Day 14 (g)

519 15 4
                                    


(Pagdating ni Amisa sa university, mabilis siyang pumasok sa gate nang hindi pinansin ang nakabantay na security guard.)

Guard: Teka lang, miss!

(Tumakbo siyang bumaba gamit ang hagdan at tumungo sa gym. Mukhang hindi pa tapos ang basketball game dahil wala pang nagsisilabasan mula roon.

Nang malapit na siya, dinig na dinig niya ang malakas na sigawan ng mga manonood. Halatang nasa climax na sila ng laro kaya sobra ang hiyawan ng audience. Pagpasok niya sa loob, kinailangan niyang makipagsiksikan dahil sa dami ng tao.

Tiniis ni Amisa ang sakit ng kaniyang balikat habang nakikipagsiksikan. Nang makarating na siya sa daanan, ang pinakaunang nakita niya ay ang gulat na mukha ni Elijah.

Nagkasalubong ang mga mata nilang dalawa.

Malungkot na napangiti si Amisa. )

Amisa: Stupid Elijah. Sa laro ka dapat naka-focus hindi sa paghihintay sa akin...

(Kitang-kita niya kung paano nabuo ang malawak na ngiti sa mukha ng kaniyang bestfriend. Excited itong kumaway sa kaniya at itinuro ang bakanteng upuan sa tabi.

Mabilis na sumunod si Amisa. May nakabangga sa kaniya mula sa likod pero hindi niya pinansin 'yon. Masyado siyang occupied sa pagpapatahimik sa kaniyang puso na lumakas bigla ang pagtibok.

Aware siyang basang-basa na ang gauze na nakatapal sa sugat niya kaya dapat ay hindi siya gumagalaw masyado pero heto siya at nagmamadali para lang makita ng malapitan si Elijah.

Sino ngayon ang stupid sa kanilang dalawa?

Hindi na niya alam...

Nang makalapit na siya, hinila siya palapit ni Elijah.)

Elijah: I'm so happy you came! Akala ko hindi ka na makakapunta. Hahaha!

Amisa: Kakagising ko lang kasi. Nakalimutan kong i-alarm ang phone ko.....

Elijah: Sabi ko na nga ba. But I'm thankful, you're now here with me.

(Napangiti si Amisa. Hinawakan niya sa batok ang bestfriend at nilaro sa pagitan ng mga daliri ang mga loose na strand ng buhok nito.)

Amisa: Are you enjoying the game?

(Parang batang tumango si Elijah.)

Elijah: Very much! Kanina nahuli tayo ng mahigit 10 points pero ngayong patapos na ang 4th quarter nakaabot rin tayo. It was so thrilling, Amisa!

Amisa: < Para talaga siyang bata. Ang cute...>

Elijah: .........

Amisa: .........

(Nilapit ni Elijah ang kaniyang mukha at nilunod si Amisa sa kaniyang mariin na mga titig.)

Elijah: Thank you for coming. I really appreciate it....

( Ang ingay sa paligid pero hindi 'yon nakasagabal sa reunion ng mag-bestfriend. Para kay Amisa, napakahaba ng araw na ito ngunit nang makita na niya ulit si Elijah, nabura ang madugong alaala at naglaho maging ang kaniyang pagod.
Napapikit siya.

Kung sino man ang nakakabasa sa isipan niya ngayon, gusto niyang malaman nila kung gaano siya nagpapasalamat dahil nakilala niya ang kaniyang bestfriend..

And God knows she will treasure these moments..... forever....

Biglang dumilim ulit ang kaniyang paningin. Nakarinig rin siya ng kakaibang ingay sa kaniyang mga tainga. Napakapit siya sa braso ni Elijah para mapigilan ang sariling matumba.)

Amisa: Sige nga at matingnan ang pinagyayabang mong basketball game.

(Aniya at umiwas ng tingin sabay lumayo mula sa bestfriend. Naaamoy na rin niya ang kaniyang sariling dugo dahil sa muling pagdurugo ng kaniyang sugat.

Buti na lang at mukhang hindi nakahalata ang kaniyang bestfriend. Nanood na rin siya ng laro at manakanakang nagche-cheer para hindi mapansin na nawawalan na siya ng lakas.

Muli siyang tumingin kay Elijah.
This is fine. As long as nakikita niyang masaya ito, masaya na rin siya.

That day, nanalo ang kanilang university basketball team. At tulad ng dati, nagtagumpay si Amisa na itago mula sa bestfriend ang kaniyang totoong pagkatao.

----

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon