Day 20 (c)

211 7 1
                                    

(Naiyukom ni Dr. Vince ang kaniyang mga kamay sa galit. Anong ginagawa ng miyembro ng Triangulo rito? Hindi, alam niya kung anong pakay nito. Pero..... just please, huwag na nilang guluhin si Amisa.)

Dr. Vince: Anong kailangan mo, Jin?

(Mariin niyang tanong pero ang kausap ay hindi man lang naalis ang ngiti sa mukha na para bang ang ganda ng takbo ng conversation nila kahit na naman.)

Jin: Ako dapat ang magtanong sayo niyan, sir. Kayo po ang may kailangan. Kaya nga po kayo pumunta rito, eh, kasi may kailangan kayong bilhin.

(Mas lumawak ang ngiti ni Jin na mas diniinan ang katagang 'sir'.

Sir, ha? Bullshit. At nagpapanggap ka pang hindi ako kilala, ah.)

Dr. Vince: Alam mo ang ibig kong sabihin, Jin. Sabihin mo sa akin ang totoo. Inutusan ka ba ni Asami na---

(Isang ginang ang lumabas mula sa likuran ng counter at sumilip sa kanila. Hula ni Dr. Vince, ito ang may-ari ng bakery.)

Owner: Oh, may late customer pala tayo.

(Lumipat din ito sa kanila at tumayo sa tabi ni Jin.)

Owner: Naku, paano 'yan, anak? Ito-ito na lang ang mga natira naming tinapay. Pasara na kasi kami.

Dr. Vince: <Ni hindi man lang niya alam na ang tinanggap niyang empleyado ay isang mamatay-tao.... na isang demonyo.>

Dr. Vince: Okay lang po 'yon. Babalik na lang siguro po ako next time. Pero bago ako umalis, pwede ko po ba munang makausap itong si....

(Binasa niya ang naka-print na pangalan sa name tag na nakadikit sa apron ng lalaking katabi ng ginang bago nagpatuloy. Huh, ni hindi man lang ito nagpalit ng pangalan. Baliw talaga.)

Dr. Vince: .... Jin.

(Nagtatakang tiningnan ng may-ari ang dalawang magkaharap na lalaki.)

Owner: Oh, magkakilala pala kayo?

Jin: Opo, 'Nay Grace. Pinsan ko po pala, si Dr. Vince.

(Pinandilatan ni Dr. Vince ang nagsalita nang marinig ang kaniyang pangalan. Ni hindi man lang ito gumamit ng pekeng pangalan at sinabi pa talaga ang kaniyang profession. Ginagalit talaga siya ng batang 'to.

At ano raw? Pinsan? Mag-pinsan silang dalawa? Salamat na lang, ah, pero huwag na. Hindi niya siguro makakayang tanggapin kung sakaling malaman niya na magkadugo pala sila. )

Owner: Talaga? Kaya naman pala! Pareho kayong guwapo, eh. Galing naman ng lahi niyo. Ilipat niyo naman sa akin, oh.

(Tumawa ito at tinapik sa braso si Jin. Pffft. Tulad ng dati, malapit sa mga matatandang babae itong si Jin. Nakukuha niya sa mga matatamis at corny na salita tapos ayon na. Sigurado siya, napalitan na naman ang sugar mommy nito na nagbigay rito dati ng isang condominium. Teka, mali. Sports car yata 'yon?)

Owner: Sige, sige. Maiwan ko muna kayo. 'Pag may kailangan kayo, tawagin niyo lang ako, okay?

(Kinindatan pa nito si Dr. Vince bago pumasok sa likuran ng bakery. Nang maglaho na ito sa harapan nila, tumalikod ang batang doktor at naglakad palabas.)

Dr. Vince: Follow me.

(Hinubad ni Jin ang kaniyang apron at nakangiting lumabas ng bakery shop. Sumisipol pa siya habang sinusundan  ang doktor papunta sa isang makitid at madilim na eskinita dalawang block malayo sa bakery.)

Dr. Vince: Magsalita ka na. Ayokong magsayang ng oras.

(Napatawa ng mahina si Jin.)

Jin: Hindi ka pa rin nagbabago tulad ni Amisa. Ito ring sugat na inoperahan mo ng walang anesthesia last time ay wala ring pinagbago. Hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin ang kirot. Na-trauma yata ako. Hahahaha!

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon