Day 14 (b)

637 13 12
                                    


(Muntik nang ibalibag ni Amisa ang cellphone na nasa ilalim ng kaniyang unan nang tumunog ito at binulabog ang tulog niya. Mas nainis pa siya nang makitang si Dr. Vince lang pala ang tumatawag. )

Amisa: Yellow... 😑

Dr. Vince: Kakagising mo lang, ano? Wish ko, sana naubusan ka ng kape. Hahaha!

Amisa: Ginising mo ako para lang sabihin 'yan? Wow, ang bait mo. Sobra. FYI, matagal nang naubos ang kape ko. Pero ngayon may endless supply na ako.

Dr. Vince: Huh? Endless supply? At sino namang taong maaawa at magbibigay sa'yo ng kape?

Amisa: Mga kapitbahay ko.

Dr. Vince: .............

Amisa: Yellow. Andiyan ka pa ba? Nadulas ka ba o nahulog sa hagdan?

Dr. Vince: What did you say? Galing sa kapitbahay? Pffft. Multo 'ata 'yong tinutukoy mo o kaya eh imaginary friend. Kailan ka pa naging close sa mga kapitbahay mo? Lumipat ka na, Amisa. Baka tuluyan ka nang mabaliw.

Amisa: Che. Inggit ka lang. Oh, pumiyok ka na. Anong dahilan at napatawag ka?

Dr. Vince: Gusto ko lang namang malaman kung pupunta ka rito sa clinic namin o hindi. Sabi mo kasi last Sunday, manggugulo ka na naman.

Amisa: May gagawin ako kaya hindi ako—

Dr. Vince: YES!!

Amisa: You bastard.... Pwede magpanggap ka naman na nalulungkot kahit papaano? You know, just for my pride. Halatang-halata na ayaw mo talaga akong makita, eh.

Dr. Vince: Ah, sorry. Actually, mami-miss naman talaga kita, eh. Sa panaginip nga lang. 'Yong bangungot na panaginip at--

Amisa: I'll kill you, you bastard—

Dr. Vince: HAHAHA! Anyway, saan kayo pumunta kahapon?

Amisa:........ 'Kayo'?

Dr. Vince: Hindi mo na kailangang i-deny. Nakita ko kayong dalawa na umalis ng school. Ikaw at ang bestfriend mong si Elijah.

(Matagal bago nakasagot si Amisa.)

Amisa: Binisita namin..... si Papa.....

Dr. Vince: ...!

Dr. Vince: Sinama mo siya sa sa burial place ng...... Alam ba niya kung anong lugar ang pinuntahan niyo kahapon?

Amisa: .....

Dr. Vince: I see.. Siguro ayaw mo nang marinig 'to pero, I'm really sorry for what I said yesterday.

Amisa: Hindi ko alam ang sinasabi mo. May pinagusapan ba tayo kahapon?

Dr. Vince: ...... Okay... Okay....Tama ka. Wala nga tayong pinagusapan kahapon. Ahem, well, then, I'm happy dahil naistorbo ko ang tulog mo. Huwag kang magpagabi. Gamitin mo ng maayos ang free time mo. If wala ka din namang masyadong gagawin, mas mabuti siguro kung magpahinga ka na lang. Don't think na hindi ko alam kung saan ka pumupunta kapag gabi.

Amisa: Ayaw ko talaga ng kaibigang doctor. Andaming sinasabi.

Dr. Vince: I'm your doctor, after all. Haha! Okay, enjoy your Sunday, Amisa.

Amisa: Hmm..

(At doon nagtapos ang usapan nila. Sumagi na naman sa isip niya ang mga nalaman kahapon kahit na pinagpipilitan niyang walang nangyari. Pero dahil pagod siya para mag-isip pa, pinilit niya ang sariling bumangon para ma-distract kahit papaano.

Naalala rin niyang manonood pala sila ng basketball game sa hapon. Napatingin siya sa oras. Alas-onse y media pa. May oras pa siya dahil alas-dos pa ang start ng laro.

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon