Day 17

414 14 4
                                    


(Sumisipol na lumabas ng apartment compound ang may-ari na si Manong Greg. Kakasikat pa lang ng araw at papunta siya ngayon sa bagong bakery shop malapit sa kanila para bumili ng mainit na pandesal.)

Manong Greg: Ang sarap naman ng simoy ng hangin.... Parang gusto ko tuloy mag-jogging...

(Nang makarating na siya sa pupuntahan, nagutom tuloy siya dahil sa mabangong amoy ng mga tinapay at kapeng barako. Siguro masasarap ang mga luto nila. Gusto na niyang bumili kaso parang wala ang mga tindera.)

Manong Greg: Tao po.. Tao po..

Lalaki: Magandang umaga po sa inyo.

Manong Greg: !!!

(Muntik nang atakihin sa puso si Manong Greg nang biglang may marinig na boses sa kaniyang likuran.)

Manong Greg: Ginulat mo naman ako.. Akala ko multo...

Lalaki: Ahaha, pasensiya na po kayo. Hindi niyo siguro napansin ang pagdating ko.

Manong Greg: (Aba, talagang hindi ko napansin kasi kani-kanina lang walang tao rito tapos bigla ka na lang sumulpot. Sino naman ang hindi magugulat??>

(Pumunta ang lalaki sa likuran ng counter at nagsuot ng apron.)

Lalaki: Ano pong sa inyo?

Manong Greg: ..... Tindero ka rito?

(Tumango ang lalaki at binigyan siya ng malawak na ngiti.)

Manong Greg: A-ah, ganun ba?

(Akala niya bibili rin ito kasi hindi naman mukhang tindero. Binata pa kasi ito at base sa mukha at suot na damit, mukhang mayaman, eh. Hindi tuloy niya maiwasang basahin ang nakasulat na pangalan sa tag na nakadikit sa suot nitong apron:

'Hello, I'm Jin '

Manong Greg: 15 na pandesal nga.

(Tumango ang tinderong may pangalang Jin at hinanda ang order niya. Nang i-abot na sa kaniya ang pandesal,

Jin: Alam ko pong first-time niyo rito pero subukan po ninyong huwag bumalik kaagad.

Manong Greg: Oooh, ganun ba kasarap ang mga pandesal niyo?

(Pero ngumiti lang ang binata at inabot sa kaniya ang mga baryang sukli.

Nang makalabas na siya, palingon-lingon pa rin siya sa bagong Bakery. May nararamdaman kasi siyang kakaiba, eh. Pero nang kumuha siya at tikman ang isang pandesal mula sa supot, nakalimutan rin niya ang mga suspetsa dahil sa sarap ng tinapay. Aaaah, mula ngayon doon na siya bibili ng pandesal at bread~~

Unknown: Tabi!!!!!

(Huli na nang makapag-react si Manong Greg dahil nabangga na siya ng nakasalubong na lalaking tumatakbo.)

Manong Greg: Hoy, hindi ka ba marunong mag-jogging?! Ang pagjo-jogging mabagal lang hindi 'yong parang tumatakbo ka sa Olympics---

Unknown: Aishh, umalis ka nga sa harap ko!!

(At tumakbo na naman ang lalaki palayo.)

Manong Greg: Ang gagong 'yon! Hindi man lang humingi ng pasensiya eh siya 'yong nakabangga. Hoy, bumalik ka rito!!!

(Nang tingnan niya ang unti-unting naglalahong lalaki, doon lang niya napansin na hindi naman nakasuot ng outfit na pag-jogging ang bastardo. Nakasuot ito ng makapal na jacket at pants na puno ng putik. Saan kaya nanggaling 'yon?

Haay, buti na lang at hindi niya nabitawan ang supot ng pandesal. Tinuloy na lang niya ang paglalakad pauwi bago pa lumamig ang mga biniling---

Unknown2: Nasaktan po ba kayo?

Manong Greg: AY, DIYOS KO PO!!!

(Isang 'di kilalang lalaki naman ang sumulpot sa harapan niya paglingon niya. Uso ba ngayon ang panggugulat?? Naka-strike two na sila, ah! Baka bumigay na ang puso niya 'pag nagpatuloy 'to. Anak naman ng tipaklong, oh!

Pagagalitan sana niya ang lalaki pero mas nagulat siya sa nakita.

Isang matangkad na lalaki ang nasa harapan niya ngayon. Sobrang puti ng kutis, hanggang balikat ang maitim na buhok, nakasuot ng maitim na Italian suit, at may dalang maitim rin na suitcase.

Napaatras si Manong Greg. Hindi rin niya napansin ang pagkahulog ng supot ng pandesal.)

Manong Greg: A-a-a... okay lang ako...

Unknown: Mabuti naman, ho.

(Nagbow ang lalaki at saka siya nilagpasan. Nakangangang sinundan niya ng tingin ang weird na lalaki.)

Manong Greg: May nagsho-shooting ba ng pelikula malapit rito?

(Hindi tuloy niya maiwasang itanong sa sarili. Kakaiba talaga ang lalaking 'yon. Normal lang na makakita ng ganung naka-business suit kaso hindi maganda ang aura niya, eh. Baka naman hitman o Men in Black? Kinilabutan tuloy siya. Makauwi na nga at--)

Manong Greg: Teka, nasaan na 'yong mga pandesal??

(Nanlumo siya ng makita ang supot sa kalsada at ang mga nagkalat na pandesal sa tabi. )

Manong Greg: Aissh, kasalanan 'to ng hitman na 'yon! Sayang 'tong mga pandesal, oh!

(Wala tuloy siyang choice kundi ang bumalik ulit sa bakery at bumili ng bago. Pagpasok niya sa loob, bigla niyang naalala ang huling sinabi ng tindero.

Ngumiti naman si Jin pagkakita sa kaniya.)

Jin: Sabi ko na nga ba't babalik kayo kaagad.

Manong Greg: Paanong---

----

Here comes No. 6.

Thank you for reading 97 Days. 😉 Don't forget to vote and follow A. Michalski.

97 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon