap na tumutugma sa character ng nasabing lalaki.

Pero ngayon, sigurado siya, kung hindi ito kasalukuyang empleyado, malamang dati na itong nakapagtrabaho roon o kaya'y.... dating intern ng nasabing hospital.

Tiningnan na ni Inspector Arthur isa-isa ang bawat resume ng mga interns. Francis Castillo, Julio Y Crisostomo, Vincent Andre... Raymond Cruz....

........

Nakarating na si Arthur sa dulo ng compilation ng resume pero hindi pa niya nakikita ang lalaking miyembro ng Triangulo. Anong ibig sabihin nito? Nagkamali siya? Hindi talaga nakapagtrabaho o nakapag-intern man lang sa FontCarlo General Hospital ang pekeng doktor na 'yon?

Nakaka-frustrate naman. Akala pa naman niya malapit na niyang ma-identify ang pagkakakilanlan ng dalawang Triangulong 'yon. Ngunit mukhang mahihirapan yata siya, ah. Well, hindi basta-basta ang grupong 'yong in the first place para maliitin. Kaya nga hanggang ngayon, ni kahit isa wala pang nahuhuli ang pulisya na miyembro ng Triangulo. May na-corner na nga si Gascon, patay pa nang makarating sa kanila.

This challenge....... nakaka-excite naman..)

Arthur: Kung sa Homicide Division ako napunta, siguro araw-araw akong nakakaramdam ng ganitong excitement...

(Muling pumasok sa opisina ang subordinate ni Arthur pero this time ay may dala itong newspaper at tasa ng kape.)

Police1: Sir, baka gusto niyong humigop ng mainit na----

(Natigilan ang pulis nang makitang nakangiti ang boss.

Si Inspector Arthur, nakangiti.... NAKANGITI!! Hoy, anong klaseng panaginip 'to!!!)

Arthur: Oh, nice timing. Balak ko ring mag-break.

(Kinuha ni Arthur ang umuusok na tasa at binasa ang diyaryo.)

Police1: Si-sige p-po, s-sir...

(Paglabas ng nagulat na pulis, agad nitong chinismis sa mga kasama ang nakita pero wala din namang naniwala sa kaniya. Siya daw dapat ang uminom ng kape dahil mukhang hindi pa siya gising at kung anu-ano pa ang pinagsasabi.

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon