(Sa loob ng flower shop, nagtatalo ang dalawang empleyado.)Employee1: Ikaw kasi, kung makakatitig ka sa kaniya, wagas!! Ayun, natakot tuloy.
Employee2: Excuse you?! Bakit ikaw, naglalaway ka pa nga kanina, eh. Duh!
Owner: Oh, tama na 'yan. Bumalik na kayo sa mga trabaho niyo. May ide-deliver pa tayo mamaya.
Employee2: Tapos si Ma'am kung anu-ano pang pinagsasabi kay Mr. Pogi. Siguro akala niya loka-loka tayo o ano. Hmp!
Owner: Oi, huwag niyo akong idamay sa kalandian niyo, ha? May asawa akong tao. Eh kayo, NBSB. Kaya huwag niyo akong ikumpara sa inyo, okay?!
Employee1: 'Yon nga Ma'am eh, may asawa na kayo pero nung nakita niyo si Pogi parang nakalimutan niyo na may asawa kayo.
Owner: Anong.. anong sabi mo??!! Hali nga kayo rito. Dito, dito. Lumapit kayo rito.
(Habang sa labas, may isang naglalakad na napatigil sa harap ng shop. )
Employee2: Ahahaaha, Ma'am, joke lang po 'yon. Tingnan niyo po, oh. May bagong customer.
Owner: Oi, bumalik kayo rito!!
(At tumakas ang dalawa at pinuntahan na lang ang babaeng nasa entrance ng shop na kanina pa nakatingin sa mga naka-display na bulaklak.)
Employee1: Good afternoon, Ma'am. Ano pong sa inyo?
Amisa: Hindi, tumitingin-tingin lang po ako. And besides, hindi po ako mahilig sa mga flowers.
(Lumapit rin sa kanila ang may-ari ng flower shop.)
Owner: Sigurado ka? Bakit hindi ka bumili ng kahit pang display lang sa labas ng bahay? Tulad nitong maliliit na naka-pot.
(Out of the blue, napangiti si Amisa.)
Amisa: ....... Hindi na po kailangan. Nahanap ko na ang flower ko, and he's as beautiful as always.....
(Nagulat ang owner sa sinabi ng babae. Ang nagawa na lang niya ay titigan ito hangga't sa makaalis na.)
Employee2: Huh?? Hindi ko na-gets.
Employee1: Ako rin. Sinong bulaklak? Ano 'yon???
(Nagulat sila ng biglang tumawa ng malakas ang kanilang amo.)
Owner: Hahaaha! Hay naku, ang swerte niya.
( At masaya itong bumalik sa loob ng shop.)
Employee2: Whaat?? Hindi ko pa rin na-gets! Ma'am, sabihin mo sa amin!
Owner: Secret ~~
----
![](https://img.wattpad.com/cover/82338032-288-k283635.jpg)
BINABASA MO ANG
97 Days
Teen FictionGaano mo kakilala ang bestfriend mo? Sigurado ka bang tama ang mga alam mo tungkol sa kaniya? Paano kung ito'y ilusyon lamang? Saksihan ang typical na buhay ng mag-bestfriend na sina Amisa at Elijah. Pero habang-buhay ba silang ganito? Anong pwede...