Day 19 (d)

357 13 7
                                    

FontCarlo General Hospital
8:15 pm

Nagsisisi ang isang lalaki dahil hindi siya nagsuot ng jacket. Lumalamig na kasi ang paligid kahit na hindi naman panahon ng taglamig. Nadagdagan pa dahil ninenerbiyos siya kanina pa.

Nang may dumaang grupo ng mga kalalakihan malapit sa kaniya, nagtago siya agad sa likod ng waiting shed sa harap ng FontCarlo General Hospital. Nag-alala tuloy siya nang makilalang mga pulis ang mga 'yon. Hindi maganda 'to, kailangan talaga nilang---

Narinig niya ang ingay ng isang motorsiklo palapit sa kaniya at napasinghap ng makita ang pamilyar na motor. Pagka-park nito sa tabi niya, agad siyang lumapit.)

Lalaki: Boss! Bakit kayo pumunta rito??

(Inalis ng driver ang helmet at bumaba mula sa motorsiklo. Parang hindi siya nakita o narinig ng tinawag niyang 'boss' dahil hindi man lang siya pinansin at nagsimulang maglakad patungo sa compound ng general hospital ng lungsod.)

Lalaki: Boss! Hindi kayo dapat naririto. Maraming miyembro ng kapulisan ang nasa loob. Mahigpit ang seguridad doon ngayon kaya—

(Isang mabilis na kamay ang humawak sa kaniyang kwelyo at galit na expression ang nakuha niyang sagot.)

Amisa: So, anong gusto mong gawin ko? Manatili rito at hayaang pagpiyestahan ng mga pulis si Casper? GANUN BA?? HUH??!!

(Hindi siya nakasagot dahil sa takot. Huminga ng malalim ang kaniyang kaharap na mukhang pinapakalma ang sarili saka binitawan din ang mahigpit na pagkakahawak sa damit niya. Siya naman ngayon ang nakahinga ng maluwag kasi akala niya katapusan na niya kanina. Pero gayunpaman, hindi siya nakaramdam ng kahit ano mang galit sa kaniyang boss. Imbes, mas naawa pa siya rito.

Nakatalikod na ang kanilang leader pero kita pa rin niya ang nakayukom na mga kamay nito. Paano na niya ngayon sasabihin rito ang masamang balitang dala niya?)

Amisa: Kahit anong mangyari dapat mabawi natin si Casper mula sa kanila. Alam kong hindi siya magsasalita kahit ano mang gawin nila sa kaniya pero.... hindi dapat natin iniiwan ang mga kasamahan natin.

(Para siyang binaril ng isang daang beses sa narinig. Nabuwag na ang grupo nila ilang taon na ang nakakaraan kaya wala na dapat 'samahan' sa pagitan nilang mga miyembro. Pero ang pinuno nila.... ang pinuno nila.... tinuturing pa rin silang kasamahan...

Sana siya na lang.. siya na lang at hindi si Casper ang nasa loob ng hospital ngayon..)

Lalaki: Patawarin niyo po ako...

(Nakasimangot na lumingon sa kaniya si Amisa.)

Amisa: Anong pinagsasabi mo diyan?

Lalaki: Kung dumating sana ako kaagad kanina.. k-kung hindi ako nahuli... kung ako 'yong lumigtas kay Sir Elijah at hindi si Casper.... Hi-hindi sana siya ang mahuhuli ni Gascon at---

Amisa: Tapos na ang nangyari at wala na tayong magagawa. At ang isa pa, ako ang may responsibilidad sa lahat ng ito kaya ano bang nangyayari sayo, huh? Kung umakto ka parang may namatay sa atin, ah.

(Hindi na niya kaya pang tingnan sa mata ang kanilang pinuno at napayuko. Nang hindi siya sumagot, mas lumalim ang kunot-noo ni Amisa.)

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon