Suzy: Ate Amisa!!(Mabilis niyang nilapitan ito at sinuri ang kalagayan.)
Suzy: A-anong nangyari sa'yo?? A-ano 'tong---
(Nakita niya ang duguang balikat nito. Ang nakita niyang maputing t-shirt na suot nito bago umalis ay basa na ng dugo. Nabigo siyang makakuha ng sagot dahil mukhang wala nang malay ang sugatan. Natataranta na siya. Anong gagawin niya? Anong gagawin niya??
Biglang may humawak sa kaniyang kanang braso.)
Suzy: !!!
Amisa: Anong....... ginagawa mo rito?....
(Nakahinga ng maluwag si Suzy. Buhay pa siya. Buhay pa si Amisa!!)
Amisa: Pa-paano ka nakapasok.....
Suzy: Ate Amisa, kailangang madala ka sa hospital. Um..Tatawag ako ng ambulansiya. Ah, hindi! Si Tatay muna! At pulis! Mga pulis! Kailangan natin silang—
(Mas humigpit ang pagkakahawak sa kaniya ni Amisa. Dumilat na rin ito pero parang mawawalan na ng malay.)
Amisa: Huwag na.. huwag kang tatawag ng kung sino man...
Suzy: Pero paano ka na?! Dapat magamot ang sugat mo. Ang dami nang dugo ang nawala sa'yo!
(Aniya na tinutukoy ang mga dugong nagkalat sa paligid nila. Halatang pagpasok kanina ni Amisa ay dumiretso ito sa kuwarto pero hindi na umabot at sa hallway na bumagsak dahil nawalan na ng lakas. Hindi maganda 'to. Ano mang oras ay tuluyan na itong mawawalan ng malay.)
Amisa: May paparating.. Doktor siya...
(Napangiwi si Amisa sa sakit at sinundan ng sunod-sunod na pag-ubo. Nag-aalala na si Suzy. Kailangan niyang gumawa ng paraan para gumaan ang pakiramdam ni Amisa. Hindi nga niya alam kung totoo ngang may darating na doktor o kung kailan ito makakarating. Pero ano?!! Wala siyang maisip!!
Sinubukan ni Amisa na umupo kaya agad niya itong tinulungang makasandal sa pader. Malalim na ang bawat paghinga nito at sobrang putla na ng mukha. Hindi pwedeng wala na lang siyang gawin at-- )
Amisa: Gusto ko talagang malaman kung anong dahilan at bakit ka naririto pero siguro mamaya ko na lang itatanong... Sa ngayon, can you do me.... a favor?
Suzy: Ah, um.. Su-sure.. A-ano 'yon?
Amisa: Pwede mo bang... linisin ang mga bakas ng dugo sa sahig.. Sigurado ako hindi magugustuhan ng bisita natin kung 'yan ang madatnan niya pagdating niya rito.. That is, kung hindi ka takot sa dugo..
(Nalilito si Suzy pero tumango na lang siya at pumunta sa kusina. Pinuno niya ang maliit na palanggana at kumuha ng basahan. Ayaw niyang iwanan si Amisang mag-isa pero dahil sa utos nito...)
Suzy: <Aish, bilisan ko na nga lang para matapos agad. >
(Pina-on niya ang mga ilaw at nag-umpisa sa sala. Napalunok siya ng masilayan ng mas mabuti ang mga dugong nagkalat sa paligid. Ganitong-ganito ang mga nakikita niyang crime scene sa television at unang beses niyang makakita ng ganito sa personal. Ano palang nangyari? Bakit may sugat si Amisa? May pumasok bang magnanakaw rito at nanlaban siya? Pero bakit ayaw ni Amisang maidala sa hospital? Dahil ba sa wala siyang maipambayad? That's ridiculous. Pero sabi niya may parating na doktor. Sino 'yon?
Sinilip niya si Amisa. Conscious pa ito pero alam niyang nahihirapan na ito sa kalagayan. Litong-lito na si Suzy. Pumunta siya rito para mang-good-time pero iba ang nadatnan niya. As in, never niyang inexpect 'to.
Pagkatapos niyang punasan ang mga dugo, sinunod niya ang tuyong basahan para wala nang basa sa sahig. Gumamit rin siya ng air freshener at ini-spray sa paligid dahil naaamoy pa rin ang dugo.

BINABASA MO ANG
97 Days
أدب المراهقينGaano mo kakilala ang bestfriend mo? Sigurado ka bang tama ang mga alam mo tungkol sa kaniya? Paano kung ito'y ilusyon lamang? Saksihan ang typical na buhay ng mag-bestfriend na sina Amisa at Elijah. Pero habang-buhay ba silang ganito? Anong pwede...